0% found this document useful (0 votes)
81 views42 pages

Natatanging Diskurso Notes

Uploaded by

micahurbano8
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
81 views42 pages

Natatanging Diskurso Notes

Uploaded by

micahurbano8
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Kahulugan ng komunikasyon

Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig


sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o
pangyayari. -Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng
pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat
elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa

MODELO NG KOMUNIKASYON
- Ito ang mga dayagram o representasyon na naglalahad sa iba’t ibang teorya hinggil sa
pag-aaral ng komunikasyon.
- Inilalahad ng mga ito ang komunikasyon sa isang Biswal na paraan o paglalarawan –
Ginagamit ang mga ito upang higit na maipaliwanag at bigyang linaw ang mga elemento
at proseso ng komunikasyon

[1] LINYAR NA MODELO NG KOMUNIKASYON –


Disenyo ni Claude Shannon at Warren Weaver - Kilala sa daigdig ng komunikasyon na
Shannon at Weaver Model of Communication [1949]
- Nakaangka sa Teoryang Matematikal ng Komunikasyon
- Ayon sa modelong ito, walang pangangailangan para sa tuwirang tugon
- Ganito ang sitwasyong pangwika tuwing nakikinig ng radio o nanonood ng pelikula at
telebisyon
[2] INTERAKTIBONG MODELO NG KOMUNIKASYON
- May palitan ng mensahe ang tagapagsalita at tagapakinig
- Halimbawa: sitwasyong pangwika sa pakikipag usap sa telepono, sulatroniko,
chatrooms, two-way radio, at iba’t ibang social media platforms na pwede mag komento

[3] TRANSAKSYUNAL NA MODELO NG KOMUNIKASYON - harap ang nagaganap ng


komunikasyon [face-to-face] - maaaring ang tungkulin ng wika ay maisakatuparan o hindi
[4] MODELO NG KOMUNIKASYON NI ARISTOTLE - Itinuturing na pinaka-unang
modelong komunikasyon dahil ito ay nilikha ng isang Griyegong pilosopo at manunulat
na si Aristotle ng Stagira, Hilagang Gresya na nabuhay noong 300 B.C.
- Ganito ang sitwasyong pangwika sa loob ng silid-aralan, mga trainings o seminar kung
saan tungkulin ng tagapagsalita na maghanda ng kanyang sasabihin at gampanin ng
tagapakinig ang makinig.
– Ang prosesong komunikasyon ay mula sa ispiker patungo sa tagapakinig
- Ang mensahe ay may dalang epekto sa tagapakinig.
- Angkop sa pagtuturo, panghihikayat, o propaganda.

[5] MODELO NG KOMUNIKASYON NI SCHRAMM - Ipinakilala ni Wilbur Schramm


noong 1948.
- Father of Communication Study
- Ang proseso raw ng pag uusap ay pabilog dahil may palitan ng pag uusap at unawa
batay sa kaalaman at karanasan ng nagpadala ng mensahe at tumanggap ng mensahe.
- Binibigyang diin ng modelong ito na ang gampanin ng tagapagsalita (encoder/speaker)
at tagapakinig (decoder/receiver) ang pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon.
- Nagbigay ng kahalagan sa human behavior sa proseso ng komunikasyon
[6] HELIKAL NA MODELO NG KOMUNIKASYON
- Disenyo ni Frank Dance noong 1967.
- Kapara daw ng isang helix ang proseso ng komunikasyon. [linyar at circular o paikot] -
Tulad sa galaw ng helix mula ibaba pataas, sumusulong at gayundin ay nagbabalik at
nakadepende sa kaugalian ng nakaraan na may kalakip na modipikasyon at pagbabago.
- Habang lumalaki ang bata, siya ay nagtataglay ng kaunting pagbabago sa mga
nakaraang kilos ng kanyang katawan, pagbigkas o ekspresyon ng mukha.
- Kasama na sa pagbabago ang itama ang sarili sa mga maling paraan sa
pakikipagtalastasan upang maiwasan ang hindi kanais nais na pangyayari.
[7] MODELONG SMCR NI BERLO
- Disenyo ni David Berlo noong 1960. - Isang pagpapaunlad ng modelo ni Shannon at
Weaver. - SMCR [Source – Message – Channel – Receiver] - “Fidelity” ng proseso
- Sangkap nito ang pinagmulan ng mensahe (source/encoder), mensahe
(nilalaman/pamamaraan/estraktura/ pragmatika), daluyan (channel/kabilang ang mga
pandama), at ang tagatanggap (receiver/decoder)
- Ayon sa modelong ito, magiging mabisa ang komunikasyon kung nasa magkatulad na
antas ng kaalaman, kasanayan, sitwasyon ang pinanggalingan at tagatanggap ng
mensahe

[8] MODELO NINA SHANNON AT WEAVER - Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid
ng mensahe ay nangangailangan ng “electronic signal” - Ang kanilang modelo ay
binubuo ng “information source", ang mensahe, ang “transmitter", ang signal, at ang
“receiver" - Binigyang halaga din nila ang panghihimasok ng tinatawag na ingay.
KOMPONENT NG KOMUNIKASYON

[Link] ng Mensahe
– Ang tagahatid ang kadalasang pinagmumulanngmensahe o tagagawa ng mensahe.
Sa kabilang banda, ang tagatanggap ngmensahe ay maaari rin namang maging
tagapaghatid kung siya ay makalilikhang bagong mensahe mula sa nasimulang usapan.
Nagtataglay rin ang tagahatidng apat na papel na maaari niyang gampanan bago,
habang at matapos angkomunikasyon. Ang mga ito ay ang
sumusunod:a. Mahusay niyang napanghahawakan o nauunawaan ang kahulugan(lantad
man o di lantad)
ng buong usapang nagaganap.b. Mabisa niyang napag-uugnay-ugnay ang mga
kahulugang natamo niyatungo sa pag-unawa sa buong mensahe ng usapan.c. Magaling
din niyang nailalahad ang mensahe.d. Maayos at konkreto ang reaksyon at naibabalik
nang mahusay angnatamong mensahe.
2. Mensahe
- Tumutukoy naman ito sa impormasyong nais ipahatid ng pinanggagalingan ng
mensahe. Kinabibilangan ito ng sumusunod: wastong gamit ng mga salita, pagiging
organisado ng sasabihin, galaw ng katawan, timbre ng boses gayon din ang kabuuan ng
personalidad. Ang mga ito ay nagtataglay ng mahalagang papel tungo sa mabisang
paghahatid ng mensahe.
3. Hadlang
- Anumang bagay o pangyayari na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng
isang usapan ay itinuturing na hadlang. Ito ay maaaring eksternal o pisikal tulad ng mga
ingay at di-kaiga-igayang paligid, lamig o init ng panahon,masangsang at sobrang amoy
at iba pa. Ang mga pisikal na salik naman ay
tumutukoy sa pagiging mabilis o mabagal na pagsasalita, di-maayos na pagbigkas ng
mga salita at marami pang iba na tuwirang nagdudulot ng hindi mabisang komunikasyon.
4. Tsanel
– Ang tsanel ang nagsisilbing daanan ng mensahe patungo sa tagatanggap nito.
Ang halimbawa nito ay ang mga light waves at sound waves na tumutulong sa atin
upang makita o marinig ang sinasabi ng isang tao. Kungtayo naman ay nanonood ng
pelikula o mga programa sa telebisyon, iskrin ang
nagsisilbing tsanel ng komunikasyon para sa [Link] ating pangamoy,paghahaplos at p
anlasa ay mga tsanel din na tumutulong sa mabisang komunikasyon.
5. Tagatanggap
- Ang tagatanggap naman ay tumatanggap ng mensaheng hatid
ng tagahatid ng mensahe. Subalit, gaya ng tagahatid, ang tagatanggap ay
maaari rin namang maging tagahatid kung siya ay makabubuo ng bagong
paksang mapag uusapan. Papel din ng tagatanggap na suriin at bigyang
interpretasyon ang mga mensahe
upang lubos niya itong maunawaan.
Ang prosesong ito ay tinatawag na dekoding.
Ang sumusunod ay ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng tagatanggap:
:a. Dapat na mahusay niyang tanggapin ang mensaheng hatid ng tagahatid.
b. Dapat din niyang mainterpret at masuri ang mensahe sa pinakamabisang paraan.
c. Dapat na mapagsama-sama niya ang tinanggap na mensahe at tugunin ang mga ito.
6. Pidbak
- Ito ay tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula sa mensaheng tinanggap mula sa
tagahatid. Nagsisilbi itong pantiyak kung maayos na
nabigyang kahulugan ang mensahe. Ang pidbak ay maaaring iklasipika sa dalawang
elemento: a. Elaboratib - Ito ang elemento ng pidbak kung saan ang tagatanggap ay
hayagang pinalawak ang mensaheng tinaggap
b. Mapanghusga - Ito ang elemento ng pidbak kung saan ang narinig na
mensahe ay awtomatikong binibigyan ng kahulugan kahit walangkatiyakan.
[Link]
- Ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyonkung saan nagaganap ang komunikasyon. Kinabibilangan ito ng atityud,
persepsyon, emosyon at relasyon ng nag-uusap. Ang mga ito ay may malaking epekto
tungo sa mabisang kaganapan ng komunikasyon.

Antas ng Komunikasyon

Komunikasyong Intrapersonal
-pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa
pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag- iisip,
pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman
ang paggalaw ng sarili.

Diskursong pampersonal o pansarili ito ang ibang tawag sa komunikasyong


intrapersonal

Komunikasyong Interpersonal
-pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang
indibidwal o komunikasyong nangyayari sa pagitan ng dalawa o higut pang
bilang.

(Dyadic komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao; Group komunikasyon sa


pagitan ng grupo ng mga tao)

Komunikasyong Pampubliko
-pakikipagusap sa maraming tao; komunikasyon sa malaki o higit pang
bilang ng mga kasangkot halimbawa nito ay ang valedictory address.

Komunikasyong Pangmasa
-komunikasyong panlahatan halimbawa nito ay ang SONA.
Komunikasyong Pangorganisasyon
-ito ay komunikasyong para sa mga grupo.

Komunikasyong Pangkultura
-pakikipagusap tungkol sa kultura

(Cross-Cultural- komunikasyong ipinakikilala ang isang bansa sa iba pang


bansa sa pamamagitan ng pagtatanghal)

Komunikasyong Pangkaunlaran
-ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng
bansa

URI NG KOMUNIKASYON
1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon
ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o
pasalita.
2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon
ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON
1. Kinesika (Kinesics). Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan
ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo
nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman
natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. (kilos ng katawan: mata,
mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay)

Ekspresyon ng Mukha- Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka


ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung
naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang
ipinapahayag.

Kumpas- Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at


kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol,
magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o
makikipagalitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at
marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may
kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.

Tindig o Postura- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha


kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
2. Proksemika (Proxemics) Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o
distansya, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.

3. Pandama o Paghawak (Haptics) Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng


komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob. Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos

4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita


- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o
bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntunghininga,
ungol at paghinto. - Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating
ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

5. Bokaliks – gumagamit ng boses upang makipagkomunikasyon.


Isinasaalang-alang kung paano sinabi ang mga salita at iba pang
nilikhang tunog ng mga ito tuland ng pag-ungol, pagtawa,
pagsigaw at iba pa.

6. Olpaktoriks – binibigyang kahulugan ang amoy bilang isa sa mga


di berbal na mensahe. Maari itong magpaalala sa nakaraan lalo
pa’t ang amoy na ito ay naging bahagi ng isang karanasan. Maari
ding mailapat sa positibong emosyon ang mga mababangong
amoy.

7. Kapaligiran
Nagsisilbing komunikasyong diverbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang
maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.  Ang
pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar
at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.  Ang kaayusan ng lugar ang
magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o
seminar.

8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa


pamamagitan ng pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang
intensyon at mensahe na nais iparating ng isang tao.

8. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon


ang kulay ng isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe.
9. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya,
reseta atbp. Na may mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.
9. Galaw ng Mata-(Oculesics) Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba
ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng
mata.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA KONTEKSTONG FILIPINO

Kakayahang Komunikatibo - Ang kasanayan ng isang tao na maunawaan ang


natatanggap na mensahe at epektibong makapagbigay ng tugon sa paraang
naaangkop sa isang sitwasyon.

- Higit na tinitingnan dito ang kaangkupan ng konteksto kaysa sa usaping


gramatika.

- Layunin nitong gawing malinaw at mabisang maiparating ang mensahe at


agarang makakuha ng angkop na tugon.

- Sinusukat dito kung natamo ang layunin ng interaksyon gamit ang tama at
angkop na wika.

Ang Kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa:

1. Kasanayan ng isang tao na epektibong makisangkot at makihalobilo sa


kapwa.
2. Pag angkop ng isang tao sa kanyang sarili sa mga pasalitang komunikasyon
kung saan higit niyang maipapaintindi sa iba ang nais niyang mensahe sa halip
na pagtuunan ang gramatika.
3. Agarang pagkuha ng tugon o pidbak mula sa sitwasyong kinasasangkutan.

Apat na Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo ayon kay Canale at


Swain (1984)
1. Lingguwistikong Komponent – tumutukoy ito sa kakayahan ng isang indibidwal
na maging maalam sa gramatika o gamit ng sintaks at bokabolaryo ng isang
wika.
2. Sosyo-lingguwistikong Komponent – tumutukoy sa angkop na paggamit ng
tao sa wika mula sa iba’t ibang sitwasyong kinapapalooban nito.
3. Komponent pandiksurso – abilidad ng isang tao na mapanatili at lalong
mapatatag ang kasalukuyang kombersasyong kanyang kinasasangkutan.
4. Component pang-estratehiya – tumutukoy sa mga estratehiyang nagagamit
ng tao upang mas madali niyang maipaunawa ang kanyang mensahe sa
pinakasimpleng paraan.

MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON

Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell
Hymes ay nagbibigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos amg
paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang amg
konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang kaomunikasyon. Ginamit
nya ang akronim na S-P-E-A-K-I-NG na tinalakay sa mga sumusunod na talata.

[Link]. (Saan nag-uusap)  Sa pakikipagkomunikasyo, ang pook o lugar


saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng
pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ayy
nagiiba ayon sa lokasyon ng pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang
pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng
pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking
implowensya sa [Link] hindi ito isaalang-alang, maaring kang
mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa
loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?

[Link]. (Sino ang kausap, nag-uusap?)  Dito isinalang-alang ang


tao o mga taong kasakot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan,
damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang,
kasarian, paniniwala, at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at
paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa,
maaari mong sabihing pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit
hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon
sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon nya? Bakit? Paano ba ang angkop
na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?

[Link]. (Ano ang layunin ng usapan?)  Sa komponent na ito ang interaksyon ay


ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o
pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig,
pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangarap o
paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng
salapi sa taong uutangan nya, hindi ba? Makakamit ba nya ang layunin kung ang
sasabihin nya’y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung sya nama’y
manghoholdap, makakamit nya ba ang kanyang layunin kung sa malumanay na
pananalita’y sasabihin nya’y para mo nang awa, akin na ‘yang pera mo? Hindi
ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika,
kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.

[Link] SEQUENCE. (Paano ang takbo ng pag-uusap?)  Ito ang tumutukoy sa


pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa
pagtipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at takbo
ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang
pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring
magresulta sa di pagkikibuan o away.
[Link]. (Pormal ba o Impormal na usapan?)  Nakakita ka na ba ng isang
taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di kaya’y naka gown
o barong Tagalog Habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin
ang magiging itsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang
okasyon sa iyong okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal
ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang
iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon
di bang ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?

[Link]. (Ano ang midyum ng usapan,pagsasalita ba o


pagsusulat?)  Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan
ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusiyonal? Bakit
kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong
kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy
mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono?
Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusunog na ang bahay mo? Kung hindi mo
kayang magsinungaling ng harapan, magdadahilan ka pa ba sa iyong kasintahan
sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka
manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilmita sa isang mensahe.
Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin
ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa kumunikasyon.

[Link]. (Ano ang paksa ng usapan?)  Mahalagang maisaalang-alang din


ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaring hindi mo na igigiit ang
iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng
isang pagtatalo. Nakabubuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna isang
talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga
paksa ring ekslosibo. Halimbawa may mga paksa ring pambabae, kung paanong
may panlalki rin. Makabubuti kung gayon, da mga lalaki ang umiwas sa mga
talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong makbubuti sa
mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang
eksklusibong panlalaki.
[Link]. (Ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad o pangangatwiran?)  Sa komponent na ito, isinasaalang-alang ang
layunin ng participants o sangkot sa komunikasyon. Kung ang nais niya ay ang
magkuwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang
pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo,
katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari, at damdamin,
paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag
kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbibigay ng impormasyon,
samantalang kung ang layunin niya ay manghikayat, magpatunay at
pagbulaanan ang opinion, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang
paraan ng pagpapahayag Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang
pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang
makapagpahayag nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat
malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at
kahusayang pagpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop,
tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan.

MGA GAMIT NG WIKA

Michael A. K. Halliday
•Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera.
•Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino .
•Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo
ng gramatika na gamitin at kilala sa daigdig.

1. Instrumental Tumutugon sa mga pangangailangan Pasalita: pag-uutos


Pasulat: liham-pangangalakal (liham na humihiling o umoorder ng mga aytem

2. Regulatori Kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba Pasalita:


pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala Pasulat: resipe, panuto sa pag-
eenrol

3. Heuristiko Naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng


kaalaman. Pasalita: pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam Pasulat:
sarbey

4. Interaksiyonal Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa


Pasalita: pormulasyong panlipunan (hal., Magandang umaga!, Maligayang
kaarawan! Ang pakikiramay ko.), pangungumusta, pagpapalitan ng biro
Pasulat: liham pangkaibigan
5. Personal - Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion(napapalakas
ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal). Pasalita:
pagtatapat ng damdamin sa isang tao, gaya ng pag-ibig Pasulat: editoryal,
liham sa patnugot

6. Imadyinatib - Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing


paraan. Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan Pasulat: akdang-
pampanitikan, gaya ng tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa Informati

Kahulugan ng Diskurso
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugan
“running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon.
Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.
Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa
kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang
paksa,pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya
hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa
komunikasyon.

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan


at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay
higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso,
mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang
linggwistik kompitens.
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at
agsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995),
ito ay isangpormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.
Pasalitang Diskurso - Ang mga materyal mula sa simpleng kumbersasyon
hanggang sa mga institusyunalisadong porma ng pagsasalita ang mga
larangang preokupasyon ng pasalitang diskurso.

Inuobserbahan dito ang mga pagsasalita sa mga natural na kapaligiran, sa


mga pagkakataong nakapangyayari ang mga pag-uusap-usap o
pagsasalitaan gaya ng pagkukuwentuhan, mga ritwalistikong pagbabatian,
pagtatalo o debatehan.

Hindi lamang dito ang pinag-uukulan ng pag-aaral, bagkus


minamamahalagang higit ang mga kultural na aspkekto gaya ng mga
kaugalian o mga kaasalan o mga beheybyor ng mga partisipant sa mga
karaniwan at penominal nilang pag-uusap.

Kaya naman higit pa sa linggwistikang porma ng pasalitang interaksyon at


diskursong tungkulin ang dito’y pinag-aaralan

Pasalitang Diskurso

Ang mga materyal mula sa simpleng kumbersasyon hanggang sa mga


institusyunalisadong porma ng pagsasalita ang mga larangang preokupasyon
ng pasalitang diskurso. Inuobserbahan dito ang mga pagsasalita sa mga
natural na kapaligiran, sa mga pagkakataong nakapangyayari ang mga pag-
uusap-usap o pagsasalitaan gaya ng pagkukuwentuhan, mga ritwalistikong
pagbabatian, pagtatalo o debatehan. Hindi lamang dito ang pinag-uukulan ng
pag-aaral, bagkus minamamahalagang higit ang mga kultural na aspkekto
gaya ng mga kaugalian o mga kaasalan o mga beheybyor ng mga partisipant
sa mga karaniwan at penominal nilang pag-uusap. Kaya naman higit pa sa
linggwistikang porma ng pasalitang interaksyon at diskursong tungkulin ang
dito’y pinag-aaralan

Ang Pasulat na Diskurso

Sa pasulat na diskurso, pangunahing isinaalang-alang ang istrukturang


gramatikal na wika; ang parirala, sugnay, pangungusap, ang
kontekstwalisadong mga gamit nito, ang mga pag-iistruktura ng mga ito, ang
mga tekstwal na pagkakaugnay-ugnay.
Sa pagbuo ng isang maugnayang pasulat na diskurso, kinakailangan ang
mga pang-ugnay o pangkonekta sa mga indibidwal na sugnay at mga
pahayag.

Nakaklasipika ang ito sa tatlong uri:


1. Referens/ko-referens;
2. Ellipsis/substitusyon; at
3. Pangatnig o konektiv

Ang Referens

Nabibilang dito ang mga panghalip panao gaya ng siya, ito, sila at
pamatlig o demonstrative gaya ng ito, iyon, mga iyon, ang mga pantukoy o
panandang ang at ang mga pamunuang pang-abay gaya ng gaya.

Kaya mga referens dahil tumutukoy sa unang nabanggit nang aytem o


mga aytem na ayaw nang ulitin dahil redandant na.

1. Napakamakapangyarihan ni Pacman. Sa isang salita at aksyon ng


pambansang kamao, sumusunod ang malalaking negosyante sa
kanya. Sa ganitong paraan makapag-aambag siya sa pantay, patas,
at mas makatarungan, mas makatao at mas makanegosyong
tunggalian sa kapangyarihan sa pamumuhunan at pagtubo.
Mga Uri ng Referens
Ipinapakita sa tatlong halimbawa ang tatlong uri ng referens:
sa una, ang anaforik na binabalikang tingin ang referens;
ikalawa, ang kataforik na iniinvisyon ang referens;
ang ikatlo, ang eksoforik na sa labas naman ng teksto tinatanaw ang
referens.
Mangyari, pinapalagay na alam na o karanasan na o pinagbabahaginan
na ang karaniwang kabatiran ng manunulat/ispiker at mambabasa/lisener.
Referent ang tawag sa pangkahalatang pambalana o pantanging
binibigyang-turing o inuukulang tukoy.
1. Ang Elipsis(…) Ipinapalagay na kapag nangusap tayo, inaasahang
kumpleto ang mga kinakailangang gramatikal nitong element para
maintindihang mabuti an gating mga sinasabi.
Ngunit may mga pagkakataon na sa ating mga pagsasalita o pagsulat,
may mga elemnto sa ating mga pangungusap na nawawala o
kinakaltas o di na inihahayag pang ganap dahil alam nating kahit hindi
na ito banggitin pa, makatitiyak pa ring naiintindihan ng kausap o
bumabasa ang konteksto.

Elipsis ang tawag sa nawawalang elemento ng pahayag, datapwat,


maaari din naming Makita o mahanap sa kaligirang teksto.

Halimbawa:
1. Pagkatapos ng mga manlalarong magpraktis, kayo naman.
2. Ang babae ang lilinya sa kanang bahagi ng pasilyo, ang mga lalaki
sa kaliwa.

Isa ring pananda ang ellipsis (…) para signal ang paghinto sa
pagsasalita na di-kumpleto ang kaisipan.

Halimbawa:
1. Masaya sana … pero hindi tayo nagkita.
2. “Matatalo natin tiyak ang mga taga-La Union”, sabi ng
tagaPangasinan. Sagot ng mga taga-La Union, “Kung….”

2. Ang Substitusyon

Pagpapalit naman ng ibang salita sa mga nawawalang elemento ang


substitusyon. Pwede itong isagawa sa mga nominal, verbal at
sugnayang antas.

Halimbawa:
1. Binibigyan ko siya ng baon pero tinanggihan niya ito.
2. Gusto mo bang ibili kita ng bagong sapatos para sa gradwasyon
mo? Kung gusto mo, abangan mo ako sa labas; kung hindi, magkita
nalang tayo sa bahay.

3. Binoto niya ang kandidato, gayundin ako.

Iba’t Ibang Tekstwal na Patern ng mga Diskurso

Sa pagsulat ng diskurso may modelong kaayusan ang


pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga teksto,
Tekstwal na patern kung tawagin ito. Binubuo ito ng mga segment o
bahagi ng mga teksto na nagtatakda ng mga relasyon nito.

Maaaring parirala, sugnay o pangungusap ang mga segmenting ito na


pwdeng ihiwalay sa iba upang makilala ang mga relasyong
patungkulin ng bawat isa.

Ang mga relasyon ng mga ito ay isinisignal kaya nakilala sa


pamamagitan ng mga salitang pangkonekta, ang mga pangatnig.

Ang mga sumusunod ang iba’t ibang tekstwal na patern ng mga


diskurso na ang unang dalawa ang pinakakaraniwan:

1. Sanhi-Bunga/Epekto/Konsekwensya.

Ang sanhi, ang pangyayari, kondisyon, o sitwasyon na


pinagsisimulan o nagiging dahilan para maganap ang isang bagay
o insidente.

Ang resulta o kinalalabasan naman nito ang bunga na


magkakaroon ng epekto o konsekwensya sa kalagayan.

Karaniwang makikitang konektor ditto ang mga pangatnig na


dahil sa, sa gayon, samakatwid, at kaya.

2. Problema-Solusyon.

Madalas Makita ang patern na ito sa mga ulat, teksto ng


mga patalastas o ads, at iba pa.
Karaniwang sekwensyang patern nito ang sitwasyon-
problema-responnde-ebalwasyon.

Nakapokus ito sa malinaw na pagpapahayag ng problema.


Ipinapaliwanag sa pagtalakay nito ang kahalagahan nito sa
pamamagitan ng pagmumungkahi ng isa o higit pang solusyon.
Matindi ang kinakailangang hikayat nito sa kongklusyon.

3. Pahayag-Kontrapahayag o Palagay-Katunayan.
Karaniwan ito sa mga jornalistikong diskurso, mga artikulo
sa magasin, mga balita at liha-sa-patnugot.
4. Panlahat-Ispisipik.
Makikita naman ang patern na ito sa mga aklat
panreferensya gaya ng ensayklopedia.
5. Tanong-Sagot
6. Instrumento-Produkto
7. Penomenon-Rason
8. Narrativ

3. Ang Sugnay

Sinasabing sa lahat ng diskursong pasulat, ang pangungusap ang


pinakagramatikal na yunit.

Hindi totoo ang pahayag na ito sapagkat may mga pasulat na


diskurso na nakikitang mga nakalistang salita lamang, kaya’y mga
sugnay na walang pandiwa lamang, na masasabing mga di-ganap na
pangungusap, datapwat, napakalaki ng implikasyon sa pag-aaral ng
diskurso, tulad sa kaayusan ng mga salita, sa kaugnayan at sa pokus
at aspekto ng pandiwa.

Samakatwid, napakahalaga ng estado ng sugnay sa kaayusan o


palabuuan ng diskursong pasulat.

Ang mga sumusunod ang ilang sulating nabibilang dito: mga


pananda o sensyal, mga paunawa, babala, paalala o notisya, mga
patalastas o ads (advertisement), mga kalatas, tala, o nota, mga
formularyo o forms, tiket at iba pa.

Ang mga Uri ng Sugnay Kinaklasipika sa dalawang uri ang sugnay:

1) malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa o independenteng


sugnay:
2) sugnay na di-makapag-iisa o dependenteng sugnay

Sugnay na Makapag-iisa - Ganap na pangungusap ang sugnay na


makapag-iisa sapagkat binubuo ito ng lipon ng mga salita na may
panaguri at paksa na nagpapahayag ng isang buong diwa.

Halimbawa: Pagkatapos ng lahat, nalibing ang maraming bahay.


Sugnay na Di-Makapag-iisa - Kalipunan din ng mga salita ang sugnay
na di-makapag-iisa na may panaguri at paksa ngunit hindi nagsasaad
ng kumpletong kaisipan kaya ginagamit lamang itong bahagi ng
pangungusap.

Halimbawa:

Nalibing ang mga bahay. Sampu ng mga taong nakatira dito.

Pagwawasto:

Nalibing ang mga bahay, sampu ng mga taong nakatira dito.


Pag-uugnay ng mga Sugnay
Kohisyon ang tawag sa pagkakaugnay-ugnay o relasyon ng mga
kaisipan o kapag mahigit sa isa ang napapaloob sa pangungusap o
maging sa isang talata.
Ang relasyon ng mga ideya sa pangungusap ay malinaw ba
naipapakita sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit para
makapagkonekta ang dalawa o mahigit pang ideya.
Pangatnig o konjungksyon
ang tawag sa mga ito. May iba’t ibang pangkunektang magagamit
para magsaad ng iba’t ibang relasyon.
May dalawang paraan para maipakita ang relasyon ng mga ideya
sa pangungusap:
una, sa pamamagitan ng koordinasyon;
at ang pangalawa; sa pamamagitan ng subordinasyon.

4. Ang Koordinasyon

Sa Ingles, nangangahulugan ang co ng pagiging pantay; at ang


ordinate naman, uri o rank; samakatwid, ibig sabihin ng koordineyt o
coordinate, makapagpantay ng uri o ranggo.

Mga halimbawa;

1. Si Dr. Aspra ang dekano, at si dr Torreliza ang tsyer.


2. Masagana ang ekonomiya ng bansa noong termino ni
Magsaysay ngunit ngayon naghihikahos ito.
3. Magkakasama tayo sa intitusyong ito, kaya huwag tayong
magtraydoran.
[Link] ninyo sila o ako ang duduro.

Ang mga Pangkoordinasyong Pangatnig karaniwan ng


nakikita sa koordineyt o pantay na relasyon ang mga pangatnig na
pang-adisyon o pandagdag, pangkontrast o panalungat, pamimili,
at panresulta.
Tandaan: Pinangungunahan ng kuwit (,) ang mga pangatnig
na at, saka, subalit, ngunit, datapwa’t o, habang, bagamat;
samantalang tuldok-kuwit (;) naman kapag ang mga pangatnig na
gayundin, samakatwid, kung gayon, isa pa, bukod sa, ang ginamit.
Ang Subordinasyon Sa Ingles, nangangahulugan ang sub
ng pagiging nasa ilalim, kaya’y mas mababa.
Samakatwid, sa subordinasyon, hindi pantay ang relasyon
ng mga ideya. Isinasaad ang nakakababang ideya sa pamamagitan
ng subordinate o di-makapag-iisang sugnay, at ang nakatataas, sa
Malaya o makapag-iisang sugnay.
Halimbawa:
1. Naghingal kalabaw muna kami bago marating ang tuktok
ng bundok.
2. Tumatakas ang mga bihag dahil sa lupit ng gwardya.
3. Sinusubok muna ang mga aplikant nang sag anon
matuthan nilang lumalaban pag kinakailangan.
4. Kahit sintonado siya pinilit niyang kumanta maipakita
lamang na isport.
Ang mga Pansubordinasyong Pangatnig Ang karaniwang
mga gagamiting pansubordinadong pang-ugnay na nagpapakita ng
relasyong pampamanahon, pananhi o panrason, panlayon o
panresulta, at pangkondisyon

1. Kakayahang komunikatibo (communicative competence)


Ito ang kakayahang umunawa at magamit ang mga pangungusap
na may wastong kayariang panggramatika sa angkop sa panlipunang
kapaligiran o sa pisikal nan a enbayronment o sitting ayon sa hiningi
ng sitwasyon.

Para kay Chomsky, ito ay isang pragmatikong kahusayan ng isang


tagapagsalita upang hagilapin at magamit ang akmang barayti ng wika
ayon sa isang tiyak na sitwasyong sosyal na hahamon sa kanayng
abilidad upang matugunan ang pangangailangan ng pagiging sensitibo
sa rehistro ng salita at pagkamaalam sa mga kultural sa refens na
kinasasangkutan, kaganapan at istatus ng mga kaganapang
panlipunan at marami pang iba.

Ayon naman sa dalawang konsepto ni Lye Bachman na kanyang


tinawag na tekswal at iluksyunari kompetens.

Ang una ay patungkol sa kakayanang sumulat nang may


organisasyon at kohisyon samantalang

ang pangalawa naman ay patungkol sa kakayanang maisangkapan


ang wika para sa ideasyon (pagsasawika ng ideya), manipulasyon,
heuristic (magamit upang maisakatuparan ang pagkatuto) at maging
sa imahinasyon.

2. Kakayahang linggwistika (linguistics competence) Ito ang kakayahang


makabuo ng pangungusap o pahayag na may wastong kayariang
panggramatika (mga tuntunin ng wika at kayariang pangwika na alam
ng tagapagsalita ang wikang ginagamit niya).
Para kay Bachman, ito ay isang gramatikal kompetens na
nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya,
sintaksis at maging sa bokabularyo.

Dimensyon ng Diskurso

1. Konteksto – Sa paliwanag ni Dell Hymes sa kanyang S-P-E-A-K-I-N-


G Teory, ang kaayusan ng pahayag ay makikita sa kabuuang tema ng
teksto (setting-lugar, participants-kalahok, ends-layunin, acts-daloy ng
usapan, keys-tono ng usapan, instrumentalities-koda ng wikang
gagawin, normsbatas ng wika at genre-istilo ng pagsasalita.

[Link] – Tumutugon sa wasto at angkop na pag-unawa hinggil


sa mensaheng pinag-uusapan. Kaakibat nito ang pagkakakilanlan at
kultura ng dalawang nag-uusap. Dapat ang pinag-uusapan ay may
mataas na antas para malinang ang karunungan.

[Link] – Nagbibigay-turing sa berbal at di-berbal na


paghinuha sa mga impormasyon. Ang isang malalim na pag-aanalisa
sa nilalaman ng teksto, hindi lang sa mga salita, ay nagdudulot ng
malaking bagay sa pag-unawa sa diskurso.

3. Kakayahan – Ang bawat tao ay may kakayahang makro, ito ay isa sa


pangunahing kailangan ng tao sa pandiskursong talakayan, na dapat
maging mabisa ang pakikipag-interaksyon.

Mga Teorya sa Diskurso

Speech Act Theory –Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang


wika ay isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng
impormasyon.

Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong


linggwistik ay hindi ang simbolo, salita o ang pangungusap mismo,
kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o
pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

May tatlong component ang mga aktong linggwistik.

Aktong Lokyusyonari - o ang akto ng pagsabi ng isang bagay ( may


kahulugan)
Aktong Iloksyunaryi - o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsabi
ng isang bagay (may pwersa)
Aktong Perlokyusyonari - o ang pagsabi ng isang bagay na
kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto
sa damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig ng ispiker o maging
ng ibang tao (may konsikwens).

Etnography of Communication Theory - Ito’y nauukol sa pag-aaral ng


mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita.

Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang participant-


obserbasyon nangangailangan ng intermisyon sa isang particular na
komunidad.
Communication Accomodation Theory - Sinusuri ang mga motibasyon
at kontikstwal ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago
ng istilo ng komunikasyon.

Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga


tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust ang kanilang istilo kapag
nakikipag-usap sa iba.

Ang akomodasyong ito ay nagagagwa sa dalawang paraan:

Divergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking


etniko ay madalas na gumagamit nito upang ihalylsyt sng kanilang
identidad

Convergence - Nagaganap ito kung saan mayroong matinding


pangangailangan para sa social approval.

Ang madalas gumagawa nito ay mga indibidwal na walang


kapangyarihan.

Narrative Paradigan - Ito’y naglalarawan sa mga tao bilang storytelling


animals.

Ang teoryang ito ay nagpapanukala na naratibong lohika bilang pamalit


sa tradisyunal na lohika ng argument.

Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay


nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay
sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

Isang demokratibong oratoryo at panghihikayat upang makalikha


ng paghuhusga batay sa kohirens at pedeliti.

Variationist Theory - Ang teoryang ito’y nakapokus sa baryasyon ng


wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang diskurso.

Kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa aksent, intonasyon, gamit ng


salita gayon din ang istrukturang panggramatika ng isang ispiker.

Pragmatic Theory - Ayon kina Badayos et al.,(2007), ang mahusay na


diskurso ay lagging bumabatay sa kinalalagyang sitwasyon (social
setting) ng mga taong sangkot sa isang usapan upang mapanatili ang
daloy ng pakikipanggramatika tungo sa mabisang diskurso, sa halip, sa
kaangkupan ng gamit ng wika sa isang particular na sitwasyon.

Deskriptiv, Narativ, Ekspositori, Argumentativ

Deskriptiv - ang diskurso kung naglalarawan ito ng isang viswal na


konsepto tungkol sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa
kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari. Anumang nakikita,
nadarama, nasasalat, napakikinggan, at nalalasahan.

Narativ ang diskurso kapag nagbibigay ito ng pagkakasunud-sunod ng


mga pangyayari habang nagpapakita ng mga imformasyon tungkol sa
mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon, at mga tauhan.
Ekspositori ang diskurso kung ang tungkulin nito ay makapagbigay ng
anumang uri ng impormasyon o kaalaman. Nagpapakita o
nagpapakilala ito ng kaalaman ng anumang katotohanang nauukol sa
lahat nga aspeto ng buhay.
Ang isang diskurso ay argumentativ ay may layuning mapatunayan na
ang isang kurukuro ay dapat o hindi dapat paniwalaan o ang isang
hakbangin ay 8dapt o hindi dapat isagawa.

PAGLALARAWAN/ DESKRIPTIBO
Ang paglalarawan ay isang anyo/pamamaraan ng pagpapahayag o
diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye ng ating nakikita,
naririnig at nadarama upang ang isang mamababasa o tagapakinig ay
makalikha ng isang larawang mental sa anumang inilalarawan.
Ginagamit ng isang manunulat ang salita sa paglalarawan katulad
ng isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan gamit
ang pinsel at pintura upang maisabuhay ang isang larawan sa isipan
ng mambabasa, tagapakinig o manunuod.
Ayon naman kay Tumangan [Link]. (1997), ang paglalarawan o
diskriptibong diskurso ay bunga ng kakintalang likha ng limang
pandama ng tao.
Mahalaga ang diskursong paglalarawan sapagkat nagsisilbi itong
tulay upang makilala ang isang tagapahayag kung paano niya
binibigyang katangian ang anumang kanyang inilalarawan na kung
saan nagkakaroon ng ideya ang tagapakinig o mambabasa kung ano
ang kanyang panlasa tungkol sa mga bagay-bagay at kung paano siya
mag-isip.
Layunin ng deskriptibo ang makalikha ng imahe sa isipan ng
kanyang mambabasa upang maranasan din nila ang naranasan ng
manunulat.
Karaniwang isinasagawa ang paglalarawan upang makahikayat ng
kapwa, tulad hal. ng paglalarawan ng pook-pasyalan para makahikayat
ng turista.
Sa epektibong paglalarawan ay karaniwang pang-uri at pang-abay
ang ginagamit upang mabigyang-buhay ang anumang inilalarawan
nang sa gayon ay maging malinaw sa isipan ng tagatanggap ang
anumang nais maipabatid ng iba.
Ang paglalarawan, kung gayon ay isang uri ng diskurso na
nagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay, damdamin o
kaisipan sa isipan ng tagatanggap upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.

MGA KAHINGIAN NG EPEKTIBONG PAGLALARAWAN

Mula sa pinagsanib na aklat nina Bernales, [Link] (2006) at


Tumangan, [Link]. (1997), narito sa ibaba ang mga pangangailangan sa
epektibong deskripsiyon.

Maingat/Wastong Pagpili ng Paksa Walang wasto o maling paksa sa


paglalarawan.
Ang mahalagang dapat tandaan at isaisip ng isang
tagapagpahayag ay dapat na maingat siya sa pagpili ng paksang
kanyang ilalarawan.
Mainam na ilarawan ang mga bagay na ang tagapagpahayag
mismo ang unang nakamalas sa halip na nakabase sa iba Pagbuo ng
Isang Pangunahing Larawan
Ito’y nangangailangan ng maingat at masusing pagmamasid. Ito
ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Mahalagang makabuo agad ng malinaw na kakintalan upang
mapukaw ang interes ng mambabasa o tagapakinig mula sa kabuuang
piniling nangingibabaw na pangunahing katangian bago pa man alamin
ang mga sangkap na bumubuo nito

Pagpili ng Pansariling Pananaw Tinutukoy nito ang pagtingin ng


naglalarawan sa paksang kanyang inilalarawan.
Dahil bawat tao ay may sariling ideya sa mga bagay-bagay, ang
iisang tinitingnan natin ay maaaring iba-iba ang ating nakikita dito. Ito
ay dahil sa hindi pare-pareho ang ating panlasa.
Magkaugnay ang pangunahing larawang nabubuo sa pananaw ng
naglalarawan. Kung gayon, mahalaga na bago pa man simulan ang
paglalarawan ay tiyaking maging malinaw sa isipan ng
tagapagpahayag kung ano ang kanyang layunin sa pagsasagawa dahil
may epekto ito sa kanyang magiging pananaw.

Kaisahan - Ang kabuuan ng paglalarawan ay nagaganap sa


pagbibigay ng mga maliliit na detalyeng nagbibigay-linaw sa kabuuan
ng inilalarawan.
Tiyaking hindi lilihis sa pangunahing larawang nabuo sa una ang
mga detalyeng [Link] matiyak ang kaisahan ng diwa.
Wastong Pagpili ng mga Sangkap - ang mga sangkap na isasama ay
tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng
inilalarawan.
Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang
kaugnayan sa inilalarawan lalo na sa nabuong pangunahing larawan
Pagpili ng Angkop na Pananalita- sapagkat salita ang siyang sandata
ng isang tagapaglarawan upang makalikha ng imahen, kailangang
mayroon siyang kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring
magpagalaw ng imahenasyon ng kanyang tagatanggap.
Mahalaga ring tiyakin ng tagapagpahayag na ang salitang kanyang
pinili ay angkop sa pandamang kanyang inilalarawan. Samantala, ang
paggamit ng mga salitang nakakakiliti ng isipan ay higit na epektibo
dahil mas napapadali ang pagbuo ng mental na imahe ng
naglalarawan.
Uri ng paglalarawan

Pangkaraniwang Deskripsiyon - ang uring ito ay nagbibigay lamang ng


kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuru-
kuro ng naglalarawan.
Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan
ayon sa pangmalas na panlahat.

Masining na Deskripsiyon- ang guniguni ng mambabasa o tagapakinig


ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan.
Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat.
Ang paglalarawang ito ang higit na nakakapukaw ng isipan at
damdamin. Sa pagkakataong ito ay aktibo ang kakayahang linggwistik
ng tagapagpahayag.
Gumagamit siya ng nga idyoma at mga tayutay upang gawing higit
na malinaw ang imaheng nais niyang mapabatid.

PAGSASALAYSAY/ NARATIV
Ang pagsasalaysay na diskurso ay nagpapahayag na may layuning
magkuwento ng mga kawil-kawil na mga pangyayari tungo sa tiyak at
makabuluhang wakas.
Ang karanasan at ang mga nakikita sa kapaligiran ay maaaring
paghangusan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Layunin ng naratib na diskurso ang matiyak na maipapahayag ang
mga detalye nang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nang sa
gayon ay tuwirang maunawaan ng tagapakinig o mambabasa an gating
isinasalaysay.
Nakasalalay sa maayos na pagpapahayag ng detalye ang
tagumpay ng pagsasalaysay.

KAHINGIAN NG EPEKTIBONG NARATIV


[Link] at kawili-wiling paksa - Sa anumang anyo ng diskurso, ang
orihinal at kawili-wiling paksa ay masyadong mahalaga.
Mas mainam din na ang paksa ay maituturing na kapaki-
pakinabang dahil mas makahihikayat ng mambabasa o tagapakinig.
Mahalaga ring may kalaliman at napapanahon ang paksa upang ito’y
maging makabuluhan.
Ang personal na karanasan ang painakakaraniwang hanguan ng
paksa.
2. Mapanghikayat na Pamagat - Ang pamagat ay isang salik na
pangganyak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Upang maging mapanghikayat ang pamagat, mayroong anim na
kahingian sina Bernales [Link] 2006. a. Maikli b. Orihinal c. Angkop d.
Sinasaliksik e. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas f.
Hindi katawa-tawa
3. Mapangganyak na Panimula Ang panimula ay isang salik na
naghihikayat sa mga mambabasa maliban pa sa pamagat.

Kahit na orihinal at nakakapang-akit ang pamagat kung ang simula


naman ay karaniwan lamang o tila isang panggagaya sa mga mas
kilalang kwento, hindi maeengganyo ang mambabasa na ipagpatuloy
ang nasimulang gawain.

4. Kapana-panabik, hindi maligoy at magkakaugnay na daloy ng


pangyayari Karaniwang nagsisimula sa isang malinaw at
interesanteng simula at sinusundan naman ng mga magkakaugnay na
pangyayaring umuusad nang sa gayon ay makarating sa isang
angkop na wakas.

Maaari rin namang magsimula sa tinatawag na pagbabaliktanaw o


flashback.

5. Angkop at Interesanteng wakas - mahalagang ang mga suliranin sa


naratib ay nabibigyan ng katugunan ang mga mambabasa upang
hindi sila mabigo at upang makamit ang mga katanungang nabuo sa
kanilang mga isipan.

6. Makabuluhang Karanasang Pantao Naiuugnay ng mga mambabasa


ang kanilang karanasan sa mga tauhan na maituturing na
makabuluhan at kaakit-akit na basahin.

Magsisilbing isang malakas na puwersa na humahatak sa mga


taong magbasa ng isang naratib.
7. Angkop na Pananalita Nararapat na tiyakin ng isang manunulat na
ang wikang kanyang ginagamit ay angkop sa kanyang target na
mambabasa.

Mahalagang isaisip ng manunulat ang pagkakaiba ng kakayahang


pangwika ng mga mamababasa nang sa gayon ay matugunan ang
pag-unawa sa binasang naratib.

8. Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay - Maaaring ang


tagapagsalaysay ay subjective (ang tagapagsalaysay ang naglalahad
ng mga dapat isipin o sabihin ng tauhan), objective (ang
tagapagsalaysay ay tagamasid lamang sa iniisip ng tauhan) at
omniscient ( alam ng tagapagsalaysay ang lahat ng mga nangyayari
sa loob at labas ng tauhan. (Tumangan [Link], 2003)

IBA’T -IBANG URI NG NARATIV

1. Maikli o mahabang Kwento/Nobela. Umiikot ang kwento sa tauhan na


dumadanas ng isang pagsubok na mabibigyan ng kalutasan sa
dakong hulihan ng naratib.

2. Talambuhay. Pagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa isang tao,


maaaring sarili o iba mula sa kapanganakan hanggang sa
kasalukuyang estado ng kanyang buhay.

3. Kasaysayan. Kuwento ng totoong pangyayaring humuhubog sa


pagkakakilanlan ng isang tao, o bansa.

4. Kwento ng Paglalakbay. Kwento ng manlalakbay ng kanyang


pakikipagsapalaran sa ibat ibang pook. e.

5. Kwento ng Pakikipagsapalaran. Sa ating pakikipagsapalaran sa buhay,


tayo ay nakararanas ng samot-saring pangyayari na nagiging daan n
gating pagbabago at paglago bilang isang tao.

6. Alamat, Epiko at Kwentong –Bayan. Mga anyo ng naratib na nabuo sa


matandang panahon ng ating kasaysayan. T

Tungkol sa pinagmualan ng mga bagay-bagay ang Alamat, ang


epiko naman ay tulang pasalaysay na nagpapahayag ng kagilas-gilas
na pakikipagsapalaran ng isang bayani samantalang ang kwentong-
bayan ay kwentong sumasailalim ng kultura ng iba’t ibang bayang
matatagpuan sa ating bansa.
7. Balita. Mga pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari sa
araw-araw na ibinabahagi sa mga tao upang sila’y magkaroon ng mga
impormasyon tungkol sa nagaganap sa kanilang paligid.

ELEMENTO NG ISANG NARATIV

[Link]. Tumutukoy sa istruktura o kalansay ng isang naratib na


nagiging batayan sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
b. Tauhan. Tumutukoy sa mga gumaganap sa kwento, mapatao man,
hayop o bagay.
c. Tagpuan. Tumutukoy sa pook na pinagganapan ng mga pangyayari
kaugnay nito ang oras at panahon ng pagkakaganap.
d. Suliranin. Mga pagsubok na pinagdaanan ng tauhan. Maaaring ang
dahilan ay ang sarili, kalikasan o kapwa.
e. Himig o mood. Tumutukoy sa damdamin ng may-akda sa kanyang
paksa. Maaaring Masaya, malungkot o iba pang damdamin.
f. Solusyon. Tumtutkoy sa mga pangyayaring nagbigay daan sa
pagwawaksa ng suliranin. Maaaring isang tao, kalikasan. Mahalagang
tandaan na lahat ng suliranin ay may katumbas na solusyon.
g. Kasukdulan. Pangyayaring kapana-panabik na maituturing na
pinakamataas na damdamin na naibibigay sa mambabasa.
h. Resolusyon. Nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kwento. Ang mga
katanungang nabuo ay unti-unting nabibigyan ng kasagutan.
i. Wakas. Ang lahat ng mga pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan, lahat
ng tanong ay may tiyak na kasagutan at may tiyak na patutunguhan ang
bawat tauhan.

PAGLALAHAD/ EKSPOSITORI

Ang ekspositori ay pagpapaliwanag. Ito ay anyo ng diskurso kung saan


nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na
sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag
na kaalaman ng ibang tao.
Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag na ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng diskursong ito na
maragdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap
sa kanyang kapaligiran.
Ayon kina Bernales, et. al. (2006), layunin ng eksposisyon na gumawa
ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na nagpapaliwanag sa ano
mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao.

Sa anumang anyo ng diskurso, mayroong mga bagay na nararapat na


isaalang-alang upang makapagpahayag nang epektibo at mabisa. Una sa
lahat mahalagang may sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng
paksa. Mahalaga ring maging mapanuri ang isang tao dahil magagawa
niyang magsuri at mag-uri ng mga kaisipan.
Ang mahusay na organisasyon ay daan din sa pag-unawa ng
eksposisyon. Nangingibabaw dito ang layuning makapagbigay ng dagdag
kaalaman sa kapwa. Mahalagang kahingian din sa anumang eksposisyon
ang kawalan ng pagkiling.
Ang mga sumusunod ang mga katangian sa mahusay at epektibong
eksposisyon:
a. Malinaw. Kung ito ay agad nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig at kanyang maikakapit ang kaalaman sa anumang bagay
na ito ay magiging kapaki-pakinabang.
b. Tiyak. Kailangang ituon lamang ang atensiyon sa paksang
tinatalakay at mapanindigan ang kanyang pahayag.
c. May Kohirens. Mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan at
tamang pagkakaugnayugnay ng mga detalye.
d. Empasis. Bigyang-diin ang mga pangunahing kaisipan upang hindo
malunod sa mga ideya ang mga mambabasa o tagapakinig.

PAMAMARAAN NG EPEKTIBONG EKSPOSISYON


Sa iba’t ibang anyo ng eksposisyon, mayroong angkop na
pamamaraan na maaaring gamitin upang matugunan ang kaalaman ng
tao.
Sa Bernales [Link] (2008), itinala ang anim na mga pamamaraan:
1. Pagbibigay-depinisyon. Karaniwang nagsisimula sa pagtukoy ng
kasingkahulugan ng salita, na maaaring intensib o ekstensib. Ito
ang pinakakaraniwang paraan ng pagbubuo ng mga teksbuk at iba
pang aklat reperensyal na ginagamit sa pagkatuto.
2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon. Pagtalakay sa pangunahing paksa
kasunod ay ang pagbanggit ng isa-isa ng mga kaugnay at
mahalagang kaisipan. Maaaring patalata ang pagbanggit ng mga
kaisipan.
3. Pagsusunod-sunod o order. Ito ay ang pagsasaayos ng mga
kaisipan mula sa panimula hanggang sa wakas ng akda. Mahalaga
ito upang matiyak ang tamang patutunguhan ng pahayag.
4. Paghahambing at Pagkokontrast. Karaniwang hindi naghihiwalay
ang dalawang ito dahil ang isa ay daan tungo sa isa. Sa
paghahambing, ipinapahayag ang mga katangian ng bagay o
ideya, naipapahayag na rin ang mga kaibahan na siyang daan ng
pagpapakita ng contrast o pagkakaiba ng mga ito.
5. Problema at Solusyon. Ang problema ang itinuturing na balakid
ng mga bagay-bagay sa ating paligid na siyang sinisikap
matugunan sa pamamagitan ng solusyon.
6. Sanhi at bunga. Siklo ng pangyayari na kung saan ang anumang
kahihinatnan ay may dahilan vice versa.

URI NG PAGLALAHAD
1. Sanaysay. Itinuturing itong pinakamahusay na halimbawa ng
eksposisyon sapagkat ipinapahayag ng isang manunulat ang
kanyang mga ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay ng
isang paksa na maaaring simple at ‘di pormal na pamamaraan.
2. Paglalahad ng Proseso. Karaniwan itong ginagamit sa
paglalahad ng panuto, instruction manual, cook book, mga craft
books at mga aklat na naglalayong magturo sa mga mambabasa.
3. Suring-basa o rebyu. Ito ay mahusay at maingat na pagsusuri ng
bawat detalyeng nakapaloob sa akda o pelikula. Sa pagsasagawa
ng anumang pagsusuri, mahalagang sa simula ay tukuyin ang mga
anyo o genre ng susuriin upang makapaghanda sa mga aspektong
nararapat na pahalagahan.
4. Editoryal. Naglalayong ipahayag ang pananaw ng isang
pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu,
mapasosyal, pulitikal, ispiritwal o kultural man na may mahalagang
impak sa buhay ng isang tao.
5. Balita o ulat. Isang karaniwang uri ng eksposisyon dahil ito ay
ating madalas na nababasa o di kaya’y napakikinggan sa mga
radio o telebisyon. Nagbibigay ito ng mga tiyak at malinaw na
detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na madalas ay
kagaganap pa lamang.

PANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIV
Ang argumentatib ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang
isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa
o tagapakinig.
Ang argumentatib ay naglalayong makahikayat ng tao sa
isang isyu o panig. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabi
nating ang pag-iisip ng ating kapawa ay tulad ng ating naiisipkung
kaya’t hindi maiiwasang tayo ay nalalagay sa mga pagkakataong
kailangang manindigan at ipaglaban ang ating paniniwala.

KATANGIAN NG EPEKTIBONG ARGUMENTASYON

Nabanggit sa Bernales, et al., (2009) ang ilan sa mga bagay na


dapat isaalang alang upang makalikha ng isang mabisang
argumentasyon:
a. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap
ng datos ukol dito.
b. Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa upang matiyak ang
angkop na argumentong gagamitin.
c. Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon
kaugnay ng napiling proposisyon.
d. Pagkalap ng impormasyon upang mapatibay ang argument.
e. Pag-iwas sa maling pangangatwiran.

Nakasaad sa Tumangan, et, al. (1997) ang dalawang bagay na


dapat isaalang-alang para maging matagumpay ang
argumentasyon:
a. Matibay na paniniwala. Ang kaisipang ito ay nagmumula sa
pagkakaroon ng isang tao ng malinaw na pag-iisip na
maipapamasa niya sa pagbuo ng mahusay na argumento upang
magawa niyang umapila sa isipan ng tao. Ang matibay na
paniniwala niya ay maaaring maging daan upang mapukaw ang
isipan ng mambabasa o tagapakinig
b. Mahatak na panghikayat. Ang kaisipan namang ito ay nakatuon
sa damdamin ng manunulat sa kanyang paninindigang argument
na kanya namang maipapamalas sa kanyang argument upang
mapukaw ang damdamin ng mambabasa. Ang pagpukaw sa
damdamin ng mambabasa ay maaaring maging daan sa
paghikayat na tanggapin ang proposisyon.
Madalas na tayo ay nahuhulog sa maling pangangatwiran
dahil sa ating pag-aakala na ito ang magiging daan upang ating
matamo ang ating layunin, ang makumbinsi ang ating kapwa na
tanggapin ang ating proposisyon. Ngunit sa katunayan,
kabaliktaran ang syang bunga nito.
Hindi kailanman magiging daan sa pagkamit ng tagumpay
sa pangangatwiran ang pagpapahayag ng maling katwiran o
argument upang maisulong ang paniniwala.
Itinala sa Bernales, et, al. (2006) ang uri ng maling
pangangatwiran.
Sa ating marubdob na pagnanais na maisulong an gating
paniniwala, may mga pagkakataong tayo ay nahuhulog sa maling
pangangatwiran. Inakala nating tayo ay makakalusot.
Ang pagkilala sa mga maling pangangatwiran ay
makatutulong sa pag-iwas na mauwi sa ganitong argumentasyon.
a. Argumentum ad hominem- isang nakahihiyang pag-atake
sa personel na katangian/katayuan ng katalo at hindi sa
isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking
katunggali gayong hindi siya nagging pinuno ng kanyang
klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de
saya pa yata!
b. Argumentum ad baculum- pwersa o awtoridad ang gamit
upang maiwasan ang isyu at tuloy maiplano ang
argument.
Halimbawa:

Tumigilka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang


karapatang magsalita sa akin ng ganyan! Baka sampalin
kita ng makita mo ang hinahanap mo!

c. Argumentum ad miserecordiam- upang makamit ang awa


at pagkampi ng mga nakikinig bumabasa, ginagamit ito
sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan.

Halimbawa:

Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa


lansangan. Hindi ba natin nakikita ang mga marurumi
nilang mga damit, payat na pangangatawan at nanlalalim
na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos bilang pantawid-gutom?

d. Non sequitur- sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t


follow.

Pagbibigay ito ng konklusyon sa kanila ng walang


kaugnayang batayan.

Halimbawa:

Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga.


Masamang pamilya ang pinagmulan nya. Magulong
paligid ang kanyang nilakihan. Ano pa ang inaasahan mo
sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!
e. Ignoratio elenchi- ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na
sa usapang barkeya, wika nga. Ito ay kilala sa Ingles na
circular reasoning o paliguy-ligoy.

f. Maling paglalahat- dahil lamang sa isang aytem/


sitwasyon, nagibigay na agad ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan.

Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang
panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming
asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na
tumatakbo bilang konsehal. Huwag nating iboto ang mga
artista!

g. Maling Paghahambing- karaniwang tinatawag na usaping


lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang
hambingan ngunit sumasala naman sa matinong
konklusyon.

Halimbawa: (sagot ng anak sa ina) Bakit niyo ako


patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!

h. Maling Saligan- nagsisimula ito sa maling akala na siya


namang nagging batayan. Ipinapatuloy ang gayon
hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.

Halimbawa: Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang


iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lang na
maging tapat at masipag ang mga kabataan.
i. Maling Awtoridad- naglalahad ng tao o sangguniang
walang kinalaman sa isyung kasangkot.

Halimbawa: Ang Kristiyanismo ay pananampalata ng


mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Max.

j. Dilemma- naghahandog lamang ng dalawang opsyon/


pagpipilian na para bang iyon lamang at wala ng iba
pang alternatibo.

Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate,


ganito lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o
di kaya’y magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong
pagurong Abuso sa Karapatan
Kritikal na Pag-iisip sa mga Diskursong Filipino

Ang Kritikal na Pag-iisip (KP) ay kalipunan ng mga


kasanayan ng isang indibidwal na makapagbigay ng
interpretasyon, makapagsuri, at mataya ang mga
impormasyon tungo sa paglikha ng mga bagong ideya at
perspektiba.

MGA KATANGIAN NG INDIBIDWAL NA MAY KRITIKONG PAG-IISIP

1. Mahusay sa pagbuo ng mga tanong


2. Lantad sa magkakaibang pananaw
3. Taglay ang mga katangiang makapagsuri ng mga patunay o ebidensya
4. Detalyado sa pabuo ng konklusyon

Layunin at Sanligan ng Pagtuturo ng Kritikal na Pag-iisip


Ang pinakalayunin ng pagtuturong kritikal na pag-iisip sa iba’t ibang disiplina ay ang
mapaunlad ang mga kasanayang pangkaisipan ng mga estudyante at tuluyan silang
akayin upang maging matagumpay sa buhay.
Donald Norman, 1980 “ Kakatwang inaasahan nating matuto ang mga estudyante,
ngunit bihira nating silang turuan ng tungkol sa pagkatuto”
Clement at Lochhead, 1980 “ Dapat nating turuang mag-isip ang ating mga estudyante.
Ngunit sa halip, tinuturuan natin sila ng kung ano ang dapat nilang isipin”
Noong 1983, ganito ang babalang ulat na may pamagat na A Nation at Risk, mula sa
National Commission on Excellence in Education ng Amerika: “ Maraming bata na nasa
edad na 17 ang walang kakayahan sa “lalong mataas na antas” (higher-order) ng mga
kasanayang intelektwal na inaasahan pa naman natin sa kanila. Halos 40% ang hindi
kayang mahinuha (inference) mula sa mga nakasulat na material: halos 1/5 lamang ang
kayang makasulat ng mapanghikayat (persuasive) na sanaysay: at halos 1/3 lamang
ang nakalulutas ng mga suliraning matematikal na nangangailangan ng ilang hakbang
sa paggawa”
Definisyon ng Kritikal na Pag-isip ▪Ang kritikal na pag-iisip ay ang wastong pag-iisip
upang makatuklas ng mga makabuluhan at maaasahang kaalaman tungkol sa mundo.
• Ang ganitong pag-iisip ay hindi ang tulad sa mga mababang antas ng
pagkukuro: kung tama ba ang ang sukli sa iyo, kung hihimti ka ba o hindi
kapag pula ang makita mong ilaw ng stop light o maging ang kakain ka ba
o hindi.

• Ang kritikal na pag-iisip ay iyong makapili ng wastong kandidato, ang


matiyak kung sino ang nanaig sa isang mahigpit na debate, matantiya
kung kailangan na nga ba ang Chacha, o matiyak ang kaniyang
paninindigan sa paggamit ng wikang Filipino.

• ▪Ang ganitong pag-iisip ang nagiging daan upang ang isang tao ay
mabisang makibahagi sa lipunan, at hindi lamang ang tagatanggap ng
resulta ng kaniyang kawalang-kakayahan o katangahan.

Mga Istrateji at Teknik ng Pagtuturo

Ang KP (Kritikal na Pag-iisip) ay isang aktibong proseso, kung kaya,


ang mga kasanayang tulad ng analisis, sintesis, refleksyon at iba pa, ay
dapat na matutuhang aktwal.

1. Mga Lektyur

Sa inyong pagtuturo sa harap ng klase, natural lamang na


maituro mo ang ganitong pag-iisip. Gayunman, hindi ito kinakailangan.
Manatili ka sa iyong paksang-aralin, ngunit ihayag ito nang
humahamon sa kanilang kaisipan. Magagawa ito sa pamamagitan ng
wastong pagtatanong upang maunawaan nila ang nilalaman at masuri
ito upang mailapat sa mga bagong sitwasyon.

2. Worksyap

Hayaang gampanan ang mga estudyante ang nararapat


gampanin sa pagsulat o pagsasalita sa pamamagitan ng medong
sayantifik; paglalahad ng suliranin, paghihinuha, observasyon,
eksperimentasyon at konklusyon.

3. Takdang-Aralin/ Kasunduan

Kapwa ang tradisyunal na binasang asayment o ang maging


mga babasahin at tanging pasulat na suliranin ay malalapatan ng mga
tanong na kritikal. Inirekomenda ni Dr. Willian T. Daly na magbigay
muna ang titser ng isang pangkalahatang tanong upang doon mainog
ang lahat ng tala ng mga estudyante.

Kailangang magawa nilang mabuod, mahawig o mabalangkas


ang kanilang mga takdang-aralin. Iminumungkahi rin niyang markahan
natin ang kanilang isinusulat na asayment sa pamamagitan ng
pasalitang pagsusulit.

Sa ganitong paraan, makikita natin kung gaano katatas na ang


kanilang kakayahang magsalita. Siyempre pa, bukod pa rin ito sa
pagkokolekta ng kanilang ginawang pasulat na asayment.

4. Paglikha ng mga Sitwasyon

Tiyaking ang mga sitwasyong ibibigay mula sa isang akdang


pampanitikan ay naaayon at magagamit sa mga pang-araw-araw na
buhay.

5. Pagsaliksik at Pagsulat

Ito ang pinakakabuting paraan ng pagdevelop ng kritikal na


pag-iisip. Hayaang magsulat ang mga estudyante. Bumuo ng kanilang
mga ideya, pagisipan ang kanilang paksa, masuri ang kanilang mga
datos sa lohikal na paraan, at maitanghal ang kanilang konklusyon sa
isang paraang mapanghikayat. Ang mabuting pagsusulat ang mismong
salamin ng mabuting kritikal na pag-iisip.

6. Eksaminasyon

Maaaring mabago ang paraan ng pagsusulit na hindi


lamang pagsasaulo ang ginagawa. Totoo ito sa mga eksaminasyong
pasanaysay at maramihang pagpipilian (multiple choice) Inirekomenda
ng mga eksaminasyon na magsulat at mag-isip ang mga estudyante.

Kung gayon, sa mga talakayan o pasulat na Maikling


Pagsusulit, nakabubuti ang mga tanong na nangangailangan ng sagot
na pasanaysay, na ang layunin ay makita ang kakayahan ng mga
estudyante na makasuri ng mga informasyon at makabuo ng mga
konklusyon. Iminungkahi ni Dr. James T. Hunter na gamitin ang mga
kaalaman sa mga dimension ng pagtatanong tulad ng mga tanong na:
1. Ilarawan mo nga...
2. Paghambingin ang... at ang...
3. Ipaliwanag nang puspusan ang mga...
4. Sa sarili mong mga salita...

Mga Uri ng Kritikal na Tanong


1. Paglilinaw (Clarification)

• Sino ba talaga ang karapatdapat na maging pambansang bayani ng ating


bansa, si Bonifacio o si Rizal?
• Para sa iyo, ano ang mas matimbang, pag-ibig o dangal?
• Kailan mo ba talaga balak na magbago para sa ikabubuti ng iyong buhay?
• Ano ba talaga ang iyong ipinupunto?
• Bakit sinabi mo na mas matimbang ang dangal kaysa pera?
2. Pagsisiyasat ng Pahiwatig (Probing Assumption)

• Paano mo mabibigyang-linaw ang iyong mga sinabi?


• Bakit sinasabi mong mas makapal ang dugo kaysa sa tubig?
• Ito ba talaga ang lagi nating nakikita sa ating kapaligiran?
• Paano mo masasabing ang mga ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng
bayan?
• Sino ba talaga ang dapat na ihalal bilang pangulo ng ating bansa?
3. Pagsisiyasat ng katwiran o ebidensiya (Probing Reasons and Evidence)

• Paano mo nasasabing mali ang sagot ng iyong kaklase?


• Ano-ano ang mga dahilan para masabi natin na mahalaga nga ang iyong
mungkahi?
• Sino-sino ang may dahilan kung bakit nalugmok sa kahirapan ang ating
bansa?
• Bakit mo nasabing hindi totoo ang kaniyang sinabi gayung may sapat
siyang ebidensiya?
• Paano mo mapatutunayan ang iyong mga sinabi?
4. Pagbibigay ng Pananaw (Viewpoint)
• Ano-ano ang inyong mga mungkahi para maging matiwasay ang daloy ng
talakayan?
• Paano magiging makabuluhan ang iyong mga plano para sa iyong
buhay?
• Paano bibigyang linaw ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasagotan?
• Sa anong paraan makasasabay ang mga taong nakatira sa kabukiran sa
pag-unlad ng teknolohiya?
• Bakit lubhang napakahalaga na malaman natin ang kahalagahan ng
edukasyon?
5. Pagsisiyasat ng mga Implication (Probing Implications)

• Ano-ano ang magiging epekto mg modernisasyon sa ating bansa?


• Paano nakatutulong ang globalisasyon sa pag-unlad ng bansa?
• Sino ang makikinabang sa mga programang inilulunsad ng pamahalaan?
• Sa anong paraan makatutulong ang edukasyon sa buhay ng tao?
• Ano ang maitutulong nito sa edukasyon at sa mga mag-aaral?
6. Tanong tungkol sa Tanong (Questions about Questions)

• Upang masagot ang iyong katanungan, ano ang punto mo sa isyung ito?
• Para magkaroon tayo ng pagkakaunawaan, sino-sinong mga tao ang
sangkot sa isyung ito?
• Paano ko sasagutin ang tanong mo kung iyan ay hindi konektado sa ating
pinag- uusapan?
• Bakit mo natanong ang tungkol sa extra judicial killing na isang malaking
isyu?
• Upang masagot ko ang iyong tanong, ano ang iyong pananaw ukol sa
death penalty?

Ang mga Tanong na Ayon o Hindi Ayon sa KP

Ang mga tanong na AYON sa KP

1. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio ay tradisyunal na tula, pagkat:


a. wala itong sukat at tugma ngunit may sining at talinghaga
b. may sukat itong labindalawahin ngunit walang tugma
c. may sesura ito sa bawat 6 na pantig, may 12 pantig sa bawat taludtod, may
tugmaan, sining at talinghaga
d. may tugmaan ito at may sesura sa bawat 6 na pantig, ngunit walang sukat
e. may sukat at tugma ngunit walang sining at talinghaga

2. Sa kabila ng pagkakaroon ng 28 letra ng ating alfabeto, nananatili pa ring 21 ang


ating fonim pagkat:
a. ang batayan lang natin ay ang dating Alibata
b. sapat na ang Abakadabg Tagalog na may 20 letra at ang impit na tunog bilang
patinig
c. ang 8 letrang dagdag ay nananatiling fonetik at hindi fonemik sa leksikong
Filipino
d. hindi tiniyak ng 2001 revisyon ang bilang ng letra at fonim ng Filipino

Ang mga Tanong na HINDI ayon sa KP

1. Ang mga pangunahing elemento ng tulang may malayang taludturan ay: a. sukat at
tugma
b. sukat at talinghaga
c. tugma at sining
d. tugma at talinghaga
e. sining at talinghaga

2. Ang tanging fonim sa fonoloji ng Filipino na walang katumbas na grafim ay:


a. /enye/
b. /endzi/
c. /?/
d. /elye/
e. Wala sa itaas

Ang mga Gampanin sa Pagdebelop ng Kritikal na Pag-iisip sa mga Estudyante

-Unawain ang layuning pampagkatuto


-Maniwala sa potensyal na kapakinabangan nito sa sarili at
-Maging mulat at huwag maging manhid sa aktwal na paggamit nito upang mabuo sa
sari-sarili ang pagpapahalaga (values), kasanayan (skills), kaalaman (knowledge) at
proseso ng kritikal at malikhaing pag-iisip sa pagkatuto.

Ilang Pangkalahatang Gabay sa mga titser

-Gumamit ng mga REALIA kaysa sa mga teksbuk o pelikula lamang para sa pag-
unawa.
-Konsistent na hayaang magbigay ng kanyang opinyon ang mga estudyante sa pagbuo
ng mga pamantayan sa ebalwasyon ng mga gawaing pangklase at mga kasunduan.
-Piliin ang mga sariling gawa ng mga estudyante kaysa sa mga nabibiling awdyobiswal
na materyal.
-Konsistent na hikayatin ang mga estudyanteng maghanap ng mga alternatib upang
makatugon sa isang gawain.

APLIKASYON SA DISKUSYON AT EKSAMINAYONG PANGKLASRUM

PANGLEKTYUR

A. KASANAYAN SA KRITIKAL N A PAG-IISIP


B. Pagtukoy sa kung alin ang mahalaga
C. Pag-oorganisa ng mga impormasyon
D. Gumamit ng Iba’t ibang istilo
E. Isinasaalang-alang ang paraan ng pagtalakay ng ispiker

PAGREREBYU SA EKSAM
A. KASANAYAN SA KRITIKAL NA PAG-IISIP
B. KINAKLASIPIKA ANG MGA IMPORMASYON
[Link] NG PAGLALAHAT AT SINTESIS

You might also like