You are on page 1of 5

Third Periodical Examination

MTB 3
Pangalan : __________________________________________Iskor: _________________
I. Tukuyin kung anong pamanahon ng pandiwa ang mga sumusunod na sinalungguhitang salita.
1. Kahapon, nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.
a. naganap b. nagaganap c. magaganap
2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapos ng palabas.
a. naganap b. nagaganap c. magaganap
3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.
a. naganap b. nagaganap c. magaganap
4. Noong isang Linggo naglakbay ang aming koro.
a. naganap b. nagaganap c. magaganap
5. Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga
a. naganap b. nagaganap c. magaganap
II.Sipiin sa inyong kuwaderno at hanapin ang pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
6.Si Mario at kaniyang mga kaibigan ay naglaro ng basketball.
a. Mario b. kaibigan c. naglaro
7. Buong maghapon na nanatili sa loob ng silid-aralan ang mga bata.
a. Nanatili b. maghapon c. silid-aralan
8. Hinakot ng mga guro ang kanilang gamit mula sa opisina.
a. guro b. hinakot c. opisina
9. Nagmasid ang punong guro ng mga bagong computer sa silid ng ICT
a. punong guro b. nagmasid c. computer
10. Bumati si Tina ng Magandang kaarawan sa kaniyang kaibigan.
a. bumati b. kaibigan c. Tina
III. Unawain ang Pictograph at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
11. Tungkol saan ang pictograph?
a. araw ng pag-aani b. bilang ng naani c. bilang ng mga kamatis na naani ni Kay
12. Anong araw ang may malaking ani ng kamatis?
a. lunes b. sabado c. lingo
13. Anong araw naman ang may pinaka kaunting ani ng kamatis?
a. lunes b. sabado c. lingo
14. Ilan ang ani ng kamatis sa araw ng Miyerkoles?
a. 3 b. 9 c. 6
15. Anong araw ang may ani na 6?
a. Lunes b. Huwebes c. Sabado

Mga araw ng pagtatanim Bilang ng mga taong lumahok sa


pagtatanim
Hunyo 3 (Huwebes)
Hunyo 4 (Biyernes)
Hunyo 5 (Sabado)
Hunyo 6 (Linggo)
Hunyo 7 (Lunes)
Simbolo: = = 10 bilang ng tao na lumahok sa pagtatanim

16. Tungkol saan ang pictograph?


a. Bilang ng tao na lumahok sa pagtatanim
b. Bilang ng tao na tumulong sa biktima ng kalamidad
c. Bilang ng puno na itinanim sa bawat araw

17. Anong araw nagsimula ang pagtatanim ng puno?


a. Biyernes b. Sabado c . Huwebes

18. Anong araw ang may pinakakaunti ang bilang ng punong itinanim?
a. Lunes b. Sabado c . Linggo

19. Sa iyong palagay, bakit noong araw ng Sabado may pinakamaraming puno ang naitanim?
a. Ang mga kalahok ay walang pasok sa paaralan at opisina.
b. Ang mga kalahok ay makatatanggap ng malaking sahod kung Sabado.
c. Ang araw ng Sabado ay araw ng paglahok.

20. Ilan ang bilang ng punong naitanim noong Huwebes kumpara noong Lunes?
a. 20 b. 10 c.5

IV.Piliin ang angkop na pamagat ng akda o teksto, Bilugan ang letra ng tamang sagot.
21. . Malinis at maituturing na kahanga-hanga ang aming pamayanan. Kayraming turista ang nagaganyak
na pasyalan ang aming lugar. Tanyag ang mga bundok, ilog, at iba pang tanawin. Marami rin kaming mga
kababayang may kani-kaniyang talino sa iba’t ibang larangan — sa sining, sa edukasyon, at sa palakasan.
A. Mga Gawain sa Pamayanan B. Ang Aming Pamayanan C. Turista sa Pamayanan
22.. Mahalaga sa pagpapanatili ng kalusugan at pag-iwas sa sakit ang pagkain ng prutas at gulay. Isa ang
mga madilaw na prutas at gulay na kailangan ng katawan. Ang bitaminang taglay ng mga ito ay
nakapagpapalinaw ng paningin. Kaya, kumain ng carrots, kalabasa, kahel, hinog na mangga, at iba pa.
A. Pagkain ng Prutas at Gulay B. Iba’t ibang Prutas C. Pag-iwas sa Sakit
23. Ang niyog (coconut) ay mahalagang produkto ng Pilipinas. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog
sapagkat bawat bahagi nito ay mahalaga. Bukod sa pagbibenta ng kopra, buko at niyog sa pagluluto,
marami pa itong gamit. Ang niyog ay sangkap rin sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
A. Ang Paggawa ng Sabon at Shampoo B. Pagbebenta ng Kopra, Buko at Niyog
C. Kahalagahan at Gamit ng Niyog
V.Tukuyin ang angkop na pandiwa sa bawat pangungusap.
24. Ang mga bata ang ___________ng kanilang umagahan kahapon. Tinulungan sila ng kanilang ina.
a.nagluto b.nagluluto c.magluluto
25. __________ ng kaniyang kaarawan si Abegail noong Enero 8.
a.Nagdiwang b.Nagdiriwang c.Magdiriwang
26. Maagang __________ kahapon ang tatay ni Jake mula sa trabaho.
a.umuwi b.umuuwi c.uuwi
27. Tayo ay ____________ araw-araw.
a. nagdasal b. nagdarasal c. magdarasal
28. Mabilis __________ ni Maine ang mga awain sa modyul. Naipasa na niya ito sa kaniyang guro.
a. natapos b. natatapos c. matatapos
VI. Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at bilugan
ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.
29. Sina Beethoven at Mozart ang nagbigay kulay at katanyagan sa klasikal na musika.
a. makabago b. tradisyunal at pormal c. makaluma
30. Ang awiting “leron leron sita “ at “ bahay kubo “ at “ dandansoy” ay mga katutubong awitin na
magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin.
a. mga awitin na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at paniniwala
b. mga awitin na maririnig lamang sa paaralan
c. mga awitin na sinulat para sa mga bata
31. Ang pamahalaan ay naglunsad ng mga proyekto upang maihanda ang bagong henerasyon sa
magandang pagkakakitaan.
a. matatanda b. sanggol c. kabataan
32. Ang ating barangay ay naglunsad ng kampanya ukol sa pagtatanim ng puno.
a. nagpasimula b. nagsilbi c. gumawa
33. Ang mga palatuntunan sa paaralan ay nagsisilbing daan upang mapaunlad ang talino at interes ng mga
mag-aaral.
a. balakid b. paraan c. kalye
34.Nais ng may-akda na ipaliwanang ang tungkol sa isang paksa. Ang katha ay nagtataglay ng mga halimbawa at iba
pang mahahalagang detalye.

a. manlibang b. magbigay impormasyon c. manghikayat

35. Layunin ng may akda na mapasaya ang mambabasa gamit ang mga simpleng nilalaman ng katha.

a. manlibang b. magbigay impormasyon c. manghikayat

TABLE OF SPECIFICATION
MTB 3- THIRD QUARTER

COMPETENCIES ITEMS PLACEMENTS PERCENTAGE


Paggamit ng Pandiwa 28.6%
MT3G-IIIa-b-2.3.3 10 1-10
5 24-28 14.3%
Pagkuha ng detalye at
pag unawa sa grapikong 10 11-20 28.6%
pananda o marka
MT3SS – IIIa –c – 5.2
Pagbibigay pamagat sa 3 21-23
akda o teksto 8.6%
MT3LC-IIIg-2.6
Musika ang ating
Kultura 5 29-33 14.3%
MT3OL – IIIa-10.1 /
MT3VCD –IIIa-b-1.4
Pagtukoy sa layunin ng
may akda sa kanyang 2 34-35 5.7%
katha
(MT3LC-lllh-4.6)

TOTAL 35 35 100%

Prepared By: YUHANIDZ M. SUMAPAL


Grade 3- Adviser
Checked By: PETCHE M. HADJINOR
TII/Teacher-In-Charge

You might also like