You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN

MAYKROEKONOMIKS (MICROECONOMICS)
Ang mikroekonomiks o mikroekonomiya (Ingles: microeconomics, Kastila: microeconomía; nagmula sa Griyegong
μικρό-ς: "maliit" o "munti"; at οικονομία /ikono΄mia/: "ekonomiya") ay isang sangay ng ekonomiyang nagsasagawa ng
pag-aaral kung paano nagpapasya ang mga tahanan at mga kompanya upang magamit at itatalaga ang limitado o
kakaunting mga kagamitan o yaman,[1] sa paraang tipikal at karaniwan sa loob ng mga merkado o pamilihan kung saan
mabibili at maipagbibili ang mabubuting mga dala-dalahin o mga serbisyo. Sinusuri ng mikroekonomiya ang kung paano
naaapektuhan ng ganitong mga desisyon at asal, ugali, o gawi, ang pampuno at pangangailangan (supply and demand sa
Ingles) para sa mga mabubuting dala-dalahin at mga serbisyo, na nagiging batayan ng mga presyo o halaga; at kung
paanong ang presyo naman ay nagiging batayan ng pampuno at pangangailangan ng mabubuting mga dala-dalahin at
mga serbisyo.[2][3]

MAYKROEKONOMIKS
 – ang masusing pag-aaral ng maliit na bahagi ng ekonomiya.ANG KONSEPTO NG DEMANDDEMAND -
ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo.

*Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa quantity demandedng isang produkto.
BATAS NG DEMAND
 – Kapag mababa ang presyo ng isang produkto,mataas ang demand. Subalit kapag mataas ang presyo ng isang
produkto, mababa ang demand nito.
Ceteris Paribus
  – Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantitydemanded, habang ang
ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito.
*Substitution Effect - Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, hahanap ang konsyumer ng pamalit na masmura.
*Income Effect -Ipinahahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinikita ng isang indibidwal kapag masmababa ang
presyo.

DEMAND SCHEDULE -Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga konsyumer sa iba’t
ibang presyo.

 HALIMBAWA:

DEMAND CURVE -Ito ang grapikong paglalarawan na


nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng
presyo ng isang produkto at quantity demanded para rito.

DEMAND FUNCTION -Ito ang matematikong pagpapakita sa


ugnayan ng presyo at quantity demanded(Qd).

HALIMBAWA:
Qd = 60 -10P
 
TANDAAN!

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang
alternatibong presyo sa isang takdang lugar at panahon. Sa sistema ng pamilihan, ang lahat ng produkto ay may
demand.Ang suplay naman ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
o tindera sa alternatibong presyo sa isang takdang lugar at panahon. Sa sistema ng pamilihan, mayroong suplay ang ibat-
ibang produkto na siyang makakatuon sa pangangailangan ng tao. Ang dami ng produktong binibili ay kadalasang
naaayon sa presyo nito sa pamilihan. Ganun din naman ang suplay. Ang presyo ng produkto at paglilingkod ay
nakakaapekto sa kagustuhan ng mga prodyuser na magbenta. Ang mga ito ay napapaloob sa Batas ng Demand at Batas
ng Suplay. Upang iyong malaman kung ano ang Batas ng Demand at Batas ng Suplay, gawin ang susunod na gawain.

TANDAAN!

Ang Batas ng Demand ay nagsasaad na kapag tumataas ang presyo ng produkto o paglilingkod, bumababa ang demand,
at kapag bumababa ang presyo, tumataas naman ang demand nito. Ang Batas ng Suplay naman ay nagsasaad na kapag
tumataas ang presyo ng mga produkto at paglilingkod, mas naeenganyo ang mga prodyuser na magbenta, samantalang
kapag bumababa ang presyo, hindi naeenganyo ang mga prodyuser na magpatuloy na gumawa ng suplay sapagkat ito ay
magreresulta ng kanilang pagkalugi. Ang presyo ang pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa demand at suplay.

QD= 800- 60P

P QD
0 800
680
4
6
320
200
12

QD= 100-5P

P QD
4
7
55
25

ARALING PANLIPUNAN

Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng susumusunod na pahayag. Isulat ang tamang letra sa
patlang upang mabuo ang salita.Ilagay mo sa papel ang iyong sagot.
A

1. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.

B D D
2. Nagsasad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng
A R presyo at quantity demanded.

3. Grapikong paglalarawan ng magkasalungat na ugnayan ng presyo at ng quantity demanded.


T S R

4. Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.

D D F O
5. Matimatikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.

Demand Up, Demand Down


Panuto: Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto batay sa mga pagbabago ng
sumusunod na salik. Isulat ang kung tataas ang demand at kung bababa ang demand. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand).

_____2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods).

_____3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa income goods).

_____4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto.

_____5. Inasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo.

_____6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo.

_____7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit.

_____8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo.

_____9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo.

_____10. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit.

DEMAND FUNCTION mula sa Demand Schedule para sa Face Mask. QD= 300-20P

PRESYO (P) QUANTITY DEMANDED (QD)


1 1.
2. 200
6 3.
4. 100
15 5.

DEMAND FUNCTION mula sa Demand Schedule para sa Notebook QD=500-20P

PRESYO (P) QUANTITY DEMANDED (QD)


6. 0
23 40
20 7.
18 8.
9. 200
10 10.
11. 380

You might also like