0% found this document useful (0 votes)
63 views3 pages

Demand

Uploaded by

amaxene18
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
63 views3 pages

Demand

Uploaded by

amaxene18
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Demand

Kahulugan ng demand
Kakayahan + Kagustuhan = Demand
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng
konsiyumer sa takdang presyo at panahon.

Ang pinakamahalagang salik na nagtatakda sa dami ng demand ay ang presyo.


- Ang presyo ay halagang katumbas ng isang produkto.

Ang kaugnayan na may kabailgtarang kaugnayan ay ipinapahayag sa Law of Demand.

Law of Demand - pag-uugali ng konsyumer sa pagtugon sa mga pagbabago sa presyo. Kapag


tumaas ang presyo, bababa ang demand (alam niyo na yun pag bumaba presyo keme).
Kondisyon kung saan ang ibang variable na nakakaimpluwensya sa demand ay hindi
nagbabago o mula sa Griyegong pahayag na “ceteris paribus”. Nangangahulugan itong “All
other things remaining constant except price.”

Kapag mataas ang presyo ng produkto, nagiging mahirap tugunan dahil kulang ang kakayahan
(purchasing power).

Income effect - kapag nababawasan ang numero ng mga gamit na iyong binibili dahil sa
pagtaas ng presyo, hindi katulad ng unang presyo na sakto o higit lamang ang bilang ng gamit o
produkto na iyong makukuha.

Substitution effect - paghahanap ng alternatibo kapag tumaas ang presyo ng produkto o


serbisyong nakasanayan.

Relasyon ng Dami at Presyo sa Demand

- Ekwasyon ng Demand (Demand Function)


- dami ng demand ay ipinakikita bilang “mathemaical function” ng presyo
Ang demand function ay maisusulat sa ekwasyong ito:
Qd = a- bP

Qd = dami ng demand, ito ay dependent variable.


A = dami ng demand kung ang presyo ay zero o horizontal intercept
(-b) = slope ng demand function, nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng
dami at presyo
P = presyo (independent variable)
- Iskedyul ng Demand (Demand Schedule)
- Ipinapakita kung gaano karaming produkto o serbisyo ang gustong bilhin ng
konsyumer sa iba’t ibang presyo.

- Kurba ng Demand (Demand Curve)


- grapikong representasyon ng bilang ng produkto na gustong bilhin ng mamimili.
iginuguhit sa paraang downward sloping upang mapakita ang kabaligtaran ng
kaugnayan ng dami ng demand at presyo nito.

Mga variable na hindi presyo na nakaiimpkuwensya sa Demand

- Populasyon o Bilang ng Mamimili


- pag marami ang populasyon, mas maraming konsyumer kaysa sa produkto.

- Kinikita
- mataas na sweldo ay nagpapahiwatig ng mas malaking kapasidad upang makabili ng
mas maraming produkto at serbisyo. Ang tawag kapag tumaas ang kita at bumaba
kapag lumiliit ang “normal good”.

Inferior goods - produktong bumababa ang presyo habang tumataaas ang kita ng tao.

- Panlasa
- ang pagpapasya ng konsyumer ay nakadepende sa kaniyang panlasa.

- Presyo ng Kapalit at Kaugnay na Kalakal


(Complementary and Substitute Goods)
- Kung tumaas ang presyo ng isang produkto, maaaring bumili ang konsyumer ng
panibagong produkto na mas mura.

- Distribusyon ng Kinikita ng mga Sambahayan


- Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) Law ng 2018 ay maaaring
magdulot ng karagdagang demand para sa mga manggagawang sumasahod nang hindi
tataas sa 250,000 sa loob ng isang taon. Opisyal na naging batas noon December 19
2017, ipinatatag ni president Rodrigo Duterte.

- Espekulasyon tungkol sa Magiging Presyo ng Kalakal sa Hinaharap


- kapag ang konsyumer ay may espekulasyon na tataas ang presyo ng produkto, bibili
sila ng marami ngayon upang mag-ipon at hindi sila maapektuhan sa pagtaas ng
presyo. Ang magiging epekto nito ay ang pagtaas ng demand ng produkto kahit hindi pa
nagbabago ang presyo nito. Kapag naman naisip ng mga konsyumer na bababa ang
presyo, hindi muna sila bibili at hihintayin ang pagbaba ng presyo upang makatipid. Ang
epekto nito ay ang pagbaba ng demand ng produkto kahit hindi pa nagbabago ang
presyo.
- Okasyon
- Isa sa mga variable na nakakaimpluwensya sa mga tao.

- Panahon o Klima
- malaki ang kinalaman nito sa pang-araw-arwa na pangangailangan ng mga tao
halimbawa, kapag mainit, tataas ang demand sa mga bagay na nagdudulot ng lamig.

Pagkilos sa Kurba ng Demand

- Kapag ang pagbabago ng dami ng demand ang dahilan sa pagbabago ng presyo, ang
kurba ng demand ay kikilos lamang at hindi lilipat. Kapag pababa ang kurba, ito ay ang
pagdami ng demand at pagbaba ng presyo.

Ang pagbabago ng presyo ay nagdudulot ng pagbabago sa pagdami ng demand ngunit


hindi ito nababago ang demand. Ang nakakapgpabago sa demand ay ang mga variable.

Paglipat ng demand
- Kapag tumaas ang demand, ang kurba ay lumilipat sa kurbang pakanan (right). Ang
paglipat ng kurba mula kaliwa patungong kanan ay ang pagtaas ng demand ngunit hindi
nagbago ang presyo.
- Kapag bumaba ang demand, ang kurba ay lumilipat sa kurbang pakaliwa. Ang paglipat
ng kurba mula kanan patungo sa kaliwa ay ang pagbaba ng demand kahit hindi
nagbago ang presyo.

You might also like