Bugtong Sagot
Nang maliit ay mestiso, nang lumaki’y negro Abo ng Sigarilyo
Sa madre pare ito ay kasuotan, pormal na unipormeng kagalang-
Abito
galang
Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta Acacia
Tubig ito na takbo ng takbo, sa dagat-dagatan, sa ilug-ilugan, pati
Agos
na sa batuhan
Baston ni Kapitan, Hindi ko mahawakan Ahas
Dito ka galing tao, dito rin uuwi ang kabuuan mo Alabok
Makinang na bato ay ipinagbibili niya, nagbabaka-sakaling ikaw
Alahera
ay kumuha
Katulong mo sa lahat ng gawain, tagumpay mo ang mithiin Alalay
Dala nito’y kasuotan, panandalian lang kung bihisan, pagkat kung
Alambre
may araw lamang ito pinakikinabangan
Alamid o
Pusang pagkabilis-bilis, kumakain ng mga itik
Musang
Ako’y malinamnam, sipit-sipit ng sinipitan, durugin ang kabahayan
Alige
ng ako ay matikman
Bahay ni Ka Huli, haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawali Alimango
Hanging gala sa kapaligiran, singaw ng lupa kapag umuulan Alimuom
Sigawan mo siya, sisigawan ka rin niya Alingawngaw
Sa nakatataas ay sunud-sunuran, para siyang may parusang
Alipin
dapat pagbayaran
Isang kulisap, Kikislap-kislap Alitaptap
Pukpok dito, pukpok diyan, durugan at dikdikan Almires
Yari sa matigas na tela, hinabi ng kamay at makina, pwedeng
Alpombre
tapakan huwag lang pagpahiran
Heto na, heto na malayo pa’y humahalakhak na Alon
Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman loob Alkansiya
Parang kiki-kiti ang galaw, maraming paa’y naghahabulan Alupihan
Bahay ng salita, imbakan ng diwa Aklat
Tumutubo ito, namumuti-muti at nangingitim-ngitim Amag
Mumunting biyaya sa kalangitan, nakababasa rin sa bumbunan Ambon
Nang sumipot sa liwanag, kulubot na ang balat Ampalaya
Sa bukid nagsasaksakan, sa bahay nagbunutan Amorseko
Pagkatapos makapag-pagawa ng reyna ng templo, siya na rin ang
Anay
napreso
Matapat kong alipin, sunud-sunuran sa akin Anino
Hindi naman hayop, hindi rin tao, may dalawang pakpak ngunit
Aparador
hindi naman maka-lipad
Kabayo kong pula, nanalo sa karera umuusok pa Apoy
Mula berde naging pula, napakatamis ng lasa, sinusungkit ni Ara Aratiles
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na Araw
Ginto sa kalangitan, hindi matitigan Araw / Sun
Mataas kung naka-upo, mababa kung nakatayo Aso
Tubig na nagiging bato, Batong nagiging tubig Asin
Hindi makalipad ang lobo, kung si Ason ay wala rito Asoge
Bahay ni Donya Ines, Napapaligiran ng butones Atis
Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng sangkatauhan Babae
Kahit gaano linisin, marumi ang tingin Baboy
Amoy ay may kabahuan, itim o pula ang kulay Bagoong
Walang pakpak, mabilis lumipad, malawak gumawak Bagyo
Palda ni Maria, ang kulay ay iba-iba Bahaghari
Kung araw ay inilalayo ka, kung gabi ay kinakabig ka Bahay
Kayraming nakahiga, Iilan lamang ang aabot sa lupa Bakod
Magandang lakaran, may kakintaban, makinis na bato sa loob ng
Baldosa
tahanan
Bahagi ng katawang sinasandalan, ng may problemang di
Balikat
makapag-pasan
Sa bansa o sa sandaigdigan, galaw ng tao’y dapat malaman, sa
Balita
radyo at telebisyon man, ito ay sinusundan-sundan
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa Balimbing
Lugar sa bahay na kakikitaan ng lahat ng bagay sa kapaligiran,
lagus-lagusan ang hanging amihan, matitingala ka rito ng Balkonahe
kalahatan
Kapirasong putol na tela, Mga mamamayan pinagsama-sama Bandila
Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo ay walang paa Bangka
Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahon Banig
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit Baril
Nakatitindig ng walang paa, may tiya’y walang bituka Baso
Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw Batingaw
Buhay na di kumikibo, patay na di bumabaho Bato
Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo Batu-bato (bird)
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop Batya
Naka-yuko na ang reyna, di nalalaglag ang korona Bayabas
May bibig walang panga, may tiyan walang bituka, may suso
Bayong
walang gatas, may puwit walang butas