AP 10 Summative Exam 4th Quarter - Quizizz

You might also like

You are on page 1of 5

Worksheets Name

AP 10 Summative Exam 4th Quarter


Class
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Date
Instructor name: Roumelia Cifra

1. Ang citizenship o pagkamamamayan ay ang konsepto na tumutukoy sa pagmamahal at nasyonalismo


ng isang mamamayan sa kaniyang bayan.

a) Mali b) Tama

2. Ito ang proseso kung saan ang dating mamamayang Pilipino ay naging mamamayan ng ibang bansa.

a) jus soli b) dual citizenship

c) jus sanguinis d) naturalisasyon

3. Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino na naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga


magulang o isa man sa kanila.

a) jus soli b) naturalisasyon

c) jus sanguinis d) dual citizenship

4. Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino na naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan


anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.

a) dual citizenship b) naturalisasyon

c) jus sanguinis d) jus soli

5. Si Felipe ay ipinanganak sa Pilipinas ngunit siya ay namalagi sa Italy upang mag-aaral ng culinary arts.
Halos apat na taon na siyang nakatira dito. Si Felipe ba ay Pilipino?

a) Siya ay Pilipino. b) Siya ay hindi Pilipino.

6. Ang mga magulang ni Lino ay isang Ilokano at isang Kabitenyo na nagtagpo sa kanilang trabaho sa
Saudi Arabia bilang office clerks. Si Lino ba ay Pilipino?

a) Siya ay Pilipino b) Siya ay hindi Pilipino


7. Ipinanganak si Antoinette sa Sta. Mesa, Manila ngunit nang siya ay nagkaroon ng pagkakataon na
magtrabaho sa ibang bansa, pinili niyang mabuhay dito at nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas
nito. Si Antoinette ba ay Pilipino?

a) Siya ay Pilipino b) Siya ay hindi Pilipino

8. Ang karapatang pantao ay pinaghihirapan muna ng isang tao sa pamamagitan ng paggawa bago niya
ito matanggap.

a) Mali b) Tama

9. Ang ilan sa mga ito ay mga karapatan ng isang Pilipino maliban sa isa:

a) sedisyon b) malayang pananalita

c) edukasyon at makapag-aral d) pagkain at pananamit

10. Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng


pamahalaan

a) Karapatan ng akusado b) Karapatang Sosyo-ekonomik

c) Karapatang Politikal d) Karapatang Sibil

11. Ito ang mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

a) Karapatang Politikal b) Karapatang Sibil

c) Karapatang Sosyo-ekonomik d) Karapatan ng akusado

12. Ito ang mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal.

a) Karapatan ng akusado b) Karapatang Sosyo-ekonomik

c) Karapatang Politikal d) Karapatang Sibil

13. Ito ang mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen.

a) Karapatang Sosyo-ekonomik b) Karapatan ng akusado

c) Karapatang Politikal d) Karapatang Sibil


14. Ito ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

a) Constitutional Rights b) Statutory Rights

c) Natural Rights d) Universal rights

15. Ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.

a) Statutory Rights b) Constitutional Rights

c) Universal rights d) Natural Rights

16. Ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong
batas.

a) Constitutional Rights b) Universal rights

c) Statutory Rights d) Natural Rights

17. Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng
mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng
paglabag sa karapatang pantao.

a) Global Rights b) Amnesty International

c) Human Rights Action Center d) Asian Human Rights Commission

18. Nakikipag-ugnayan ito sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at
maging ng printed material upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao.

a) Asian Human Rights Commission b) Amnesty International

c) Global Rights d) Human Rights Action Center

19. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at
pagsasakatuparan nito sa buong Asya.

a) Amnesty International b) Human Rights Action Center

c) Global Rights d) Asian Human Rights Commission


20. Nilalayon nito na itaguyod, pangalagaan, at isakatauparan ang tunay na pag-iral ng mga karapatang
pantao sa bansa.

a) Philippine Human Rights Information Center b) Free Legal Assistance Group

c) Task Force Detainees of the Philippines d) Philippine Alliance of Human Rights Advocates

21. Hangad ng organisasyong ito na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkaka-pantay- pantay ng
tao.

a) Free Legal Assistance Group b) Task Force Detainees of the Philippines

c) Philippine Human Rights Information Center d) Philippine Alliance of Human Rights Advocates

22. Ilan sa mga adbokasiya ng organisasyong ito ay ang paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa
kadahilanang politikal, pang-aabuso ng militar.

a) Free Legal Assistance Group b) Philippine Human Rights Information Center

c) Philippine Alliance of Human Rights Advocates d) Task Force Detainees of the Philippines

23. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din ang samahan
ng suportang legal, pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya.

a) Philippine Alliance of Human Rights Advocates b) Task Force Detainees of the Philippines

c) Free Legal Assistance Group d) Philippine Human Rights Information Center

24. Ang mga sumusunod ay ang mga requirements ng pagiging isang botanteng Pilipino maliban sa isa:

a) Mamamayan ng Pilipinas b) 18 taong gulang pataas

c) Tumira sa Pilipinas nang kahit labing-isang d) Hindi diskwalipikado sa pagboto


buwan

25. Ang pagiging mulat patungkol sa mga sosyo-politikal na mga isyu ay pagpapakita ng pagiging isang
responsableng mamamayan ng Pilipinas.

a) Tama b) Mali

26. Ang pagboto ay isang pamamaraan upang tayo ay tumugon at mairesolba ang mga isyung
matatagpuan sa ating lipunan.

a) Tama b) Mali
27. Sa pagpili ng ating mga ibobotong mga kandidato sa halalan, kilalanin natin ang mga kandidatong
nagbigay sa atin ng mga ayuda at pera sa panahon ng kompanya at hindi ang kanilang mga naging
kontribusyon at kredibilidad.

a) Tama b) Mali

28. Ang mga sumusunod ay mga taong diskwalipikadong bumoto sa halalan ng Pilipinas maliban sa isa:

a) Mga taong piniling magtrabaho sa ibang bansa b) Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang
bilang OFW baliw.

c) Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga d) Mga taong nasentensiyahan na makulong


kasong kinalaman ang krimeng laban sa nang hindi bababa sa isang taon
seguridad ng bansa

29. Noong 1948, itinatag ito ng United Nations sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.

a) Universal Declaration of Human Rights b) Magna Carta

c) Bill of Rights d) Cyrus Cylinder

30. Tinagurian itong “world’s first charter of human rights”.

a) Magna Carta b) Bill of Rights

c) Cyrus Cylinder d) Universal Declaration of Human Rights

You might also like