You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Anyo ng Akademikong Pagsulat

Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Anyo ng Akademikong
1 Pagsulat

Inaasahan

Kumusta ka na? Binabati kita at mahusay mong naisagawa ang mga


gawain sa Modyul 1.
Mula sa elementarya hanggang sa Junior High School, iba’t ibang
sulatin ang iyong natutuhan. Natatandaan mo pa ba ang mga sulating ito?
Sa modyul na ito, makikilala mo ang iba’t ibang anyo ng akademikong
pagsulat ayon sa layunin, gamit, at katangian. Sa kursong iyong kinukuha,
higit mong kakailanganin ang kasanayan tungkol dito.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

Unang Pagsubok

Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, susubukin muna


natin ang iyong kaalaman sa paksa.

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang


tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Isa sa ipinagmamalaki ni Vernice bilang doktor ay ang kahusayan niya


sa pagsulat ng medical report. Anong anyo ng akademikong pagsulat
mahusay si Vernice?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

2. Ibinigay na kasunduan ng guro para sa susunod na araw ng klase ang


pagsulat ng tula. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang tula?
A. Teknikal na Pagsulat

3
B. Malikhaing Pagsulat
C. Reperensiyal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

3. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang may kinalaman sa pagsulat ng


balita, editorial, lathalain at iba pa?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Dyornalistik na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

4. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na maaaring piksiyon, bunga ng


malikot na imahinasyon o kathang – isip lamang ng manunulat o di
kaya naman ay hindi piksiyon na batay sa mga tunay na pangyayari.
A. Malikhaing Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

5. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na may kaugnayan sa isang tiyak


na propesyon o larangan.
A. Malikhaing Pagsulat
B. Reperensiyal na Pagsulat
C. Teknikal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

Balik-Tanaw

Magbigay ng mga salitang maaaring iugnay sa akademikong pagsulat.


Mula rito ay bumuo ng pangungusap na iyong magagamit upang makabuo
ng sariling pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat.

Akademikong Pagsulat

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa nakaraang modyul ay nabatid mo na ang akademikong pagsulat


ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.
Narito ang iba’t ibang anyo, layunin, gamit at katangian ng akademikong
pagsulat.

Mga anyo ng Akademikong Pagsulat ayon kay Dr. Mabilin


1. Malikhaing Pagsulat – Ang layunin ay aliwin, pukawin, antigin ang
imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa. Maaari itong piksiyon
na bunga ng malikot na imahinasyon o kathang – isip lamang ng
manunulat o di kaya naman ay hindi piksiyon na batay sa mga tunay
na pangyayari. Kinabibilangan ito ng mga makata, kuwentista,
nobelista at iba pa. Ang mga halimbawa nito ay maikling kuwento,
dula, tula, malikhaing sanaysay, pelikula, teleserye, komiks, musika at
iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat - layunin nito ay lumutas ng isang komplikadong
suliranin, bumuo ng pag-aaral o proyekto. Malawak ang kaisipang
sakop ng ganitong anyo ng sulatin. Ang feasibility study ay maituturing
na isang halimbawa nito.
3. Propesyonal na Pagsulat – may kinalaman sa isang tiyak na propesyon
o larangan ang anyong ito ng pagsulat. Ang paggawa ng ganitong
sulatin ay kadalasang batay sa propesyon o bokasyon ng isang tao.
Ang pagsulat ng police report, lesson plan, medical report at iba pa ay
ilan sa mga halimbawa nito.
4. Dyornalistik na Pagsulat – mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag ang anyo ng ganitong sulatin. Bihasa sa pangangalap at
pagsulat ng mga totoo, obhektibo at makabuluhang mga balitang
nagaganap sa kasalukuyan. Karaniwan itong isinusulat sa mga
pahayagan, magasin o kaya naman ay iniuulat sa radio, telebisyon o
maging sa social media gamit ang live streaming. Ang mga halimbawa
nito ay balita, editorial, lathalain, artikulo at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin nito ay irekomenda sa iba ang mga
sangguniang maaaring pagkuhaan ng mga datos at impormasyon
tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong nakikita sa huling bahagi ng
isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanata ng isang tesis
o disertasyon na tumatalakay sa kaugnay na literatura o pag-aaral.

5
Gawain 1

Panuto: Sa iyong palagay, alin sa mga anyo at katangian ng akademikong


pagsulat ang alam mo na o bihasa ka ng gawin? Alin naman sa mga
ito ang dapat mo pang tutukan at sanayin? Isagawa ang hinihingi ng
talahanayan sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang gawain.

Anyo ng akademikong pagsulat na Anyo ng akademikong pagsulat na


bihasa o alam ng gawin dapat pang tutukan at sanayin
Anyo: Anyo:

Layunin at Gamit: Layunin at Gamit:

Katangian: Katangian:

Gawain 2

Panuto: Higit na kilalanin ang mga anyo ng akademikong pagsulat sa


pamamagitan ng pagsusuri ng layunin, gamit at katangian nito.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos, makipag-usap sa
isa mong kamag-aral. Maaaring sa pamamagitan ng text o chat
kung hindi makapag-uusap nang personal. Pag-usapan ang
ginawang pagsusuri, magbahagihan din kung alin sa mga anyo ng
sulating ito ang higit mong kinawilihang sulatin. Isulat sa
kuwaderno ang gawain.

Anyo ng Layunin at Gamit Katangian


Akademikong
Pagsulat

6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi


makabuluhang impormasyon impormasyon sa nakasunod sa
impormasyon ang ang nabuong nabuong hinihinging
nabuong pagsusuri. pagsusuri. impormasyon
pagsusuri. ang nabuong
pagsusuri.

Tandaan

Ang kasanayan sa pagsulat ng mga anyo ng akademikong sulatin ay


gawaing nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal
sa iba’t ibang larangan. Kaya naman inaaasahan na ang isang mag-aaral
na katulad mo ay patuloy sa paglinang ng kakayahan sa gawaing ito,
nagsasagawa ng mga pamamaraan upang lalo pang mapaunlad ang
kakayahan sapagkat lubha itong makatutulong sa iyong napiling larangan
sa hinaharap.

7
Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Ibahagi ang iyong natutuhan tungkol sa anyo, layunin, gamit at
katangian ng akademikong pagsulat. Gamit ang kasanayan sa
pagiging mapanuri, maglahad kung paano ito makatutulong sa
isang mag-aaral na katulad mo.

Mahalagang matutuhan ang layunin, gamit at katangian


ng iba’t ibang anyo ng akademikong pagsulat
sapagkat______________________________ _____________________
______________________________________________________________
________________________________.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naatasan


ang mga mag-aaral na sumulat ng tula na bibigkasin sa panimulang
palantuntunan. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang tula?
A. Malikhain
B. Propesyonal
C. Dyornalistik
D. Teknikal

2. Dahil sa pagkalat ng COVID19, bumuo ng naratibong ulat si Dra.


Vernice Gabriele hinggil sa kanyang mga naging pasyente simula nang
kumalat ang pandemic. Anong anyo ito ng akademikong pagsulat?
A. Malikhain
B. Propesyonal
C. Dyornalistik
D. Teknikal

3. Magkahalong tuwa at pangamba ang nadama ni EJ nang mabasa niya


ang balita sa pahayagan tungkol sa General Community Quarantine sa
Metro Manila. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang balita?
A. Teknikal
B. Malikhain
C. Propesyonal
D. Dyornalistik

8
4. Bumili ng bagong kompyuter si Zedric. Hindi niya alam kung paano ito
gagamitin, laking tuwa niya nang mabasa ang kalakip na manwal sa
paggamit ng kompyuter. Anong anyo ng sulatin ang manwal?
A. Teknikal
B. Malikhain
C. Propesyonal
D. Dyornalistik

5. Sa pagpapatupad ng “Bayanihan To Heal as One Act” kaugnay ng


COVID19, isa ang pulis na si Sarhento Percie sa nakahuli ng mga
residenteng lumabag dito. Pagdating sa presinto, kaagad niyang ginawan
ito ng police report. Nagpapatunay ito na taglay ng pulis ang kasanayan
sa pagsulat ng __________na anyo ng akademikong pagsulat?
A. teknikal
B. malikhain
C. propesyonal
D. dyornalistik

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod na mga katanungan, pagkatapos ay


sagutin ang mga ito nang buong katapatan. Isulat sa kuwaderno
ang gawain.
Paano kaya makatutulong ang iyong kaalaman sa iba’t ibang anyo
ng akademikong pagsulat sa iyong napiling larangan sa hinaharap?

Sanggunian
Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
9
Mabilin, E. R. etal. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa
Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing
House, Inc.

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Lorena S. Club, MT II

Manunulat: Lorena S. Club, MT II

Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikalawang Linggo
Modyul 2

Gawain 1 at 2: Pangwakas na
Unang Pagsubok
Maaring magkaiba- Pagsususlit
1. C
2. B iba ng sagot.
1. A
3. C Sumangguni sa 2. B
4. A Pamantayan sa 3. D
5. D Pagmamarka 4. A
5. C

10

You might also like