You are on page 1of 3

SCENE 1 (Opening Number)

SCENE 2 (Tindahan ni Aling Lenlen)


Pagpapakita ng mga problemang kinahaharap dulot ng kawalang-aksyon ng
kasalukuyang administrasyon.

Magsisimula ang eksena sa pagpapakita ng normal na kaganapan sa araw-araw sa


harapan ng Tindahan ni Aling Lenlen na siya ring Bise Mayor ng lugar. Sa harapan ng
tindahan ay may dalawang grupo: kababaihang na nagchichismisan at kalalakihang
nag-iinuman. Magsisimula ang takbo ng istorya sa pagpasok ng isang chismosa na
mangungutang sa bantay ng tindahan dahil wala na silang pera at hindi pa siya
napasama sa listahan ng benepisyaryo ng ayuda. Sa una’y hindi papaya ang bantay
ngunit maawa rin.

Mabubuksan ang paksang tungkol sa kawalan ng maayos na pagtugon ng gobyerno sa


pandemya. Mayroong kokontra rito na maganda naman daw ito ngunit paliliwanagan
siya ng kaniyang mga kasamahan tungkol sa mga bagay na dapat unahin ng gobyerno
at makukumbinse siya rito. Habang nagkakaroon ng diskusyon ang kababaihan ay
nakikinig ang kalalakihan.

Biglang sisingit ang isang lalaki na sasabihing mayroon talagang korapsyong


nagaganap sa gobyerno dahil may mga pondong napamalitang nawawala at may mga
maanomalyang transaksyong nangyayari. Biglang sasabat ang isang lalaki at
magsasabi na wala raw ninakaw, kung meron man daw ay patunayan ito.
Magbabanggit ang lalaki ng mga patunay mula sa mga reliable sources (mga dyaryo sa
harapan ng tindahan na highlight ang korapsyon). Ngunit sasabihin ng lalaki na “BIAS
YAN” at “RESPECT MY OPINION”. Tutugunan naman ito ng isang babae na “Mayroon
tayong karapatan sa sarili nating mga opinyon ngunit obligasyon nating respetuhin ang
katotohanan”

SCENE 3 (Paglaban sa mga Maling Impormasyong Tungkol kay Lenlen)


Matitigilan sila sa pagtatalo dahil may sasaway sa kanila at magsasabi na sana ay
mapalitan na lamang ang namumuno na sasang-ayunan ng lahat, maliban sa isa na
magsasabi na lahat naman ng politiko ay may bahid: sinungaling at magnanakaw.
Muling mahahati ang panig dahil may sasang-ayon at hindi.

May isang lalaking kokontra at magpapaliwanag na hindi lahat ng politico ay ganon, na


may mga nananatili pa ring tapat sa kanilang mga tungkulin, hindi magnanakaw at
korap. Itatanong naman ng lalaki kanina kung sino ang halimbawang tinutukoy niya.
“Ang lapit-lapit na, hindi mo pa makita. Edi si Aling Lenlen!” itutugon ng lalaki kasunod
ang paliwanag na kahit si Aling Lenlen ay Bise Mayor na ay nananatili pa rin itong
simple at bukas sa tao. Babanggitin rin na ang opisina ni Bise Lenlen ay nakakukuha
lagi ng mataas na COA rating (maiklikng paliwanag tungkol sa COA) na sumisiguro na
maayos na nagagamit ang lahat ng pondo. Dito ay mamamangha ang lahat.

Mayroon uling isang magsasabi na “Si Aling Lenlen, eh babae siya. Parang mas bagay
sa kaniya na maging bise muna dahil babae ang marapat na namumuno.” Sasagutin ito
ng isang kasama sa umpukan at ipaliliwanag na hindi nakabase sa kasarian ang
kakayahang mumuno dahil ang kakayahan sa pamumuno ay dapat binabase natin sa
mga katangian ng isang lider: kung ano ang mga napatunayan na niya at mga nagawa
niya na bilang isang lingkod-bayan. Sasang-ayunan muli ito ng lahat.
Tatanungin sila ng isang tauhan kung ano ang pagkakakilala nila kay Aling Lenlen at
sasagot sila ng something related to VP Leni (mahusay, matibay, etc.) pero may
sasagot na isa (maaaring isang bata rin ito) ngunit mahina ng “lugaw”. Magtitinginan
ang lahat sa kaniya at sabay-sabay na “ano?” kaya’t lalakas rin ang sagot ng bata na
“Lugaw!” ngunit kalmadong sasagot ang bantay ng tindahan at tatanungin siya kung
saan niya nakukuha ang mga impormasyong ito at isasagot ng bata na sa Facebook at
YouTube. Dito na maaring buksan at pahagingan ang mga trolls. Sasagot ang tindera at
magpapaliwanag na ang Lugaw na sinasabihan nila ay isang abogada at ekonomista
na may tatlong Doctorate Degree at magbibigay inspirasyon na dapat tularan si Aling
Lenlen na masipag mag-aral dahil nagsumikap at nakapagtapos. Manghihingi ng
paumanhin ang bata at sasabihing “gusto ko rin po, paglaki ko ay makapagtapos at
magkaroon ng diploma na ipagmamalaki ng pamilya namin”

Maaantig ang lahat roon, ngunit may isa muling sisingit at magsasabing wala naman
daw nagawa si Aling Lenlen bilang Bise Mayor sabi ng iba. Dito ay maari nating irelate
halimbawa sa sitwasyon ng OVP si Aling Lenlen dahil kahit maliit lamang ang pondo ng
kaniyang opisina at kahit hindi kasama sa mga dapat niyang gawin ang pagtulong ay
ginawa niya ito sa mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad. Maaari ring i-highlight ang
Angat Buhat at ang kaniyang COVID response.

SCENE 4 (Pagtalakay sa mga Ugat ng Suliraning Panlipunan)


Biglang may papasok na bata at magtatanong kung magkano ang tinapay, sasabihin ng
tindera ang presyo ngunit sasabihin ng bat ana kulang ang kaniyang pera. Manghihingi
ng dispensa ang tindera at sasabihing bumalik na lang ang bata kapag kumpleto na ang
kaniyang pera. Ngunit sa halip na ibalik ng bata ang paninda ay itatakbo niya ito.
Sisigaw ang babae na habulin ang bata at huhulihin ito ng mga tambay. At habang
nagkakagulo ay biglang darating si Aling Lenlen at pipigilin ang komosyon.

Dito ay tatanungin niya kung ano ang nangyari at ikukwento ng tindera ang naganap.
Mahinahong tatanungin ni Aling Lenlen ang bata kung bakit niya ito nagawa at
sasabihin niyang gutom na sila ng kaniyang kapatid dahil wala silang makain at walang
trabaho ang kaniyang mga magulang. Bibigyan ni Aling Lenlen ng pagkain ang bata
bilang tulong at sasabihing nauunawaan niya ito ngunit ipaliliwanag niya na mali ang
pagkuha ng isang bagay na hind isa kaniya o mga bagay nang walang paalam. Aalis
ang bata nang may ngiti at pagpapasalamat. “Hindi nga po sila nagkamali Aling Lenlen,
napakabuti niyo po”

SCENE 5 (Pagtalakay sa mga Suliraning Panlipunan)


Babanggitin ng bantay sa tindahan na kanina lamang ay pinag-uusapan nila na sana’y
si Aling Lenlen na lamang ang maging pinuno ng kanilang lungsod. Ngunit sasabihin ni
Aling Lenlen na sa ngayo’y wala pa ito sa isip niya dahil ginagawa niya lamang ang
dapat na gawin ng isang lingkod bayan.

Sasagot ang isa at magsasabi na si Aling Lenlen lang ang nakikita nilang pag-asa ng
kanilang lungsod tungo sa tunay na pag-unlad dahil matagal nang nangangailangan ng
pag-aalaga ang kanilang bayan na nakikita niyang maibibigay lamang ng isang inang
katulad ni Aling Lenlen.
Sasang-ayunan ito ng isang tambay at sasabihing naniniwala sila na si Aling Lenlen
ang makatutulong sa kanila sa mga kinahaharap nilang problema sa pagsasaka gaya
ng kakulangan sa kagamitan at pasilidad at sa mababang presyo ng palay.

Muling sasang-ayon ang isang chismosa at magsasabi na naniniwala sila na may


kakayahan si Aling Lenlen bilang isang ekonomista na tulungan silang i-angat ang
kanilang mga buhay sa kabila ng mataas na preso ng bilihin.

Sasang-ayon dito ang isa pang tauhan at magsasabing naniniwala siyang kaya ng
isang abogada na magpatupad ng gobyernong tapat para sa mga tao upang maging
pantay ang lahat sa harap ng batas.

“Aling Lenlen, samahan niyo po kami sa laban nating ito. Ipaglaban mo kami.”

Dito na magbibigay ng mensahe ng pag-asa si Aling Lenlen sa lahat at hindi marapat


na mawala ang mga linyang ito:
1. “Lalaban ako, lalaban tayo”
2. “Hindi ako natatakot; hindi ako kinakabahan”
3. “Susuotan natin ng tsinelas ang gobyerno at patatawirin sa mga pilapil papunta
sa inyo. Sa ating pamamahala, laylayan ang magiging bagong sentro.
4. “Tara na, ipanalo na natin ‘to”

SCENE 6 (Closing Number)


Sa dulo ay magandang kantahin ang “Rosas” nang may bahaging hati-hati dahil
mayroong bahaging patungkol kay VP Leni at ang iba naman ay patungkol sa mga tao.
Ngunit sa dulo ay magiging sabay-sabay sila sa pag-awit.

You might also like