You are on page 1of 30

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Wastong Pakikitungo sa Iba Pang
Kasapi ng Pamilya at Kasambahay
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Wastong Pakikitungo sa Iba Pang Kasapi ng Pamilya
at Kasambahay
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Arlene M. Serrano


Co-Author - Content Editor : Decelyn G. Vea
Co-Author - Language Reviewer : Elena W. Roque
Co-Author - Illustrator : Jamila G. Donaire
Co-Author - Layout Artist : Mearnie P. Panganiban

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Mary Grace B. Domingo
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Wastong Pakikitungo sa Iba Pang
Kasapi ng Pamilya at Kasambahay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon Sa
Pagpapakatao– Unang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Wastong Pakikitungo sa Iba Pang
Kasapi ng Pamilya at Kasambahay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon Sa Pagpapakatao–
Unang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Wastong Pakikitungo sa Iba Pang Kasapi ng Pamilya at
Kasambahay
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


maunawaan at maisabuhay ang mga wastong paraan ng
mabuting pakikitungo sa iba pang kasapi ng pamilya at
kasambahay.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga


magulang (EsP1P-IIa-b-1)

Nakatutukoy ng mga wastong paraan ng pakikitungo sa


mga kasambahay at iba pang kasama sa bahay (TG in EsP pah.
59-66)

Naipakikita ang wastong paraan ng pakikitungo sa mga


kasambahay at iba ang kasapi ng pamilya.

Naisabubuhay ang wastong paraan ng pakikitungo sa mga


kasambahay at iba ang kasapi ng pamilya.

1
Subukin

Magandang buhay! Ikaw ba ay may iba pang kasama sa bahay


maliban kila nanay, tatay, ate at kuya? Paano natin sila dapat
pakitunguhan o tratuhin? May inihanda akong larawan sa ibaba
upang malaman kung paano mo sila dapat pakitunguhan. Iguhit
ang tsek ( ) kung tama ang paraan ng pakikitungo sa
kasambahay o iba pang kasama sa bahay at ekis ( x ) kung hindi.

1. 4.

2. 5.

3.

2
Aralin Wastong Pakikitungo sa

1 Iba Pang Kasapi ng


Pamilya at Kasambahay
Sa isang pamilya na parehong naghahanapbuhay ang
haligi at ilaw ng tahanan o sina nanay at tatay, naiiwan ang
kanilang mga anak sa iba pang kasapi ng pamilya tulad nina tito,
tita, lolo, lola o sa isang kasambahay. Sila ang tumatayong
tagagabay habang wala sina nanay at tatay.

Ang mga tungkuling hindi na magawa nina nanay at tatay dahil


sa kanilang trabaho ay ginagawa ng mga kasambahay o kung
sino ang kanilang pinagkatiwalaan. Sa kanila iniiwan ang mga
bata upang mag-alaga at mag-asikaso sa pangangailangan nila
tulad ng pagkain, paglalaba ng mga kasuotan o damit, paglilinis
ng bahay at iba pa.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga kasambahay o iba


pang kasapi ng pamilya. Sila ang nagsisilbing nanay ng mga
bata. Ginagampanan nila ang tungkulin nina nanay at tatay sa
kanilang mga anak. Kaya nararapat lamang na tratuhin o
pakitunguhan natin sila ng may paggalang at pagmamahal
katulad ng ibinibigay natin sa ating mga magulang.

3
Balikan

Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Kung ikaw ang bata


sa sitwasyon ano ang gagawin mo. Iguhit sa loob ng isang kahon
ang iyong kasagutan. Gawin ito sa iyong sagutang papel at
ipakita mo ito sa iyong kasama sa bahay.

Nanonood ka ng paboritong mong panoorin sa telebisyon,


tinawag ka ng iyong nanay para tulungan ang ate mo na isilong
ang mga sinampay na damit.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral
upang maipakita ang wastong pakikitungo sa iba
pang kasapi ng pamilya at kasambahay.

4
Tuklasin

Anong gagawin mo kung makita mo ang inyong kasambahay o


kasama sa bahay na maraming dala-dalang pinamili galing sa
palengke? Magaling!

Halina at basahin natin ang maikling kuwento. Tuklasin natin kung


ano ang ginawa ni Jim sa kuwento. Gagabayan ka ng iyong
kasambahay o kasama sa bahay sa pagbasa nito.

Salamat Ate Ara!

Isang araw, tinanghali ng gising si Jim. Bago siya lumabas ng


kaniyang kuwarto, iniligpit muna niya ang kaniyang unan at
kumot.

Dali-daling lumabas ng kaniyang silid-tulugan si Jim nang


makarinig siya ng mga tinig na nag-uusap sa labas. Nakita niya
ang kaniyang Lolo at Lola sa sala. Kaagad siyang lumapit sa mga
ito saka nagmano.

5
Pagkalipas ng ilang sandal ng kamustahan, nagpaalam siya
saglit sa kaniyang Lolo at Lola upang magpunta ng kusina para
kumuha ng miryenda.

Nadaanan niya ang kanilang kasambahay at magalang na


humingi ng tulong upang makapaghanda ng makakain para sa
kaniyang Lolo at Lola. “Ate Ara, maaari po ba akong
magpatulong sa inyo sa kusina?” magalang na tanong ni Jim.

6
“Oo naman, ano ba ang maitutulong ko sa iyo Jim?”

“Nasa sala po kasi sila Lolo at Lola, dadalhan ko po sana sila


ng makakain. Kaso po, hindi ko po kayang magtimpla ng juice,”
malungkot na sabi ni Jim.

“Halika, pumunta na tayo sa kusina. Ako na ang magtitimpla


ng juice para kina Lolo at Lola,” masayang sabi ni Ate Ara.

“Salamat po Ate Ara, napakabuti po ninyo. Palagi po


kayong nandiyan para po sa aming pangangailangan. Kaya nga
po, mahal na mahal kita!” ang pahayag ni Jim saka hinalikan sa
pisngi ang kanilang kasambahay na si Ate Ara.

7
Suriin
Sagutan natin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa
kuwentong binasa o napakinggan. Isulat ang wastong sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang ginawa ni Jim nang dumating ang kaniyang Lolo at

Lola?

a. hindi niya ito pinansin

b. siya ay nagmano

c. hindi siya lumabas ng kaniyang kuwarto

2. Ano ang ginawa ni Jim bago siya lumabas ng kaniyang

kuwarto?

a. iniligpit niya ang kaniyang unan at kumot

b. nagsuklay ng kaniyang buhok

c. nagpalit siya ng damit

3. Sino ang kaniyang hinanap sa kusina?

a. si nanay

b. si Ate Ara

c. si Nana Tesa

8
4. Paano ipinakita ni Jim ang pagmamahal sa kaniyang

kasambahay?

a. inawitan niya si Nana Tesa

b. Hinalikan niya ito sa pisngi saka sinabihan ng Mahal na mahal

kita

c. binigyan niya ito ng isang basong tubig

5. Dapat bang tularan ang ginawa ni Jim kay Ate Ara? Bakit?

a. Hindi po, dahil si Ate Ara ay kasambahay lamang

b. Opo, dahil si Ate Ara ay bahagi ng aming pamilya

c. Hindi po, dahil binabayaran naman siya sa kaniyang trabaho

Ang bawat kasapi ng pamilya ay mahalaga. Malaki ang


naitutulong ng bawat isa upang maging maayos ang kanilang
pamumuhay. Ang ibang kasapi ng pamilya tulad nina ate,
kuya, lolo, lola, tiyo, tiya at kasambahay ay nagiging katuwang
ng magulang sa mga gawaing bahay sa mga panahong sila
ay malayo o nasa trabaho. Mabuting pakikitungo,
pagmamahal at paggalang ang dapat na ibigay sa kanila
kapalit ng mga sakripisyo nilang ginagawa para sa pamilya.
Lagi nating ipadama sa kanila na sila ay mahalagang bahagi
ng pamilya.

9
Pagyamanin

A. Paggabay na Kasanayan (Guided/Controlled Practice)

Lagyan ng tala ( ) ang loob ng kahon kung ang larawan ay


nagpapakita ng paggalang at mabuting pakikitungo sa ibang
kasapi ng pamilya o kasambahay at bilog ( ) kung hindi. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

2.

10
3.

4.

5.

11
B. Paggabay na Pagtatasa (Guided/Controlled Assessment)

Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng


mabuting pakikitungo sa iba pang kasapi ng pamilya o
kasambahay at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ipinakilala ni Ara ang kanilang kasambahay bilang ate at hindi


bilang ibang tao sa kaniyang guro at kamag-aral.

2. Sinigawan ni Elisa ang kaniyang Tiya Elma ng hindi niya


napanood ang aralin sa TV na handog ng DepEd.

3. Tinulungan ni Vina ang kaniyang tiyahin sa pagbubuhat ng


mga pinamili nito papasok sa kanilang tahanan.

4. Nagtago sa labas ng bahay si Dona nang marinig niya ang utos


ng kanilang kasambahay.

5. Hinintay na lamang ni Ken ang kuya niya na matapos sa


kaniyang panonood bago niya binukas ang radyo.

C. Malayang Pagsasanay (Independent Practice)

Masdan ang mga larawan sa bawat bilang. Iguhit ang masayang


mukha ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong
pakikitungo sa kasambahay o iba pang kasapi ng pamilya at
malungkot na mukha ( ) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1.

12
2.

3.

4.

5.

13
D. Malayang Pagsasanay (Independent Assessment)

A. Isulat ang Opo kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


wastong pakikitungo sa kasambahay o iba pang kasapi ng
pamilya at Hindi po kung hindi.

1. Sumasagot si kaagad kapag tinatawag ako ni Tito.

2. Sinisigawan ko ang aming kasambahay kapag mayroon akong


iniuutos.

3. Sinusunod ko kaagad ang utos ni Tita Belen.

4. Binabato ko ang aking mga laruan para pulutin ng aking Lola.

5. Inaabutan ko ng malamig na tubig si Tita pagkadating galing sa


bukid.

14
Isaisip

Ngayon, alam mo na kung paano ang wastong pakikitungo sa


mga kasambahay at iba pang kasapi ng pamilya. Palaging
tandaan na sila ang katuwang ng ating mga magulang sa mga
gawain sa bahay. Nararapat lamang na suklian natin sila ng
pagmamahal at paggalang upang maipadama sa kanila na sila
ay mahalaga sa atin.

Iguhit mo sa loob ng kahon ang natutuhan mo tungkol sa


wastong pakikitungo sa mga kasambahay at iba pang kasapi ng
pamilya. Isulat mo nang maayos sa ibaba ng iyong iginuhit ang
mga sumusunod na pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

“Pakikitunguhan ko nang may pagmamahal at paggalang ang


aking kasambahay at iba pang kasapi ng aking pamilya.
Mamahalin ko sila katulad ng pagmamahal na ibinibigay nila sa
akin.”

___________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

15
Isagawa

Iguhit ang puso ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng


wastong pakikitungo sa mga kasambahay at iba pang kasapi sa
pamilya at tala ( ) kung hindi.

1. 2.

3. 4.

5.

16
Tayahin
Ano ang dapat mong gawin sa mga sitwasyon sa Hanay A. Piliin
ang iyong sagot sa Hanay B. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Nais mong humingi ng a. Kukuhanin ko ang ibang


tubig sa iyong kasambahay. bitbit ng aming kasambahay
saka ipapasok sa loob ng
bahay upang hindi na siya
mahirapan.
2. Nakikiusap ang inyong b. Tutulungan ko si Lolo na
kasambahay na tulungan hanapin ang kaniyang
siya sa paglilinis. salamin.

3. Umiiyak ang bunso mong c. Tutulungan ko ang aming


kapatid, ngunit maraming kasambahay sa
ginagawa sina kuya at ate. pamamagitan ng
paglalagay ng mga
nakakalat na laruan sa
tamang lalagyan.
4. Hinahanap ng Lolo mo d. Makikiusap ako sa maayos
ang kaniyang salamin. na paraan upang humingi
ng tubig sa aming
kasambahay.
5. Nakita mong maraming e. Pupuntahan ko ang aking
bitbit na pinamili ang inyong kapatid upang makipaglaro
kasambahay. sa kaniya.

17
Karagdagang Gawain

Napansin mo na hindi lumalabas ng kuwarto ang inyong


kasambahay o iba pang kasapi ng pamilya dahil masama ang
kaniyang pakiramdam. Ano ang maari mong gawin upang
maipakita sa kaniya ang iyong pagmamahal. Iguhit mo ito sa
loob ng bilog. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

18
19
Isagawa
Tayahin
1.
1. d
2. c
2.
3. e
3.
4. b
5. a
4.
5.
Pagyamanin Suriin Subukin
A B C D 1.
1. b
2. X
2. a
1. 1.Tama 1. 1. Opo
3. b 3.
2. 2.Mali 2. 2. Hindi po 4. X
4. b
5.
5. b
3. 3.Tama 3. 3. Opo
4. 4.Mali 4. 4. Hindi po
5. 5.Tama 5. 5. Opo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

DepEd (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 1. Patnubay ng Guro


(Tagalog). Ikalawang Edisyon, 2017

DepEd (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 1. Kagamitan ng


Mag-aaral (Tagalog). Binagong Edisyon, 2017

Edukasyon sa Pagpapakatao Competency Guide for Grade 1


(EsP 1P-IIa-b-1)

Curriculum Implementation and Learning Management Matrix for


Grade 1

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like