You are on page 1of 35

GRADUATION MESSAGE

SY 2022-2023

To all the graduates of SY 2022-2023 congratulations on reaching this milestone in


your educational journey! As you embark on the next phase of your life, I want you to
take a moment to reflect on the theme of your graduation:

"Kto12 Graduates: Molded through a Resilient Educational Foundation


(Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng matatag na Edukasyon)."

This theme reminds me of the poem Invictus by William Ernest Henley, which I quote:

“Beyond this place of wrath and tears, Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years Finds and shall find me unafraid.
It matters not how strait is the gate,
How charged with punishment the scroll,
I am the master of my fate,
I am the captain of my soul…”

This is a powerful poem that speaks to the human spirit's resilience in the face of
adversity. Graduates, this is your spirit. You are part of a generation that has faced
unprecedented challenges, from the COVID-19 pandemic to natural disasters and social
unrest. Despite these obstacles, you have persevered and demonstrated remarkable
resilience. You have adapted to online learning, overcome personal difficulties, and
maintained your focus on your goals.

Your ability to navigate these challenges is a testament to your strength and


determination. But you did not do it alone. You have been supported by your families,
teachers, and communities, who have provided you with a strong educational foundation.

The K to 12 curricula has equipped you with the knowledge, skills, and values you
need to succeed in life. You have learned not only academic subjects but also life skills
such as critical thinking, communication, and collaboration. More importantly, you were
nurtured with values such as honesty, integrity, and social responsibility.

Your education has prepared you not only for the world of work but also for active
citizenship. You are the future leaders of our country, and you have a vital role to play in
shaping its future. You have the power to make a difference, whether it is in your
community, your school, or the world at large.

As you move forward, I urge you to hold on to the lessons you have learned during
your education. Remember the value of hard work, perseverance, and resilience.
Embrace a growth mindset and continue to learn and improve yourself. Seek out
opportunities to serve your community and make a positive impact in the world. And be
steered by the values that have been instilled in you – honesty, integrity, and social
responsibility.
You are the master of your fate! Continue maintaining your cheerful outlook and
sense of control even when things are falling apart. You are the captain of your soul! Yes,
even in the most challenging of circumstances, you have the power to shape your own
destiny.
The challenges you will face in the future may be different from those you have
encountered so far. But I am confident that you have the skills and values to overcome
them. You have a bright future ahead of you, and I am excited to see the wonderful things
that you will achieve.
As you celebrate your graduation, take a moment to thank those who have supported
you along the way – your family, friends, and teachers. They have been your guiding light
and your source of strength. And as you move forward, remember that you are not alone.
You are part of a community of K to 12 graduates who share your experiences and your
aspirations.
Once again, to all the graduates I would like to convey my warmest congratulations.
You have accomplished so much, and you have so much potential. I encourage you to
continue to work hard, to be resilient, and to make a positive impact in the world. You are
the future, and I have no doubt that you will make it a brighter one.
In closing, let me acknowledge with pride and honor our living modern heroes our
dear teachers for their hard toil and never fading dedication and commitment. Similar
felicitations to all our education stakeholders and education leaders and colleagues of this
PRIME Region, National Capital Region.

Mabuhay!

WILFREDO E. CABRAL, CESO III


Regional Director
MENSAHE
Isang taos pusong pagbati sa pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Valenzuela, mga punong- guro at administrasyon, guro, magulang at sa mga Kabataan
Valenzuelano na magtatapos ngayon 2022-2023. Ako ay lubos na nagagalak sa oras,
panahon, malasakit na inilaan ninyo para sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang
kaisipan at kakayahan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Ang Edukasyon ay sandigan ng bawat isa para makamit ang ating mga pangarap.
Isa ito sa mga bagay na hindi maaagaw sa atin ng kahit sinuman. Layunin nito na linangin
at suportahan ang kakayahan ng mga kabataan na matuto ng iba’t- ibang kaalaman at
kasanayan na maging aktibo at responsable sa pakikisalamuha sa iba. Isa itong pundasyon
para sa tagumpay na nais nating marating sa buhay.
Ang pagkakaroon ng dekalidad na Edukasyon ay isa kayamanan na maipapamana
natin sa ating mga anak. Sinubok man ng panahon, teknolohiya at pandemya. Hindi
natinag ang kagawaran, bagkus ang mga guro ay nagtulong- tulong na matugunan ang
pangangailangan ng mag aaral at makisabay sa hamon ng buhay.
Mapalad ang mga magsisipagtapos ngayon taon, sa kadahilanan na maraming
magandang pagkakataon o oportunidad para ipagpatuloy ang magandang hangarin sa
buhay. Batid ko ang sipag at dedikasyon na inyong binuhos upang mapaghusay ang
inyong sarili para sa paghahanda sa karera inyong tatahakin. Sa tulong ng inyong mga
guro, magulang, kamag- aral, kaibigan at ng Diyos, ang inyong paaraalan ay naging
gabay at nagbigay ng aral at kalinangan upang kayo ay mahubog na maging matatag sa
lahat ng pagsubok sa buhay.
Kung kaya’t ako ay labis na humahanga sa lahat ng
Kabataang Valenzuelano na magsisitapos ngayon taon.
Nawa’y kayo ay maging inspirasyon at magandang
ehemplo sa ating lungsod at kapwa Valenzuelano.
Nawa’y ipagpatuloy ang magandang hangarin para sa
ikakaunlad ninyo at ng ating bansa.
Patuloy na pag ibayuhin ang inyong kakayanan at
ang magandang adhikain nais ninyo sa inyong buhay.
May magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo.
Nawa’y ang Panginoon Diyos ay patuloy kayong gabayan
at pagpalain sa lahat ng oras.
Maraming Salamat po!
MENSAHE
Isang maalab na pagbati sa mga magsisiangat ng baitang at magsisipagtapos nga-
yong Taong Panuruan 2022-2023 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa
Lungsod ng Valenzuela!
Ang paglalakbay tungo sa pagkakamit ng kasalukuyang tagumpay ay hindi
naging madali sa bawat isa sa inyo sa sitwasyong inyong kinaharap sa panahon ng
pandemya. Ang pagpupunyagi na makarating sa pagtatapos na ito ay dahil sa inyong
hindi matatawarang dedikasyon at pagnanais na makatapos.
May apat na haligi o pundasyon ang edukasyon ayon kay Jacques Delors: ito ay
ang “Learning to know”, “Learning to do”, “Learning to be”, and “Learning to live
together.” Ang holistikong mga kasanayang ito ay naging hamon sa panahon ng
pandemyang Covid-19 subalit hindi nagpagapi ang ating mga mag-aaral upang
maipagpatuloy ang pag-aaral anoman ang sitwasyon tuloy pa rin ang edukasyon.
Samakatuwid, kayong lahat ay pinanday at pinatatag ng mga karanasang puno ng
repleksyon, obserbasyon, mentalidad at desisyon na mas pinili ang mapanatili ang pag-
asang magtagumpay.
Ang Pagtatapos 2023 ay may Temang “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng
Matatag na Edukasyon” na naglalarawan at humuhubog nang malalim na simbolismo ng
inyong pagiging matatag at matagumpay sa iba’t ibang larang:
MATATAG dahil hinubog kayo ng pagkakataong kakaiba sa karaniwan at nakasanayan
sa tulong at tiyaga ng inyong mga guro, mga magulang at marami pang iba na
kasiya-siya niyong natugunan ang mga kinakailangan sa K to 12 kurikulum (Learning to
know);
MATATAG dahil lahat nang natutuhan ninyo ay isinagawa at isinabuhay ninyo upang
matulungan ang sarili, pamilya, kapwa, komunidad, at iba pang nangangailan ng inyong
tulong gayondin mailapat ang natutuhan habambuhay (Learning to do);
MATATAG dahil pinanday kayo ng mga mithiing makamit ang inaasam at pangarap sa
buhay na may pag-asa, positibo, masaya, produktibo, at kapaki-pakinabang na
mamamayan sa lipunan. Hinihikayat kayong salaminin ang inyong sariling kahalagahan,
paniniwala at pagkakakilanlan (Learning to be);at
MATATAG dahil pinili ninyo ang makipagsalamuha, makipag-ugnayan at
makipagkapwa-tao dahil ang pagkatuto ay responsibilidad ng lahat at nabubuhay tayo
hindi lang para sa ating sarili kundi para sa iba na may respeto, pagpaparaya at
pagkakaunawaan (Learning to live together).
Ang Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng kaniyang pinamamahalaan ay
nagsusulong sa direksyong MATATAG para sa kurikulum na akma at napapanahon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral, maayos na mga pasilidad, serbisyong mahusay,
mga programang nagpa-unlad sa inyong potensyal at proyektong tumugon sa kapakanan
ng mag-aaral sapagkat kasali lahat, kasama lahat, para sa lahat at ang susi sa
pagkakaroon ninyo ng dekalidad na edukasyon ay ang mahuhusay na guro na sinanay
upang maging ganap ang reporma sa sistema ng edukasyon.

Sa lahat ng ito, ang ating Lokal na Pamahalaan sa Lungsod ng Valenzuela ay


walang sawang tumutugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral,
maging sa mga magulang at paaralan. Ang pamumuhunan sa 360 degrees programang
pang-edukasyon ng ating lokal na pamahalaan ay isang sistematikong pamamaraan
upang maitaas ang kalidad ng pangunahing edukasyon sa Lungsod ng Valenzuela noon
pa man, maging sa kasalukuyan at hanggang sa hinaharap.

Sa pagtahak sa panibagong yugto ng inyong pag-aaral, huwag kalilimutan ang


mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay.

Higit sa lahat, tayo’y maging MATATAG sa lahat ng pagkakataon sa tulong, habag at


biyaya ng ating Poong Maykapal!

Mabuhay!
MENSAHE
Sa mga magsisipagtapos at mga magulang sa pampubliko at pampribadong
paaralan sa Lungsod ng Valenzuela, Taong Panuruan 2022-2023, binabati ko kayo! Ang
tema ng pagtatapos ngayong taon ay “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na
Edukasyon.”
Matapos ang ilang taong paghubog sa inyong karunungan at kakayahan ay
tatanggapin na ninyo ang “katibayan” na nagpapatunay na inyong napagtagumpayan ang
mga pagsubok, pagsusulit at mga kinakailangan upang maitaas ang antas ng inyong pag-
aaral. Bilang gradweyt ng K to 12 ay inaasahang kayo ay matatag na sa lahat ng aspeto
ng inyong buhay. Ang inyong pagtatapos ay hindi nangangahulugang nagwakas na ang
mga hamon sa inyong buhay.
Ito ay simula pa lamang ng panibagong yugto ng pakikibaka para sa mas mataas
na antas ng pag-aaral, higit na may kahirapan ang mga susunod na mga pagsubok dito.
Taglay ang karunungan, kasanayan at mga aral na inyong natutuhan, kayo ngayon ay
may sapat na kakayahan upang suungin ang mas malalaking unos na inyong haharapin
sa kinabukasan. Sa pagtahak sa landas na inyong pipiliin, huwag ninyong kalimutan ang
napakalaking papel na ginampanan ng inyong mga guro at mga magulang. Lagi ninyong
isapuso at isaisip ang mga aral at adhikaing naipunla sa inyo. Patuloy ninyong hubugin
ang inyong mga kasanayan at kakayahan upang kayo’y maging kapaki-pakinabang na
mamamayan ng ating lipunan.
Sa mga magulang, at nagsilbing magulang ng mga nagsipagtapos, taas noo
ninyong tunghayan ang pag-akyat sa entablado ng inyong mga anak. Ito ay bunga ng
inyong pagpupunyagi, pagpapakasakit at pagsisikap na maibigay ang lahat ng suporta at
kanilang mga pangangailangan upang mapagtagumpayan nila ang hamon ng buhay. Ang
inyong pagmamahal at pagtitiwala ang nagsilbing sandata nila upang maging matatag at
makamit ang tagumpay na ito. Saludo ako sa inyo! Patuloy sana kayong maging
mabuting gabay nila upang kanilang marating ang kanilang mga pangarap.
Muli, ang aking mainit na pagbati sa mga magulang, mga
guro at nagsipagtapos sa Taong Pampaaralan 2022-2023!
Mabuhay kayong lahat!
MENSAHE
Pagbati sa lahat ng magsisipag-angat ng baitang at magtatapos sa Taong Panuruan 2022-2023 sa
mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng Valenzuela na hinubog ng MATATAG na
edukasyon sa panahon ng krisis dulot ng pandemyang COVID 19.
Kaugnay ng tema ng Pagtatapos 2023, “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na
Edukasyon,” tayo ay nagtataguyod sa MATATAG na adyenda ng DepEd na naglalayong mabigyan
nang may kalidad na edukasyon ang bawat Pilipino at mahubog ang lipunang nakasalig sa Batang
Makabansa, Bansang Makabata.
Ang araw na ito ay natatangi sapagkat napagtagumpayan ninyo ang mga hirap at balakid na
maitawid ang antas ng inyong pag-aaral sa kabila ng mga hamon ng panahon. Ang inyong pagtitiyaga at
pagsisikap ay nagbunga ng tagumpay.
Nalinang ang inyong kakayahan sa hindi nakasanayang paraan ng pag-aaral. Natuto sa
pamamagitan ng interaksyon sa guro gamit ang makabagong teknolohiya at internet, kaakibat ang
masusing pamamatnubay ng inyong mga magulang sa inyong tahanan. Batid namin ang hirap na inyong
naranasan kasama ang inyong mga magulang at guro sa transisyon ng dulog-online at ang pag-
sasakatuparan ng pagbabalik ng dulog face to face sa huling taon ng inyong pag-aaral sa kasalukuyang
antas. Sa inyong pag-angat sa susunod na baitang ng edukasyon, nakatitiyak kami na kayo’y handa na
sa anomang mga hamon na inyong haharapin sa pagpapatuloy ng pakikihamok sa pandaigdigang
sitwasyon.
Sa inyong pag-angat ng baitang at pagtatapos, may magbubukas na pintuan na magiging daan
tungo sa minimithi ninyong pangarap sa buhay. Maraming darating na pagkakataon at muli ninyong
maipamamalas ang inyong natutuhang kaalaman, kasanayan at magandang pag-uugali. Kung naitawid
ninyo ang inyong pag-aaral sa kabila ng krisis pangkalusugan sa panahon ng pandemya, ay nakatitiyak
kaming lalo na handa na kayo para mapagtagumpayan ang mga susunod pang taon tungo sa ganap na
tagumpay.
Pasasalamat ang ialay ninyo sa Panginoon sa Kaniyang mga biyaya. Binigyan Niya ng
kalakasan ang inyong mga magulang upang maitaguyod ang inyong pag-aaral. Siya ang inyong naging
sandigan upang maging makabuluhan ang inyong mga karanasan sa paaralan. Kayo’y ganap na naging
mabuting tao na may respeto at dignidad dahil sa Kaniyang paggabay. Tandaan na sa bawat halakhak at
pagluha, sa bawat tagumpay at pagsubok, ang tunay na sikreto ng tagumpay ay pagsisikap at patuloy na
pagbangon sa bawat pagkakamali at pagkakadapa. Sa loob ng maraming taon ng pag-aaral na puno ng
pagsubok ay naiparamdam sa inyo na kayo’y kaloob ng Diyos sa inyong kapwa at bayan upang mag-
dulot ng pag-ibig. Kung kaya’t manatiling mapagkumbaba at mapagmalasakit sa lahat ng pagkakataon.
Hindi sa pag-akyat sa entablado at pagtanggap ng sertipiko o
diploma natatapos ang lahat. Ito ay simula ng mas maraming
oportunidad sa buhay. Laging pakatatandaan na kayo ay hinubog ng
MATATAG na edukasyon upang maging instrumento ng
pagmamahal sa inyong pamilya, sa ating lungsod, sa ating bansa at sa
buong mundo.
Mabuhay ang MATATAG na Batch 2022-2023! Padayon!
MENSAHE

Pagbati sa lahat!
Sa mga mag-aaral na nagsipagtapos sa taong panuruan 2022-2023, sa mga magulang,
sa mga guro at sa lahat ng nakibahagi sa matagumpay na pagtatapos sa araw na ito,
isang mapagpalang araw sa lahat.
Maraming pagsubok ang dumaan, maraming bagay ang nagbago, at maraming
pangarap na hindi natupad dahil sa pandemya na hanggang kasalukuyan ay nararanasan
pa. Ngunit hindi ito naging hadlang para maitawid ng bawat isa ang karunungang
magiging sandata sa lahat ng hamon ng buhay.
Sa mga batang nagsipagtapos, patuloy ninyong harapin ang hamon ng buhay para
makamit ang minimithing pangarap sa tulong at gabay ng Poong Maykapal. Sa mga
magulang na patuloy ang pagsasakripisyo at suporta para maitawid ang edukasyon ng
kanilang mga anak, isang pagpupugay po sa inyong lahat.
Sa mga guro na hindi matatawaran ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon para sa
kabataan, isang pasasalamat ang aking pinaabot sa tunay at buhay na bayani ng bayan.
Sa ngalan ng School Governance and Operations Division, pagbati sa lahat at patuloy
nating itaguyod ang MATATAG Agenda ng Kagawaran tungo sa maunlad at
masaganang buhay.

MABUHAY TAYONG LAHAT!


MENSAHE
Mahal kong mga magsisipag-angat,

Sa pagsapit ng araw na ito, nais kong ipahatid ang aking taos-pusong pagbati at
pagkilala sa inyong matagumpay na pag-aangat. Bilang punongguro, malugod kong kinikilala
ang inyong dedikasyon, sipag, at tagumpay sa pagtahak ng inyong edukasyon.
Lubos akong nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsisikap, hindi lamang sa mga
akademikong gawain, kundi pati na rin sa inyong mga personal na pag-unlad. Sa kabila ng
mga hamon at pagsubok, nakita ko ang inyong matatag na determinasyon na abutin ang
inyong mga pangarap.
Ngayong sandaling ito ng inyong pag-aangat, nawa'y hindi lamang maging dahilan ito
ng kasiyahan at tagumpay, kundi maging hudyat ng simula ng inyong mga adhikain. Kayo ay
mga indibidwal na may kakaibang potensyal, at ang mundo ay naghihintay sa inyo upang
ipamalas ang inyong galing at kakayahan.
Mahalagang maunawaan ninyo na ang inyong tagumpay ay hindi lamang tungkol sa
inyo. Ito ay isang tagumpay na ipinagmamalaki ng inyong mga magulang, guro, at buong
komunidad. Tayo ay isang malaking pamilya na nagtutulungan upang palakasin ang inyong
kinabukasan. Huwag sana nating kalimutan ang mga taong nagbigay ng suporta at pag
mamahal sa atin.
Sa mga susunod na hakbang na inyong tatahakin, itaguyod ang mga pangarap na binuo
ninyo sa pamamagitan ng pagsisikap at dedikasyon. Manguna kayo sa pagbabago, maging
tagapagdala ng inspirasyon sa mga nasa paligid ninyo, at patunayan sa mundo ang inyong
halaga at kakayahan.
Sa bawat pagharap ninyo sa mga hamon, alalahanin ninyo na mayroon kayong lakas at
talino upang malampasan ang mga ito. Manatili kayong matatag sa paniniwala na ang
edukasyon ay isang patuloy na proseso, at ang
inyong pagkatuto ay hindi nagtatapos sa
inyong pag-aangat. Huwag itong isipin bilang
katapusan, kundi bilang isang simula ng bagong
yugto.
Sa ngalan ng buong paaralan, nag-
papasalamat ako sa inyong mga kontribusyon,
tagumpay, at inspirasyon. Pinahahalagahan ko
ang inyong pagiging mga lider at tagapag-
tanggol ng kabutihan. Kayo ang mga pasi-
sikapan nating mga magsisipagtapos na maka-
pagbago ng mundo.

Amelita V. Yumang, Ed.D


Punongguro
MENSAHE
Isang mainit na pagbati ang aking ipinapaabot sa lahat ng mga nagsipag-
angat, taong panuruan 2022-2023! Tunay na mahalaga ang araw na ito
sapagkat ito ay isang katibayan ng tagumpay na bunga ng kolaborasyon ng
pagtutulugan ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral. Ating ipagdiwang
ang araw na ito dahil napagtagumpayan ninyo ang mga hirap at balakid upang
makatapos sa Junior High School.

Ang tema ng Pag-angat 2023 ay “ Gradweyt ng K-12: Hinubog ng


matatag ng Edukasyon ” kung saan ito ay sumalamin sa lahat ng ating pinag-
daanan noong mga nakaraang taon. Sabi nga nila, “ Pinatatag ng pagkakataon,
sinubok ng panahon. ” sapagkat lahat ng hamon na dumaan sa atin ay ating
napagatagumpayan at ito’y naging kasangkapan upang tayo’y maging matatag.

Sa mga kapwa ko magulang, isang masigabong palakpakan sapagkat tayo


ay nakapagpatapos ng ating mga anak. Binabati ko lahat ng mga nag
sipagangat sapagkat ang inyong mga pagsusumikap, sakripisyo, dedikasyon, at
pagtatiyaga ay nagbunga dahil sa pagpapala ng Poong Maykapal. Ito ay hindi
lamang mandato na dapat tuparin kundi isang pamana para sa magandang
kinabukasan ninyo.

Muli, maligayang pag-aangat!

Imelda SD. Libunao


Pangulo ng Samahan ng mga
Magulang at Guro
Ako, (pangalan), buong pusong nanunumpa bilang isang mag-aaral na
magiging tapat sa aking tungkulin sa paaralan. Itataguyod ko ang
kabutihan at kahusayan sa aking pag-aaral, at susundin ang mga
patakaran at regulasyon na nakapaloob sa paaralan.

Nanunumpa akong igalang at respetuhin ang aking mga guro at


kapwa mag-aaral. Iaalay ko ang aking lakas at talino upang makamit
ang tagumpay hindi lamang para sa akin, kundi para rin sa ikabubuti
ng aking paaralan at ng aking bayan.

Sa harap ng mga hamon at mga oportunidad, mananatiling


determinado at mapagkumbaba ako. Sa pamamagitan ng aking mga
gawa at pagkilos, itataguyod ko ang disiplina, integridad, at
pagkakaisa sa loob ng paaralan. Taas-noo kong isasabuhay ang
panunumpa ng katapatan sa bawat araw na aking ginugugol sa
paaralan.

Ito ang aking sumpa, na aking pinaninindigan sa buong puso't


kaluluwa

You might also like