You are on page 1of 14

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: __________________________________Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo
Aralin 2: Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Batay sa mga Hakbang sa Mabuting Pagpapasiya

I. Panimula

Nilikha tayo ng Diyos sa mundong ito hindi lang ayon sa Kaniyang


wangis kundi dahil tayo ang nagsisilbing tagapangalaga ng ibang mga
nilalang. Samakatuwid, sa kabila ng kalayaan na ating tinatamasa na
ibinigay ng Diyos sa atin, tayo ay may misyon na dapat nating gampanan
habang tayo ay nabubuhay. Kaya naman nararapat nating tuparin ito sa
pamamagitan ng pag-iisip nang mabuti sa pagbuo ng ating sariling misyon
sa buhay.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya. (EsP7PB-IVd-14.4)

III.Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. maipaliliwanag ang ilang mga paraan ng pagbuo ng personal na
pahayag ng misyon sa buhay;
2. mapagninilayan ang isasagawang pagpapasiya at kilos na may
kaugnayan sa pagsasabuhay ng misyon sa buhay; at
3. makagagawa ng pansariling motto o kredo batay sa sariling
pagkaunawa sa misyon o layunin sa buhay.
IV. Pagtalakay

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(Personal Mission Statement)

Isang mabisang gabay sa ating mga pagpapasiya ang pagkakaroon ng


personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement. Ayon
nga kay Sean Covey sa kaniyang aklat na “The Seven Habits of Highly Effective
Teens, begin with the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin
ang gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para
sa atin ang mga mahahalagang pagpapasiya sa buhay. Ang personal na
pahayag ng misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o
pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng
iyong buhay.

Para itong balangkas ng iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng


pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay. Ang iba ay mahaba;
ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay
ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag
ng layunin sa buhay.

Sa pagbuo mo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, maaaring


isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang layunin ko sa buhay?


2. Ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Ano ang mga benepisyong maaari kong makuha at paano ito
makatutulong sa akin at sa ibang tao?
5. Ano ang mga magiging balakid na maaaring harapin?
6. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay
sa aking buhay?

Ayon pa kay Covey (1998) ang personal na pahayag na misyon o layunin


sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay
matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
Kailangan natin ang matibay na makakapitan upang malampasan ang
anumang unos na dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay
sa mundo. Lahat ay nagbabago. Maaaring ngayon ay mayaman kayo, bukas
naman ay naghihirap; mahal ka ng isang tao ngayon, bukas ay may mahal
na siyang iba. Maraming bagay na hindi natin mapipigil.

2
Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa
kaniyang aklat:

⮚ Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga


kasabihan na may halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo.
Maaaring ang mga ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal
na layunin sa buhay.

⮚ Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng


labinlimang minuto ay isulat mo ang anumang nais mong isulat
tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga
ideya o itama ang mga pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang
minuto ay maaari mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa
bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka
na ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.

⮚ Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar


kung saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon
ang paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anumang paraang
makatutulong sa iyo.

⮚ Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan


ang perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito
isang proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro.
Ito ay personal mong sikreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong
inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala
sa
aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng
pahayag ng layunin sa buhay.

Kailangan ang personal na pahayag ng layunin o misyon sa buhay


upang panatilihing matatag sa anumang unos o pagsubok na dumating sa
iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga
itinakdang mithiin sa buhay. O, ano pa ang hinihintay mo?

3
V. Mga Gawain

Gawain #1

Panuto: Sumulat ng tig-dalawang misyon o layunin sa buhay na may


kaugnayan sa bawat papel na ginagampanan sa buhay.

Bilang
Bilang Anak Bilang Kaibigan
Mag-aaral

Bilang Anak ng Bilang Kabataan


Diyos

4
Gawain #2

Panuto: Gamit ang salitang “MISYON”, bilang isang mag-aaral sa Ikapitong


Baitang, bumuo ng mga paraan sa pasasagawa ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay. Isulat ang sagot sa graphic organizer, maaaring salita o
mga
pahayag ang kasagutan. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

Halimbawa: M – Maging mapagmalasakit sa lahat ng oras

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan PUNTOS
Orihinal ang pagkakabuo ng mga paraan 7
Maayos ang organisasyon ng mga ideya 5
Wasto at angkop ang ginamit na mga salita 3
Kabuuang Puntos 15

5
Gawain #3

Panuto: Bilang isang mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang, sumulat ng


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay gamit ang sumusunod na mga
tanong. Gamitin gabay ang rubrik sa ibaba.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan PUNTOS
Nakapagsulat nang maayos at malinaw na mga ideya 4
Nakapagsulat nang maayos ngunit kulang ang mga ideya 3
Nakapagsulat ngunit hindi naaayon sa paksa ang mga ideya 2
Hindi nakapagsulat nang maayos at malinaw na mga ideya 1

a. Ano ang layunin ko sa buhay?

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

b Ano ang aking mga pagpapahalaga?


.
____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

c. Ano ang mga nais kong marating?

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

d Ano ang mga benepisyong maaari kong makuha at paano ito


. makatutulong sa akin at sa ibang tao?

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

e. Ano ang mga magiging balakid na maaaring harapin?

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

6
f Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa
. aking buhay?

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

Gawain #4

Panuto: Batay sa iyong pagkaunawa sa bahagi ng Pagtalakay, ipaliwanag ang


ilan sa sumusunod na mga paraan ng pagbuo ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay. Isulat ang sagot sa patlang.

Gamiting gabay ang rubrik na ito.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG


Pamantayan PUNTOS PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan 5
Maayos ang organisasyon ng mga ideya 3
Wasto at angkop ang ginamit na mga salita 2
Kabuuang Puntos 10

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.


____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”.

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

3. Magpapahinga o maglaan ng oras sa pag – iisip

____________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsusulat nito.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7
Gawain #5

Panuto: Sumulat sa scroll sa ibaba ng sariling motto o kredo tungkol sa


misyon sa buhay. Gamiting gabay ang rubrik.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG


Pamantayan PUNTOS PUNTOS
Maayos ang organisasyon ng mga ideya 5
Wasto at angkop ang ginamit na mga salita 3
Malinis ang pagkakagawa 2
Kabuuang Puntos 10

8
VI. Pagsusulit

A. Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin at isulat ang letra ng wastong
sagot sa patlang.

_____1. Ito ay maihahaluntulad sa isang pansariling motto o kredo na


nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
A. Personal na Pahayag ng Kalayaan sa Buhay
B. Personal na Pahayag ng Panaginip sa Buhay
C. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
D. Personal na Pahayag ng Pantasya sa Buhay

_____2. Siya ang nagsabi na kung sa simula pa lang ay alam mo na ang gusto
mong mangyari sa iyong buhay, hindi na magiging mahirap para sa
iyo ang mga mahalagang pagpapasiya sa buhay.
A. Paul J. Meyer
B. Stephen P. Robbins
C. Hellen Keller
D. Sean Covey

_____3. Ang aklat isinulat ni Sean Covey tungkol sa Personal Mission


Statement kung saan isinaad niya ang katagang “begin with the end in
mind”.
A. Seven Habits of Highly Effective Teens
B. Seven Habits of Mission Statement
C. Seven Habits of Understanding Oneself
D. Seven Habits of Gathering Reflections

_____4. Ito ang simbolong ipinahayag ni Sean Covey bilang paghahalintulad


sa personal na pahayag ng misyon sa buhay na nagpapakita ng
katatagan at paglago sa buhay.
A. Bato
B. Puno
C. Puso
D.Isip

9
_____5. Ito ang pinakamagandang katangiang taglay ng isang taong mayroong
personal na pahayag ng misyon sa buhay.
A. Pagiging matatag at mapanagutan
B. Pagiging palaasa sa mga magulang
C. Pagiging tahimik at simple
D. Pagiging makasarili

B. Panuto: Gumuhit sa patlang ng puso kung ang pahayag ay tama at


bituin naman kung mali.

________1. Ang pangongolekta ng kasabihan o motto ay nakapagbibigay ng


inspirayon sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay.

________2. Kung nais na maglaan ng oras sa pag-iisip upang mabuo ang


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, magtungo sa lugar na
marami ang nakakakita at nakaririnig sa iyo.

________3. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay ibinabahagi sa


iba dahil nagsisilbi itong personal na gabay o balangkas na
nagbibigay ng inspirasyon sa pagpapatuloy sa buhay.

________4. Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay,


maaaring suriin ang mga naisulat na ideya at kung may makitang
pagkakamali ay maitatama agad.

________5. Kailangang magkaroon ng matibay na makakapitan upang


malampasan ang anumang unos sa buhay upang matagumpay
maisagawa ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

10
VII. Pangwakas

Panuto: Buuin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong


na makikita sa bawat kahon. Gamiting gabay ang rubrik na nasa ibaba.

RUBRIK SA PAGGAWA NG REPLEKSIYON NAKUHANG


Pamantayan PUNTOS PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 7
Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 5
Wasto ang pagbaybay at gramatika 3
Kabuuang Puntos 15

Head Hear Hands


t
Anong Paano ko
Ano ang konseptong magagamit
pagpapahalaga ang ang natutuhan
natutuhan
natutuhan ko sa totoong
ko?
ko? buhay?

11
VIII. Sanggunian
Mga Aklat

Covey, S. 1998. The 7 Habits of Highly Effective Teens. New York: Fireside.

Covey, Sean. 1998. “Habit 2: Begin with the End in Mind”. The 7 Habits of Highly Effective
Teens: 105-130.

Manuel B. Dy, Jr., et al. 2013. “Ang Kahalagahan Ng Mabuting Pagpapasya Sa Uri Ng
Buhay.” Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral.
Unang Edisyon. ISBN: 978-971-9990-54-3: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS): 319-322.

Manuel B. Dy, Jr., et al. 2020. “Pangarap, Mithiin at Pagpapasiya.” Edukasyon sa


Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral. Muling Limbag.:
Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepED-BLR): 283 – 285.

Mga Larawan, hinango sa:

(Hands) Google.com. 2020. [online] Available at:


https://www.google.com/search?q=clip+art+praying+hands&tbm=isch&source=iu&ic
tx=1&fir=yB-didqj_gJwNM%252Cxbs-hjplJ7zn5M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSm6rLeGyv-QiOsst0I-7zIoKbf6Q

(Head) Images.search.yahoo.com. 2020. Yahoo Is Now A Part Of Verizon Media. [online]


Available at:
<https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrgDugwl1BfkWQA3CNX
NyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-
?p=clipart+brain&fr2=piv-web&fr>

(HEART) Images.search.yahoo.com. 2020. Yahoo Is Now A Part Of Verizon Media. [online]


Available at:
<https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R85l1Bfta0APfeJzbkF;
_ylu=X3oDMTBsZ29xY3ZzBHNlYwNzZWFyY2gEc2xrA2J1dHRvbg--;_ylc=>

12
IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain marka
1 Gawain 2
marka Gawain 3 marka
pagbibigay ng pagbibigay ng pagbibigay ng
ang rubriks sa ang rubriks sa ang rubriks sa
Isinasalang-alang Isinasalang-alang Isinasalang-alang

ang kasagutan ang kasagutan ang kasagutan


magkakaiba-iba magkakaiba-iba magkakaiba-iba
Maaaring Maaaring Maaaring

Gawain 4 Gawain 5
marka marka
pagbibigay ng pagbibigay ng
ang rubriks sa ang rubriks sa
Isinasalang-alang Isinasalang-alang

ang kasagutan ang kasagutan


magkakaiba-iba magkakaiba-iba
Maaaring Maaaring

Pagsusulit Pangwakas

ng marka
rubriks sa pagbibigay
Isinasalang-alang ang

5. 5. A
iba ang kasagutan
4. 4. B Maaaring magkakaiba-
3. 3. A
2. 2. D
1. 1. C
B. A.

13
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Marynol G. Carlos


Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Ma. Cristina H. Nogoy, Carmelita H. De Guzman,
Lani A. Miraflor, Rosalinda S. Ibarra, PhD
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

14

You might also like