You are on page 1of 6

Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa”

Pagpapatawad,
Unang salita na winika ng Panginoon,
Mula sa lahat ng salita na pwede niyang sabihin…
Pagpapatawad ang kaniyang binigkas
Sa kabila ng mga sugat na tinamo niya
Sa kabila ng mga pagaalipusta
Sa kabila ng mga taong tumalikod sa kanya
Ama, patawarin mo sila.. sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa
Hindi ba talaga nila alam ang kanilang ginagawa?
O nagsasalita lamang ang Panginoon dahil sa labis na pag-ibig niya
Kaya kapatid.. magalak ka
Kasi pinatawad ka niya
Isa ka sa mga mapalad na pinaglaanan niya ng kanyang awa.
Pinapatawad na kita..
Kaya magpatawad ka..
Palayain ang sarili sa galit sa kanila.. o sa kanya
Magpatawad ka na
Patawarin mo na ang sarili mong pagkukulang, iyong mga pagkakamali
At magsimula kang lumakad hawak ang pag-ibig niya.
Pinapatawad na kita..Pinatawad ka na niya…
Malaya ka na
Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso”
Mga katagang binigkas ng Panginoon na dala ay pag-asa sa lahat ng tao..
Katotohanan na sa kabila ng kabigatan, kasalanan, mga kapighatian,
May pag-asang naghihintay sayo
Kapatid, may isang pangako.. sa ating lahat..
Na kapag naniwala ka
Sa oras na manampalataya ka…
Dadalhin ka niya sa Paraiso
Kagaya ng makasalanang kasama niya sa krus ng kalbaryo
Taong wala ng pag-asa ngunit pinangakuan niya ng buhay na walang hanggan.
Kapatid, mangyayari din ito s aiyo
Kung tatanggapin mo Siya
Bilang Diyos at Panginoon mo…
Sa tamang oras na inilaan niya para sa’yo..
Sa ikalawang pagbabalik nya
Ibibigay niya ang regalong ito,
Sa iyo, sa atin ang buhay na walang hanggan..
Kasama siya..
Manalig ka lang..
Maniwala ka lang
Darating siya para sa ating lahat.
Babae, narito, ang iyong anak! Anak Narito, ang iyong ina!

Huling tagubilin na may pag-ibig


Ngunit hindi lamang para kay Maria kung hindi sa lahat na maliligtas kasama niya
Kailangan mo ng taga-pag alaga
Dahil alam ni Hesus na hindi magiging madali ang lahat sa oras ng paglisan niya.

Hindi mo kayang mag-isa


Kailangan mo ng makakasama
Nais ng panginoon na magdamayan tayong mga anak niya

Hindi mo man tanggapin sa ngayon,


Pero hindi maligaya ang buhay kung mag-iisa ka lang
Maligaya ang may makaKaramay ka
Masasabihan ng iyong hinaing sa mga problemang hindi mo kakayaning dalhin mag-isa.

Kaya’t wag kang mahiyang lumapit sa iyong kapwa


Lalo na sa iyong pamilya, kaibigan, at kapatid sa pananampalataya
Humanap ng pinakamalapit na simbahang iyong masasaligan
Magpalakasan tayong patuloy hanggang sa dumating siya
Dahil iyon ang nais ng Panginoon,
Kaya’t Tara na kapatid… hinihintay na kita..
Nauuhaw ako.

Nauuhaw ang Diyos, hindi lang dahil sa tubig na ipinagkait sa kanya sa oras na
pinahihirapan siya
Sa oras na pinapako siya
Pero higit sa lahat ng ito
Nauuhaw siya
Sa pag-ibig mo..
OO kapatid..
Nauuhaw ang Diyos sa pag-ibig natin
Maraming nagsasabing mahal niya ang Diyos pero hindi iyon ang tibok ng puso
niya
Nakikita ng panginoon ang katotohanan sa bawat matamis mong salita
Kahit kalian, hindi natin maitatago ang tunay nating damdamin sa kanya
Ngunit gayunpaman, mahal ka niya
Mahal ka ng Panginoon kahit madalas kinakalimutan mo siya
Mahal ka ng Panginoon, kahit na hindi mo pinapahalagahan ang pag-ibig niya
Ngunit Hanggang kailangan mo siya paghihintayin?
Nasa durungawan ng puso mo ang ating Panginoon ngayon
Hinihintay niyang papasukin mo siya
Hayaan mong maghari siya sa buhay mong biyaya niya..
Hindi pa huli ang lahat
Kasi hindi siya nagsasawa..
Hindi siya nagbabago…iyon ang dahilan kung bakit siya napako
Upang ikaw at ako… ay mabuhay kahit na ialay pa niya ang sarili at mamatay.

Naganap na
Ang Panginoong Hesus ay napako na
Ang katuparan ng pangako ay nangyari na
Nagapanap na
Ang pagpapalaya sa sakit ng kahapon dala ng kasalanang gumupo sayo mula pa
ng una
Kapatid, Malaya ka na
Naganap na
Ang kagalingan ay ipinagkaloob na niya, mula sa latay at sugat na tinamo niya sa
kalbaryong dapat sana tayo ang nagdala
Naganap na
Ang kaligtasan ng mga tao mula sa madilim na bukas ay tinapos na niya
Inihanda na niya ang walang hanggang buhay sa lahat ng nanalig sa kanya
Naganap na..
May tagumpay na
May Kalayaan na
Tinubos ka na nya
Tanggapin mo na
Wag ka ng magdalawang isip pa
Ito na ang panahon
Para magsaya ka
Dumating na ang Messiah, at tayo ngayon ay ligtas na

You might also like