You are on page 1of 22

2020-KAL-CID-LR-051

Panghalip Pananong
Modyul sa Filipino 4
Unang Quarter

Gasigas, Nessaj Shirr D., Tanong.

OLIGARIO G. GASIGAS
Developer

Department of Education • Cordillera Administrative Region


Schools Division of Kalinga
Lubuagan District
2020-KAL-CID-LR-051

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the


Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and
the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an
edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all
original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.

ii
2020-KAL-CID-LR-051

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay naaayon tungo sa implementasyon ng K to 12


Curriculum. Ito ay nakapokus sa panghalip pananong.

Date of Development : May 2020


Resource Location : Schools Division of Kalinga
Lubuagan District
Manangol Elementary School
Learning Area : Filipino
Grade Level : 4
LR Type : ADM Module
Quarter/Week : Unang Quarter/Ikapitong linggo
Competencies/Code : F4WG-Ifg-j-3
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip
(pananong) -isahan at maramihan sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan

iii
2020-KAL-CID-LR-051

PASASALAMAT

Ang may-akda ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na tumulong


sa kanya:

Ang pinakamahalaga sa lahat, ang modyul na ito ay buong puso kong iniaalay
sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng lakas, talino at kakayahan upang mabuo
ang modyul na ito

Sa aking pamilya, na nagsilbing inspirasiyon at ang kanilang pang-unawa


habang isinasagawa ang kagamitang ito.

Sa lahat ng mga kapwa ko guro ng Manangol Elementary School na


pinamumunuan ng punong gurong si Gng. Leah Rose O. Tangob sa kanilang moral
na suporta;

Kay Gng. Journalisa S. Membrot, Superbisor sa Filipino at Gng. Conchita


Wagawag, PSDS, sa kanilang suporta at pagbibigay ng hamon sa mga guro upang
gumawa ng mga kagamitang pang- interbensiyon para sa mga mag-aaral.

DIVISION LRMDS STAFF:

MARILOU A. BALINSAT SHARON ROSE S. BOGUEN


Librarian II PDO II

EVELYN C. GANOTICE
EPS-LRMDS

CONSULTANTS:

ROMULO A. GALNAWAN
Chief, Cirruculum Implementation Division

AMADOR D. GARCIA, SR. Ph.D.


OIC- Schools Division Superintendent

iv
2020-KAL-CID-LR-051

TALAAN NG NILALAMAN

Copyright Notice
Paunang Salita
Pasasalamat
Talaan Ng Nilalaman
Paunang Mensahe
Alamin
Subukin (Paunang Pagsusulit)
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin………………………………………………………………………….9
Gawain1……………………………………………………………………………9
Gawain 2…………………………………………………………………………...9
Gawain 30
Isaisip2
Isagawa2
Tayahin3
Karagdagang Gawain4
Susi ng Pagwawasto5
Mga Sanggunian6

v
2020-KAL-CID-LR-051

Panghalip Pananong
Modyul sa Filipino 4
Unang Quarter

Gasigas, Nessaj Shirr D., Tanong.

OLIGARIO G. GASIGAS
Developer
2020-KAL-CID-LR-051

PANIMULANG MENSAHE
Para sa mga gumagabay sa mag-aaral:

Ginawa ang modyul na ito upang matutunan ng isang mag-aaral ang


panghalip pananong kahit walang gurong susubaybay sa kanya. May
mga inihandang gawain upang mahasa ang kakayahan at kaalaman ng
isang mag-aaral tungkol sa paksa. Kailangang gabayan at samahan
ninyo ang inyong anak/kapatid/kamag-anak sa pagsasagawa ng mga
gawaing napapaloob sa modyul na ito. Ipaalala sa mag-aaral na
kailangang gumamit ng kuwaderno sa pagsagot ng bawat inihandang
gawain at huwag susulatan ang materyal na ito.

Sa mga mag-aaral:
Kayo ay binibigyan ng higit na mahabang panahon upang mahasa ang
inyong kakayahan sa panghalip pananong. Huwag ninyong kalimutan na
basahin at sundin nang may pang-unawa ang mga panuto bilang gabay
ng bawat gawain sa modyul na ito.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na panuntunan para sa


matagumpay na pagsasagawa:
1. Basahing mabuti ang bawat yugto ng modyul na ito upang maging
matagumpay ang pagsagot sa mga gawain.
2. Laging isaisip na ang iyong buong pamilya ay laging nakasuporta
sa iyong kasanayan kaya malaya kang humingi ng paliwanag sa
bawat gawain na may kahirapan sa iyo.
3. Mahalagang maunawaan mo na ika’y sinasanay upang lubos
mong maintindihan at matutunan ang panghalip pananong.
Sikapin mong sagutin ang mga gawain at iwasang humingi nang
tahasang kasagutan. Kaya mo ito anak.

2
2020-KAL-CID-LR-051

ALAMIN!

Ang modyul na ito ay binuo upang matugunan ang iba’t ibang


paraan ng iyong pagkatuto. Hangad ng modyul na ito na maunawaan
mong lubos ang panghalip pananong. Ang saklaw ng araling
napapaloob dito ay maaaring makatulong sa mga susunod pang
aralin sa Filipino. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-
tanging paraan ng iyong pagkatuto.

Sa pagbuo ng mga pangungusap, may mga salitang ginagamit


upang tumulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga kaisipang
ipinahahayag. Isa na rito ang mga salitang inihahalili sa pangngalan.
Ang pamalit sa mga salitang ito ay tinatawag na panghalip. May iba’t
ibang uri ng panghalip. Ang isang uri nito ay mapag-aaralan sa
modyul na ito.
Ang susunod ay gabay sa bahagi ng aralin na kailangan mong
maintindihan sa patuloy mong pagbasa at pag-aanalisa sa nilalaman.

Layunin ng modyul na ito na malinang ang mga sumusunod:

1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong) -


isahan at maramihan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan F4WG-Ifg-j-3

3
2020-KAL-CID-LR-051

SUBUKIN
Paunang Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. ________ ang nanalo sa paligsahan? Aling panghalip pananong ang


dapat gamitin?
a. ano c. sino
b. kailan d. gaano
2. Anong panghalip ang ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
panahon?
a. Ssino c. saan
b. kailan d. kanino
3. Aling panghalip pananong ang sumasagot sa dalawa o mahigit ang
bilang?
a. ano c. magkano
b. ilan d. saan-saan
4. Ano ang sagot sa panghalip pananong na “Ano”?
a. bagay c. bilang
b. tao d. panahon
5. __________ ang dapat gawin kapag may lindol? Aling panghalip
pananong ang dapat gamitin?

a. ano c. kailan
b. sino d. ilan
6. __________ ka nakatira? Aling panghalip pananong ang dapat
gamitin?

a. sino c. saan
b. kailan d. kanino
7. Anong panghalip ang ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
halaga?
a. magkano c. ilan
b. kailan d. kanino
8. _________ ang mga kasama ni Prima sa bahay? Aling panghalip
pananong ang dapat gamitin?

a. sino-sino c. sino
b. saan d. saan-saan
9. ________ ang mas pipiliin mo, kabutihan o kagandahang pisikal?
Aling panghalip pananong ang dapat gamitin?

a. sino c. ilan
4
2020-KAL-CID-LR-051

b. saan d. alin
10. ________ ibinigay ni Shea ang blusang pula? Aling panghalip
pananong ang dapat gamitin?

a. ano c. kailan
b. sino d. kanino

BALIKAN
Panuto:
A. Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga salitang may
salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat
puwang at isulat sa inyong sagutang papel.

Ikaw Siya Kami


Ako Sila

________1. Si Mang Kardo ay laging nagpapaalala sa kanyang anak.


________ 2. Si John, si Mira, at ako ay mga batang Pilipino.
________ 3. Sina Mang Kardo at Aling Lina ay mabubuting magulang.
________ 4. Si Lanie (taong kinakausap) man ay may magagawa rin
para sa iba.
________ 5. Si Mia (taong nagsasalita) ay maari ring maging bayani
sa
munting paraan.

B. Kilalanin kung ang mga panghalip na nakasalungguhit ay may


kailanang isahan o maramihan.

________ 6. Siya ay natutuwa sa kanyang kaibigan.


________ 7. Lahat tayo ay dapat matutong mag-ipon habang mga bata
pa.
________ 8. Kayo ba ay humahanga rin sa mga batang tulad nila?
________ 9. Ikaw ay dapat ding matuto sa ginawa nila.
________ 10. Ako man ay nagsimula na ring mag-ipon mula sa aking
baon.

5
2020-KAL-CID-LR-051

TUKLASIN

Panuto: Basahin ang usapan nila Drey at Gabi at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Drey: Magandang umaga Gabi. Ano naman yang hawak-hawak mo?


Gabi: Ah eto! Baunan ko.
Drey: Wow! Ang ganda naman ng kulay. Sino kaya ang bagong guro
natin?
Gabi: Si Miss Minchin. Yung dating guro sa Uma.
Drey: Kanino mo naman nalaman?
Gabi: Kay Ate Sawit. Magkaibigan kasi sila ni Miss Minchin.
Drey: Saang paaralan siya dating nagturo?
Gabi: Sa Roadside Elementary School.
Drey: Sana mabait siya. Nakita mo na ba siya?
Gabi: Oo! Bumisita na siya sa bahay.
Drey: Kailan?
Gabi: Kahapon lang.
Drey: Ilang taon na kaya siya?
Gabi: Dalawampu’t pitong taon siguro kasi kababata naman ni Ate.
Kriing! Kriingg! Nagmadaling tumakbo sina Drey at Gabi nang marinig
ang tunog ng kampana sa paaralaan.

Sino-sino ang mga nag-uusap?


Ilan ang inaasahang sagot sa tanong na “Sino-sino ang mga nag-
uusap”?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Ano-ano ang mga salitang nasalungguhitan ng itim na linya?
Ano ang tawag natin sa mga ito?
Ano-ano naman ang mga salitang nasalungguhitan ng pulang linya?

SURIIN

Pag-aralan ang tsart.


6
2020-KAL-CID-LR-051

Panghalip Pananong Sagot Uri


Ano baunan bagay
Sino Miss Minchin tao
Kanino Ate Sawit tao
Saan Roadside Elementary pook o lunan
School
Kailan kahapon panahon
Ilan Dalawampu’t pito bilang

Ang mga salitang nasalungguhitan ng itim na linya ay mga


panghalip pananong habang ang mga salitang nasalungguhitan ng
pulang linya ay mga sagot nito. Nakatala sa pangatlong hanay ang uri
ng tamang sagot sa mga panghalip pananong.

Ang mga panghalip pananong ay inihahalili sa ngalan ng tao,


bagay, pook, panahon, bilang, gawain, at pangyayari sa paraang
patanong.

Halimbawa:
Drey: Sino kaya ang bagong guro natin?
Gabi: Si Miss Minchin.

Ang sagot ni Gabi sa panghalip pananong na “Sino” ay “Miss


Minchin” na isang tao. Pinapakita lamang nito na ang dapat isagot sa
panghalip pananong na “Sino” ay isang tao.

Ibang halimbawa:
Drey: Ilang taon na kaya siya?
Gabi: Dalawampu’t pitong taon siguro kasi kababata naman ni Ate.

Ang sagot ni Gabi sa panghalip pananong na “Ilan” ay


“dalawampu’t pito” na isang bilang. Pinapakita lamang nito na ang dapat
isagot sa panghalip pananong na “Ilan” ay bilang.

Pag-aralang muli ang kasunod na tsart para sa karagdagang


kaalaman.

Sagot sa Tanong na:


Isahan Maramihan Inihalili sa:

7
2020-KAL-CID-LR-051

Sino Sino-sino tao


Kanino Kani-kanino tao
Ano Ano-ano bagay
Alin Alin-alin pagpipilian
Saan Saan-saan pook o lunan
Kailan Kai-kailan panahon
Paano Paa-paano paraan
Magkano Magka-magkano halaga
Ilan Ilan-ilan bilang

Kapag higit sa isa ang itinatanong, inuulit ang buong panghalip na


pananong kung binubuo ito ng dalawang pantig. Inuulit ang unang
dalawang pantig kung binubuo ito ng tatlong pantig.

Mga halimbawa:
Tanong Sagot
Sino ang kasama mo ngayon? Jassen

Sino-sino ang mga kasama mo ngayon? Jassen at Jocelyn


Ano ang binili mo? tsinelas
Ano-ano ang mga binili mo? tsinelas, sapatos at damit

Tandaan:
Ang mga pangungusap na patanong ay nagsisimula sa malaking
titik at nagtatapos sa tandang pananong (?).

PAGYAMANIN
Gawain 1

8
2020-KAL-CID-LR-051

Panuto: Piliin ang tamang panghalip pananong na bubuo sa


pangungusap.
1. _______ (Sino, Ano) ang COVID-19?
2. _______ (Saan, Alin) nagmula ang sakit na ito?
3. _______ (Ano, Ano-ano) ang mga sintomas ng COVID-19?
4. _______ (Paano, Gaano) nakakahawa ang COVID-19?
5. _______ (Saan, Sino) ang nanganganib mahawa at magkaroon ng
malalang sakit?
6. _______ (Saan, Sino) pupunta kung nais magpa-test para sa
COVID-19?
7. _______ (Paano, Magkano) ang halaga ng bawat test?
8. _______ (Gaano, Ilan) katagal nalalaman ang resulta?
9. _______ (Gaano, Paano) mababawasan ang posibleng pagkalat
ng COVID-19 sa bahay?
10. _______ (Bakit, Ano) mahalaga ang pagsunod sa batas?

Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang panghalip pananong na bubuo sa usapan nila
Jamie at Udon at isulat sa kwaderno.

Jamie: 1(Ano, Sino, Kailan) ang binabasa mo?


Udon: Ito ay tungkol sa ating probinsiya.
Jamie: 2(Kailan, Saan, Gaano) mo naman hiniram ang libro na iyan?
Udon: Sa silid-aklatan.
Jamie: 3(Kailan, Saan, Gaano) mo ito hiniram?
Udon: Noong Lunes ko ito hiniram.
Jamie: 4(Ilang, Anong, Sinong) bayan ang bumubuo sa Kalinga?
Udon: Binubuo ang Kalinga ng pitong (7) bayan at isang (1) lungsod
(component city).
Jamie: 5(Magkano, Kailan, Gaano) kalawak ang ating probinsiya?
Udon: Ang Kalinga ay may kabuuang sukat na 3,071 kilometro
kwadrado. Dating iisang lalawigan din pala noon ang Kalinga at Apayao.
Jamie: 6(Ano, Kailan, Paano) naghiwalay ang Kalinga at Apayao?
Udon: Noong February 14, 1995. Sakto pa sa araw ng mga puso.
Jamie: 7(Sino-sino, Ano-ano, Ilan-ilan) ang mga hanapbuhay ng mga
taga-Kalinga?
Udon: Pagtatanim, paghahabi, paglililok at pagmimina ang mga
hanapbuhay nila.
Jamie: 8(Sino, Saan, Ilan) naman ang populasyon natin ngayon?
Udon: 212,680 ang kabuuang populasyon ayon sa Philippine Statistics
Authority Cordillera Administrative Region August 2015 census.
Jamie: Ang dami na pala natin ah! 9(Saan, Paano, Alin) pala nakatira si
Apo Whang-od na isang mambabatok?

9
2020-KAL-CID-LR-051

Udon: Siya ay nakatira sa Buscalan, Tinglayan. Sa Tinglayan din


makikita ang “Sleeping Beauty” na kadalasang pinupuntahan ng mga
turista. Marami ding magagandang lugar ang makikita sa Kalinga tulad
ng Awichon Cultural Village at Lilayan Lamagen Viewpoint sa Lubuagan.
Jamie: 10(Kailan, Ano, Alin) mo pala isasauli yang libro at hihiramin ko
din sana ito?
Udon: Sa Biyernes pa Jamie. Pwede naman kitang samahan sa silid-
aklatan, marami pa silang libro doon gaya nito.
Jamie: Sige! Tara na.

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng tanong tungkol sa mga larawan. Gamitin ang mga
panghalip pananong na nakatala sa bawat bilang.

1. Kanino
___________________________________________

2. Sino-sino
___________________________________________

3. Ilan

10
2020-KAL-CID-LR-051

_______________________

4. Gaano
_______________________

5. Saan

_______________________

6. Kailan
_______________________

7. Magkano

_______________________

8. Alin-alin
_______________________

11
2020-KAL-CID-LR-051

9. Ano
_______________________

10. Paano
_______________________

ISAISIP
1. Ano ang panghalip pananong?
2. Ibigay ang mga panghalip pananong na ang sagot ay:
a. tao d. panahon
b. pook/lugar e. paraan
c. bagay f. bilang
3. Ano ang kailanan ng panghalip pananong kung ang inaasahang
sagot ay iisa lamang?
4. Ano ang kailanan ng panghalip pananong kung ang inaasahang
sagot ay dalawa o higit pa?

ISAGAWA
Kung sakaling kasama mo ang inyong Alkalde (Mayor), ano
ang mga itatanong mo sa kanya tungkol sa pandemya ngayon? Gamitin
ang mga panghalip pananong na napag-aralan mo. Magtala ng limang
tanong.
1. __________________________?
2. __________________________?
3. __________________________?
4. __________________________?
5. __________________________?

TAYAHIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
12
2020-KAL-CID-LR-051

1. ________ ang magkakapatid sa alamat? Aling panghalip pananong


ang dapat gamitin?
a. Ano-ano c. Sino-sino
b. Kai-kailan d. Gaa-gaano
2. ________ ang trabaho ng kanilang magulang? Aling panghalip
pananong ang dapat gamitin?
a. Sino c. Magkano
b. Ano d. Alin
3. Anong panghalip ang ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
panahon?
a. Kailan c. Saan
b. Kanino d. Sino
4. Alin ang panghalip pananong na ang sagot ay dalawa o mahigit ang
bilang?
a. Ano c. Magkano
b. Ilan d. Saan-saan
5. Ano ang sagot sa panghalip pananong na “Kanino”?
a. Bagay c. Bilang
b. Tao d. Panahon
6. __________ dapat makinig kapag nagpapaliwang ang guro? Aling
panghalip pananong ang dapat gamitin?
a. Ano c. Paano
b. Sino d. Ilan
7. __________ mo ipapadala ang sapatos ni Nika? Aling panghalip
pananong ang dapat gamitin?
a. Sino c. Ano
b. Kailan d. Gaano
8. ________ ang mas pipiliin mo, kayamanan o kagandahan? Aling
panghalip pananong ang dapat gamitin?
a. Sino c. Ilan
b. Saan d. Alin
9. Anong panghalip ang ginagamit kapag nagtatanong tungkol sa
halaga?
a. Magkano c. Ilan
b. Kailan d. Kanino
10. _________ ang mga nabigyan ng tulong galing sa DSWD? Aling
panghalip pananong ang dapat gamitin?
a. Sino-sino c. Sino
b. Saan d. Saan-saan

13
2020-KAL-CID-LR-051

KARAGDAGANG GAWAIN

Batay sa napag-aralan mo sa modyul na ito tungkol sa panghalip


pananong, gumawa ng isang usapan tungkol sa gawaing bahay.
Gamitin sa pagtatanong ang mga panghalip pananong na iyong napag-
aralan. Gumamit ng mga lima o higit pang halimbawa ng panghalip
pananong.
Gawing gabay ang rubrik sa pagsulat ng usapan.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nagagamit ang angkop na mga panghalip
pananong sa usapan.
Naipahayag ang mabisa ang tungkol sa
paksang gawaing bahay.
Ang usapan ay nakasulat nang may wastong
baybay at bantas.
Kabuoang Puntos
5- Napakahusay 2- Di gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di mahusay
3- Katamtaman

14
2020-KAL-CID-LR-051

SUSI NG PAGWAWASTO

Isaisip Subukin
1.Ang mga panghalip 1. C 6. C
pananong ay inihahalili sa 2. B 7. A
ngalan ng tao, bagay, pook, 3. D 8. A
panahon, bilang, gawain, at 4. A 9. D
pangyayari sa paraang 5. A 10. D
patanong.
Balikan
2.a. Sino/Kanino
b. Saan 1. Siya 6. isahan
c. Ano 2. Kami 7. maramihan
d. Kailan 3. Sila 8. maramihan
e. Paano 4. Ikaw 9. isahan
f. Ilan 5. Ako 10. isahan
3. Isahan Pagyamanin
4. Maramihan Gawain 1
Isagawa 1. Ano 6. Gaano
Tanggapin ang sagot ng mag- 2. Sino-sino 7. Saan
aaral na wasto ang paggamit
3. Paano 8. Kanino
sa mga panghalip pananong.
4. Ano 9. Sino
Tayahin
5. Kailan 10. Ano-ano
1. C 6. C
Gawain 2
2. B 7. B
1. Ano 6. Kailan
3. A 8. D
2. Saan 7. Ano-ano
4. B 9. A
3. Kailan 8. Ilan
5. B 10. A
4. Ilan 9. Saan
Karagdagang Gawain
5. Gaano 10. Kailan
Tanggapin ang sagot ng
Gawain 3
mag-aaral na wasto ang
Tanggapin ang sagot ng mag-
paggamit sa mga panghalip
aaral na angkop sa larawan at
pananong.
wasto ang paggamit sa mga
panghalip pananong.
15
2020-KAL-CID-LR-051

Mga Sanggunian

Alberto, Myrna R., et al. Wikang Filipino 6. Quezon City: ASM Trading
Center, 1997.

Aragon, Angelita L. and Magdalena O. Jocson. Bagong Filipino sa Salita


at Gawa 3, Quezon City: SD Publications, 2007.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 3. Quezon City: Phoenix


Publishing
House, 2018.

16
2020-KAL-CID-LR-051

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

17

You might also like