Title: “Sukli ng Buhay”
Setting: Sa isang maliit na tindahan naganap ang play sa ganap na hapon.
Social Issue: Pagtaas ng bilihin o Inflation
Characters:
Leann (Liza) - Isang estudyante na masigasig at masayahin.
Jasmine (Anna) - Kaibigan ni LIza, nag-aalala sa kalagayan ng kanilang pamilya
Mark Ian (Mang Rene) - Tindero, may malasakit sa mga mamimili.
Benjamin (Rico) - Kaibigan ni Marco, nagpapahayag ng mga opinyon.
Gian (Marco) - Kapatid ni Anna, nagtatrabaho bilang isang construction worker
Plot:
The scene begins withy Liza and Anna shopping for snacks, discussing how
prices have increased, which affects their budget. Rene enters, frustrated about the
rising prices, which impact his business and daily expenses. Marco and Rico join in,
sharing their own challenges and perspectives on the economic situation. The group
engages in a discussion on how government policies and external factors like inflation
affect their livelihoods.
As they exchange ideas, Marco suggests that they can support each other by
growing vegetables im the backyard, which could reduce experiences. Rico adds up
that pooling resources or making purchases together could help them save money.
Inspired by these ideas, the group agrees to work together, finding hope and solidarity
in collective action.
Liza: Anna, tara na! Bili tayo ng meryenda. Parang gusto ko ng chips at softdrinks!
Anna: (Nag-aalala) Wait lang Liza, parang masyado ng mahal ang mga yan. Tumaas
na naman ang presyo ng mga bilihin.
Liza: Oo nga, pero paminsan minsan lang naman tayo bibili e.
(Pumasok si Mang Rene, may dalang resibo)
Rene: Hay nako mga bata! Alam nyo ba? Nagtaas na naman ang presyo n mga bilihin.
Pati mga pangunahing pangangailangan ng tao nagmahal na rin.
Marco: Talaga? Kahapon lang nagbayad ako ng mas mahal na bigas. Grabe ang
itinaas kumpara noong nakaraang linggo.
Rico: Hindi na talaga kaya ng mga tao. Lahat, mula sa pagkain hanggang pamasahe
tumaas na!
Anna: Nakausap ko ang mama ko, nag-aalala sya sa paggastos namin. Baka hindi na
kami makapag--budget ng maayos.
Liza: Hay nako Mang Rene! Bakit ba ganito ang nangyayari sa atin? Ano na ba ang
nangyayari sa ekonomiya ng bansa?
Rene: Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Kailangan
nating tingnan ang mga polisiya ng gobyerno at mga natural na sakuna na
nakakaapekto sa ating mga magsasaka.
Anna: Mahirap na. Lalo na at maraming pamilya ang hirap. Parang nawawalan na ko
ng pag-asa na mababago pa ang ekonomiya at ang bansa natin.
Marco: Dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Ang lahat ng bagay ay may solusyon.
Maaari tayong magtanim ng gulay sa likod ng ating mga bahay o sa bakuran. Mas
maganda kung magtutulong-tulong tayo.
Rico: Oo para makatipid din tayo. O kaya mag-organize tayo ng barter system. Palitan
ng mga produkto.
Liza: O kaya gumawa tayo ng community garden! Makakatulong tayo sa bawat
pamilya sa ating barangay.
Anna: Pero paano kung hindi ito sapat? Paano kung walang tuulong sa atin?
Rene: Kailangan nating magtulungan. Suportahan ang mga lokal na magsasaka. Baka
sakaling makuha natin ang mga produkto nila sa murang halaga.
Marco: Dapat tayong mag-organisa ng community market. Doon natin maibebenta
ang mga aning gulay at prutas.
Rene: At kailangan din nating makilahok sa mga pulong sa barangay. Sabihin natin sa
kanila ang mga plano natin.
Anna: Mas masaya kung sama-sama tayong aaksiyon. Kung magtutulungan tayo,
magagawa at makakaya natin ito.
Marco: Simulan natin sa unang hakbang. Mag-imbita tayo ng mga kapit-bahay.
Rico: Dapat mas maraming tao ang makaalam.
Liza: Maaari tayong gumawa ng mga poster at ipakalat sa barangay.
Anna: Ito na ang pagkakataon natin para hindi lang makaraos, kundi makagawa ng
pagbabago.
(Habang naguusap-usap, bumalik si Mang Rene sa loob ng tindahan)
Rene: Huwag nating kalimutan na ipakita ang suporta sa mga lokal na tindahan.
Kapag tumangkilik tayo, natutulungan natin ang mga kapwa natin.
Marco: Yan ang tamang diskarte! Bilhin natin ang mga kailangan natin dito, hindi sa
malalaking tindahan.
Rico: Tama! Mas masarap ang mga lokal na produkto, mas fresh at mura.
(Ending)
Reflection:
"Sukli ng Buhay" highlights the power of unity and collective action in facing
everyday struggles like rising prices and limited resources. It shows how diverse
perspectives and teamwork can lead to practical solutions, emphasizing the
importance of empathy and civic participation. The play inspires hope, reminding us
that meaningful change comes from working together and supporting one another in
challenging times.