You are on page 1of 9

Health – Grade 5

Quarter 1 – Module 3: Malusog at Hindi Malusog na Relasyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Schools Division Superintendent: Norma B. Samantela, Ceso VI
Assistant Schools Division Superintendents: Fatima D. Buen, Ceso VI
Wilfredo J. Gavarra
Chief Education Program Supervisor, CID: Sancita B. Peñarubia

MODULE DEVELOPMENT TEAM

MINVILUZ P. SAMPAL
Education Program Supervisor, MAPEH
Content and Technical Consultant and Reviewer

EDERLYN I. MORALES
Principal I, Buenavista ES, Pioduran East District
Writer

VILMA C. NIDUA
Teacher III, Polangui General Comprehensive High School
Content Editor

SHERYL JOY J. BURCE


Teacher III Polangui General Comprehensive High School
Language Editor

ALAN L. LLANZANA
Teacher I, Marcial O. Raňola Memorial School
Illustrator

MARY ROSE C. CRUZADA


Teacher II, Tiwi Agro-Industrial School
Lay-out Artist
Malusog at Hindi Malusog na Relasyon

I. Introduction

Nakaranas ka na bang makisalamuha sa ibang tao? Ano ang pakiramdam mo nang


nangyari iyon?

Sa araling ito ay ating tatalakayin ang mga palatandaan ng malusog at hindi malusog
na relasyon sa kapamilya, kaibigan at iba pang mga taong iyong nakakahalubilo.

II. Objective

• Recognizes signs of healthy and unhealthy relationships. (H5PH-Id-12)

III. Vocabulary List

• Malusog na Relasyon - relasyon o ugnayan na nagpapakita ng respeto sa isa’t-isa,


pagtitiwala, katapatan, pagsuporta, pagkakapantay-pantay, pagtanggap sa pagkakaiba-
iba at paggalang.
• Di Malusog na Relasyon - relasyon o ugnayan na nakapagdudulot ng tensiyon o
alalahanin

IV. Pre-test

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang katangian na nagpapahiwatig ng malusog na relasyon at ekis
(x) naman ang nagpapahiwatig ng hindi malusog na relasyon.

_________1. Pagbibigayan
_________2. Pagdududa
_________3. Pag-aaway
_________4. Pagkakaisa
_________5. Pananakit

1
V. Learning Activities
Pagmasdan at suriin ang uri ng relasyon na ipinapakita sa bawat larawan sa ibaba.

A.

B.

1. Anong uri ng relasyon o ugnayan mayroon sa pamilya sa unang larawan? Bakit?


_____________________________________________________________________

2. Ano namang relasyon ang ipinapahiwatig sa ikalawang larawan? Paano mo ito


nasabi?
_____________________________________________________________________

Paano nagkakaroon ng malusog na relasyon sa pamilya, kamag-aral o mga kaibigan?


Ano-ano nga ba ang mga palatandaan ng hindi malusog na relasyon? Atin natin itong alamin.

2
A. Mga Palatandaan ng May Malusog na Relasyon

Paano nga ba makikilala ang ugnayan na nagpapapakita ng malusog na relasyon?

Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagkakaroon ng malusog na relasyon sa kapwa.

1. May pagmamahalan sa isa’t-isa


2. May pagtitiwala sa isa’t-isa
3. May pagpapahalaga sa nararamdaman ng bawat isa
4. Malayang naipadarama ang nararamdaman
5. Malayang naipapakita ang totoong ugali
6. May paggalang o respeto sa opinyon ng iba
7. Natatanggap ang kahinaan ng bawat isa
8. Nalulutas ang problema sa mahinahong pamamaraan
9. Mayroong suporta sa bawat kasapi ng pamilya, kamag-aral o kaibigan sa kanilang
ninanais sa buhay
10. May pagbibigayan
11. Masaya kapag magkakasama
12. Pantay na pagtingin sa bawat isa o walang kinikilingan
13. May epektibong pakikipag-usap o komunikasyon
14. May pananampalataya sa Panginoon

Ang malusog na relasyon ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa buhay ng isang tao. Hindi


ito nakapagdudulot ng tensiyon o alalahanin.

B. Mga Palatandaan ng Hindi Malusog na Relasyon


Ano-ano nga ba ang mga palatandaan ng hindi malusog na relasyon?

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Walang pagkakaintindihan
2. Walang tiwala sa isa’t-isa
3. Kawalan ng katapatan
4. Walang oras sa pakikipag-usap
5. Nagseselos kapag may kasamang ibang kaibigan
6. Walang kalayaan upang makapagpahayag ng opinyon o ideya
7. Kulang sa pagmamahala at suporta mula sa kapamilya o kaibigan
8. Hindi natutuwa sa hindi magandang nangyayari o nakakamit ng kapamilya o
kaibigan
9. Nakakaranas ng sigawan o panankit sa gitna ng komprontasyon o pag- aayos ng
problema
10. Pagpuna at paninira ang natatanggap ng bawat isa
11. May kinikilingan o hindi pantay-pantay ang pagtingin sa tao

3
12. May negatibong pananaw sa buhay
13. Laging malungkot
14. Walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng bawat isa

Ang hindi malusog na relasyon ay nakapagdudulot ng tensiyon at alalahanin sa isang


tao.

VI. Practice Tasks

Activity 1

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng malusog na relasyon.
Iguhit naman ang buwan ( ) kung ang larawan ay nagpapahiwatig ng hindi malusog na
relasyon. Isulat ito sa patlang.

____________ 1. _________ 2.

____________ 3. _________ 4.

_________ 5.

4
Activity 2

Panuto: Isulat ang M kung ang sitwasyon sa bawat aytem ay nagsasaad ng malusog na
relasyon at HM naman kung nagsasaad ng hindi malusog na relasyon.

_________ 1. Pinipilit mo ang iyong kaklase na sumama sa iyo na bumili ng pagkain salabas
ng paaralan.

_________ 2. Iginagalang mo ang opinyon ng iyong kaibigan patungkol sa COVID 19


pandemic.

_________ 3. Masaya si Lorna na tumutulong sa mga gawain sa kanilang tahanan.

_________ 4. Mahinahon kang naghihintay sa pila para bumili ng pagkain sa canteen.

_________ 5. Pinalo at sinigawan mo ang iyong nakababatang kapatid nang buksan nito ang
iyong bag.

Activity 3

Panuto: Ang nasa unang column ay mga sitwasyon na nagpapakita ng hindi malusog na
relasyon. Gawin ang mga ito na malusog na relasyon. Isulat ang iyong sagot sa ikalawang
column.

HINDI MALUSOG NA RELASYON MALUSOG NA RELASYON


1. Walang tiwala sa isa’t-isa

2. May takot at walang tiwala sa sarili

3. Ayaw makipag-ugnayan sa iba.

4. Palaging malungkot sa pakikitungo sa mga


tao
5. Gusto laging masunod ang sariling
opinyon

5
VII. Post Test

Panuto: Isulat ang M kung ito ay palatandaan ng malusog na relasyon at HM para sa hindi
malusog na relasyon.

_________ 1. May pagmamalasakit sa isa’t-isa ang pamilya sa barangay nina Luis at Angie.
_________ 2. Nakararanas ng sigawan o pananakit sa gitna ng komprontasyon sa pag-aayos
ng gusot ang pamilya ni Amir.
_________ 3. Napapabayaan ng mag-asawang Rolan at Rian ang kanilang mga anak dahil sa
kanilang labis na pagsusugal.
_________ 4. Nagtutulungan at may tiwala sa isa’t isa ang magkakagrupo na sina Aurelia,
Marites, Miguel at Anthony sa paggawa ng kanilang proyekto sa MAPEH.
_________ 5. Iginagalang ni Via ang mga pangaral sa kanila ng kanilang mga magulang.

VIII. Assignment

Pagninilay:
Ikaw ba ay may malusog na relasyon sa iyong pamilya, kaibigan at kaklase? Patunayan
sa pamamagitan ng pagsusulat ng talata na pinamagatang, “Paano Ako Makitungo”

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

6
IX. Answer Key

Pre-Test:
1. /
2. x
3. x
4. /
5. x

Practice Tasks
Activity 1 Activity 2

1. 1. HM
2. 2. M
3. 3. M
4. 4. M
5. 5. HM

Activity 3

HINDI MALUSOG NA RELASYON MALUSOG NA RELASYON


1. Walang tiwala sa isa’t-isa May tiwala sa isa’t-isa
2. May takot at walang tiwala sa sarili Hindi natatakot at may tiwala sa sarili
3. Ayaw makipag-ugnayan sa iba. Nakikipag-ugnayan sa iba.
4. Palaging malungkot sa pakikitungo sa mga Masayang nakikitungo sa mga tao
tao
5. Gusto laging masunod ang sariling Isinasaalang- alang at iginagalang
opinyon ang opinyon ng iba

Post Test
1. M
2. HM
3. HM
4. M
5. M

References
1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health- q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat p.128
3. Masigla at Malusog na Ktawan at Isipan 5 Manwal ng Gurom pp. 59-61

You might also like