You are on page 1of 3

Petsa: Ika-21 ng Marso, 2023

MALA-MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10


IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:
A. Nasusukat ang kaalaman at kasanayang natutuhan mula sa
kabuuan ng araling 3.5; at
B. Naipamamalas ang katapatan sa pagsagot sa lagumang
pagsusulit.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksang – Aralin: “Lagumang pagsusulit 3.5”
B. Sanggunian
1. MELCS: p. 190 – 191
2. Modyul para sa Mag – aaral – Filipino 10, pp:
C. Kagamitan: Kopya ng lagumang pagsusulit at susi sa
pagwawasto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng pumasok at lumiban sa klase
d. Pagbabalik – aral – pagrebyu sa kabuuan ng aralin 3.5
B. Paglalahad ng Aralin: Walang paglalahad ng aralin dahil
isasagawa sa araw na ito ang Lagumang Pagsusulit 3.5
C. Pagtatalakay – Walang pagtatalakay dahil isasagawa sa araw na
ito ang Lagumang Pagsusulit 3.5
D. Paglalapat – Pagpapamalas ng katapatan sa pagsagot at
pagwawasto ng lagumang pagsusulit
E. Paglalahat - Walang paglalahat dahil isasagawa sa araw na ito
ang Lagumang Pagsusulit 3.5

IV. PAGTATAYA – Aktwal na pagsagot sa lagumang pagsusulit Aralin


3.5 at aktwal na pagwawasto ng Lagumang Pagsusulit 3.5

Susi sa Pagwawasto

1. C 6. C 11. A 16.B
2. C 7. A 12. D 17. B
3. D 8. C 13. B 18. C
4. B 9. B 14. B 19. A
5. A 10. B 15. D 20. D
V. Kasunduan

Para sa gawain bukas, magdala ng art materials tulad ng bond


paper, construction paper, pandikit, gunting, atbp.

Inihanda ni: Iwinasto at tinunghayan:

PHILIP LEONARD B. DARUCA ROBERT G. MALLARE


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


Cadhit St., Calaocan, San Jose City
IKATLONG KUWARTER – LAGUMANG PAGSUSULIT 3.5

I – PANGNILALAMAN
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1) Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip
ng mambabasa.
a. tula b. dula c. maikling kuwento d. awit
2) Sa pagreretiro ni Kubuka bilang kawani ng Ggogombola Headquarters, siya ay nakaramdam nang?
a. kasiyahan b. kasabikan c. pag-aalala d. Pagkatakot
3) Dahilan kung bakit nagkaroon muli ng kulay ang buhay ni Kibuka?
a. pinabalik sa trabaho. c. tumanggap ng malaking pera sa pagreretiro
b. dinalaw ng kapatid. d. sa binigay na biik ng kanyag apo
4) Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang
naganap. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?.
a. nagdudukot b. naghahanap c. nagkakalkal d. naninimot
5) Si Kibuka, ang alaga baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilampon sa iba’t ibang direksiyon.
Ano ang kahulugan ng may salungguhit
a. tumalsik b. tumapon c. tumumba d. tumurit.
6) Anong damdamin ang lumutang o nangibabaw sa akdang, “ Ang Alaga”?
a. pagkalungkot b. pagkasiya c. pagkadismaya d. pagkabagot
7) Libangan na ng mga taga- Kalansanda ang magtatampisaw sa ilog. Ano ang kahulugan ng may
salungguhit.
a. nagbababad b. naliligo c. naglalaro d. nangingisda
8) Hindi matatawaran ang kasiyahan ni Kibuka ng isang araw ay dinalaw siya ng kanyang?.
a. asawa b. anak c. apo d. ina
9) Ang pagkawala ng alaga ni Kibuka ay nagdulot sa kanya nang ?
a. kasiyahan b. pagngungulila c. nakasama d. nakabuti
10) Ayon kay Kibuka ang pata ng alaga niyang baboy ay ibibigay kay?
a. Miriamu b. Yosefu at Miriamu c. Musisi d. Yosefu at Musisi
11) “ May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya
siyang kinakain ito. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. pagkalungkot b. pagkasiya c. pagkadismaya d. pagkabagot
12) Paano sinabi ni Kibuka ang paghanga niya kay Miriamu matapos matikman ang niluto nito?.
a. mahusay b. napakagaling c. nakakatuwa d. napakahusay
13) Ang akdang “Ang Alaga” ay halimbawa ng ______.
a. nobela b. maikling kuwento c. alamat d. pabula
14) Nagmula ang akdang “Ang Alaga ” sa _________.
a. Kenya b. East Africa c. North Africa d. Somalia .
15) Ang mga sumusunod ay mga salita o pahayag na naglalahad ng opinion, maliban sa?
a. baka b. sa palagay ko c. sa tingin ko d. para sa
16) _______ sakaling sa pagsunod natin sa protocol ay bumaba ang bilang ng kaso ng COVID 19 sa ating
lungsod. Anong salita o pahayag ang angkop na gamitin sa pagpapahayag ng opinyon?
a. maaring b. baka c. siguro d. sa tingin
ko
17) Sa aking paniniwala, ang tanging makapagpapagaling sa aking kapatid ay ang aking alagang pusa si Mayo.
Anong salitang naglalahad ng opinion ang ginamit sa pangungusap?
a. makapagpapagaling b. sa aking paniniwala c. sa aking d. tangi
18) Nababahala ako, inakala ko na manghihina ang kanyang pisikal na katawan sa pagkawala ng kanyang
alaga. . Anong salitang naglalahad ng opinion ang ginamit sa pangungusap?
a. nababahala b. ang kanyang c. inakala ko d. ng kanyang
19) Sa tingin ko kailangan nating mag-aral Mabuti sa kabila ng sitwasyon nating kinakaharap. Anong salitang
naglalahad ng opinion ang ginamit sa pangungusap?
a. sa tingin ko b. sa kabila c. nating d. kailangan
20) Sa nararanasang pandemya, marami ang nagkakasakit at namamatay na halos wala nang magawa kundi
tanggapin na lamang ang pangyayari. Anong sitwasyon sa akda ang may kaugnayan sa pahayag?
a. Naisip niyang naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga.
b. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang
trabaho.
c. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga
pangyayari.
d. Sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang
dulot ng kaniya na halos ikaiyak niya.

You might also like