Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Pamagat : Pagpapakita ng Paggalang sa
Paniniwala ng Iba tungkol sa Diyos.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Eden Mae P. Grospe
Editor: Editha A. Tolop / Dolores S. Casalan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC Ph.D
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Edukasyon sa 33
Pagpapakat
ao
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling
Pagkatuto 4
Pagpapakita ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba
Tungkol sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ng
Modyul 4: Pamagat : Pagpapakita ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba tungkol sa
Diyos!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A. Agustin,
OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa
pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag
-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 3
Modyul 4 ukol Pagpapakita ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba tungkol sa Diyos!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang
paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng
mga mag-aaral..
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan
halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa araling ito, ang mag – aaral na tulad mo ay inaasahang:
makapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung
nagpagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos at Mali naman kung hindi.
_____1.Iginagalang ang mga panrelihiyong paniniwala ng ibang
tao .
_____2.Pinagtatawanan ang kaibigan dahil iba ang kanilang
sinasamba.
_____3.Masayang nakipag-usap sa kaklaseng bagong lipat kahit
hindi kayo pareho ng relihiyon.
_____4.Pinipilit mong kumain ng karne ng baboy ang kaklase
mong Muslim.
_____5.Pipilitin ang kaklase na pumunta sa sayawan kahit
ipinagbabawal ito sa kanila .
BALIK-ARAL
Panuto: Lagyan ng tsek (✓)ang kung tama at ekis () kung
hindi.
______1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
______2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang
patimpalak sa pagbigkas.Sa halip na siya ay mag-ensayo kasama
ang kaniyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng mga
computer games.
_____3.Magkakaroon ng katuparan ang ating mga
ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito
ay mangyari .
_____4.Ang pananalig sa Diyos ay maipapakita sa ating
pagdarasal.
_____5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos
kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating
mga hinihiling sa Kaniya.
ARALIN
Ang relihiyon ay ang pagpapahayag ng isang tao ng
kanyang paniniwala sa isang makapangyarihang lumikha
(Diyos). Karamihan sa mga Pilipino ay Kristiyano. Kilala ang
Pilipinas bilang nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya. Subalit
mayroon ding iba pang mga relihiyon sa ating bansa. May sari-
sariling katipunan ng mga paniniwala at aral ang mga ito.
Maipakikita ninyo ang paggalang sa pag-alam kung paano
sumamba ang iba, at maaari din ninyong anyayahan ang iba na
sumali sa mga pagdiriwang ng ibang relihiyon upang
maunawaan nila ang inyong pinaniniwalaan. Hindi ninyo dapat
pagtawanan ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, o
ginagawa. Igalang ang mga simbolo ng relihiyon na gamit nila
sa pagdiriwang at pagsamba. Dapat nating unawain ang
kanilang paraan ng pagsamba. Sa pamamagitan nito
mamumuhay tayong mapayapa.
MGA PAGSASANAY
Gawain 1
Lagyan ng puso ang bawat bilang na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos
_____1.Pagkakaroon ng bukas na isipan at respeto sa paniniwala
ng iba.
_____2.Paggalang sa kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan at
pagsamba.
_____3.Pagtatawanan ang paraan ng pagdarasal ng iba.
_____4.Mag-iingay sa simbahan kapag naimbitahan ng kaibigan
na sumama sa kanya.
_____5.Mahinahon na makikinig sa sinasabi ng iba tungkol sa
kanilang pinapaniwalaang Diyos.
Gawain 2
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang Wasto kung
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos at
Di wasto naman kung hindi.
1. Maluwag sa loob na tanggapin ang sinabi ng kaibigan
mong iba ang kanilang paniniwala.
2. Iniiwasan ni Alex ang kaklaseng niyang iba ang relihiyon.
3. Pinagtatawan nila Bianca at Kiana ang kaklase nilang
nagbabasa ng Bibliya.
_____4. Patuloy na nakikipagkaibigan si Cheska sa iba kahit iba
ang kanilang paniniwala.
_____5. Iginagalang ni Rosa ang simbolo at paraan ng
pagsamba ng kaibigan niya.
Gawain 3
Basahin ang mga pahayag. Iguhit ang masayang mukha
(☺) kung nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
iba sa Diyos at malungkot na mukha ()naman kung
hindi.
____1.Sinasabihan ko ang aking nakababatang kapatid na
huwag pag laruan ang rosaryo ng aming pinsan na isang
Katoliko.
____2.Hinuhusgahan ang paniniwala ng ibang tao.
____3. Hindi nag-iingay kapag may misa sa simbahan.
____4.Hindi pinagtatawanan ang kaibigang Muslim sa paraan ng
pagdarasal nila.
____5.Naiinis sa prusisyong ginagawa ng mga Katoliko.
PAGLALAHA
T naipakita ang paggalang sa paniniwala ng iba sa
❖ Paano natin
Diyos?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos. Lagyan ng tsek (
/) o ekis (x).
____1.Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting
maging kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumali
sa kanila.
____2.Nakikinig nang may paggalang kapag may nagbabahagi
ng kanilang paniniwalang panrelihiyon.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap
sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Gusto mong manood ng pelikula ng paboritong mong artista
sa araw ng sabado.Wala kang ibang makakasama kung hindi
ang kaibigan mong Seventh Day Adventist. Ano ang gagawin
mo? A. Pilitin ang kaibigan na samahan ka.
B. Ipagpaliban nalang ang panonood.
C. Hindi na papansinin ang kaibigan.
D. Aawayin ang kaibigan.
2.Nakita mong iba ang posisyon ng mga Muslim kapag
nagdarasal sila. Isa kang Kristiyano.Ano ang gagawin mo?
A. Igalang ang paraan ng kanilang pagdarasal.
B. Pagtatawanan sila.
C. Ipilit sa kanila ang iyong pamamaraan sa pagdarasal.
D. Tutuksuhin sila.
3.Ano ang nararapat mong gawin kapag isa sa kaibigan mo
sinasabi sayo na ang aral sa kanyang simbahan ang
katotohanan?
A. Suntukin ang kaibigan.
B. Sisigawan ang kaibigan.
C. Mahinahon na makipag -usap sa kaibigan.
D. Lumakad palayo sa kaibigan.
4.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba sa Diyos?
A. Pagdalo sa kanilang pagtitipon.
B. Pagsang -ayon sa iisang Diyos
C. Pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba
D. Pakikinig sa kanilang aral.
5.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
A. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.
B. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim
habang pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko. C.
Batang tinutukso ang isang bata na may hawak na
rosaryo.
D. Wala sa nabanggit.
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.depednegor.ne t
%2Fuploads%2F8%2F3%2F5%2F2%2F8352879%2Fesp_learners_module.pdf&psi
g=AOvVaw25pmxbIPFohWn9Dtmkfxvq&ust=1597016980426000&source=imag
es&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIiR84HqjOsCFQAAAAAdAAAAABAD