You are on page 1of 32

Ating

tunghayan
Ipinasa ni:
Maricho P. Mazo

Panimula

Tuklasin

Pagtataya ng Kaalaman

Pokus sa Aktor

Pokus sa Gamit

Pokus sa Layon

Pokus sa Ganapan

Pokus sa Tagatanggap

Pokus sa Direksyon

Pokus sa Sanhi

Ang Pokus ng Pandiwa ay


ang relasyon ng
pandiwa sa paksa ng
pangungusap
Narito ang ibat ibang
pokus ng Pandiwa

Sa pagtukoy sa pokus, sundin ang sumusunod na


hakbang. Hanapin ang paksa at pandiwa ng
pangungusap. Alamin ang ugnayan ng paksa sa
pangungusap.

Ang paksa ba ang gumaganap ng kilos? Kung oo,


pokus ito ang aktor.
Ang paksa ba ang tumatanggap ng kilos na bagay?
Kung oo, pokus ito sa layon.
Ang paksa ba ang pinaglalaanan ng kilos? Kung
oo, pokus ito sa tagatanggap.

Ang paksa ba ang kasangkapang ginagamit


upang maisagawa ang kilos? Kung oo, pokus
ito ng gamit
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng
kilos? Kung oo, paksa ito ng ganapan
Ang paksa ba ay nagtuturo ng direksyon ng
kilos? Kung oo, paksa ito na direksyunal.
Ang paksa ba ang dahilan ng kilos? Kung oo,
paksa ito sa sanhi.

Pokus sa Aktor
Ang paksa ang gumaganap ng kilos ng
pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit
sa pokus na ito ay um-, mag-, ma-,
maka-, at mang-.

Halimbawa:

Nagsulat
siya ng
Libro

Pokus sa Layon
Ang layon o bagay ang paksa ng
pangungusap. Ang pangunahing panlapi
ay in/ -hin at i- at maaari ring pag--an
sa ilang pandiwa. Hudyat ng paksa ang
panandang ang.

Halimbawa

Binili
niya
ang
damit

Pokus sa Tagatanggap
Ang tagatanggapa ang tumatanggap ng
kilos. May panlaping i-, ipag-, ipa- ang
pandiwang nasa pokus na tagatanggap.

Halimbawa:

Ipinagluto
ng ate ang
nanay

Pokus sa Gamit
Ang paksa ng pangungusap ang
kasangkapang gamit upang maisagawa
ang kilos ng pandiwa. Ang panlaping
ginagamit dito ay ipang-

Halimbawa

Ipangguhit
mo ang
lapis

Pokus sa Ganapan
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng
kilos ng pandiwa. Ang panlaping
ginagamit dito ay pag--an/-han.

Halimbawa

Pinagdausan
nila ng
handaan
ang
bulwagan

Pokus sa Direksyon
Ang paksa ay nagtuturo ng direksyon ng
kilos. Ang mga panlaping an/-han ang
pangunahing panlapi sa pokus na
direksyunal. Gamit din ang in/-hin, ka-an/-han.

Halimbawa

Pinuntahan
nila ang
parke

Pokus sa Sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng
dahilan ng kilos. Ang panlaping
ginagamit sa pokus na ito ay i-, ika-, at
ikapang-.

Halimbawa

Iniluha
niya ang
pag-alis
mo.

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.

1. Nagluto ang nanay ng Biko

A. Aktor
B. Layon

C. Tagatanggap

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.

2. Pinaglabahan niya ang batis

A. Direksyon
B. Ganapan

C. Layon

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.

3. Pinasyalan nila ang Luneta

A. Layon
B. Ganapan
C. Direksyon

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
4. Kinain ng bata ang ang suman
at manggang hinog

A. Aktor
B. Tagatanggap
C. Layon

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
5. Pinagtamnan ng gulay ng aming
katulong ang bakuran

A. Ganapan
B. Tagatanggap
C. Sanhi

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
6. Ipinagkasakit niya ang labis na
paghitit ng sigarilyo

A. Aktor
B. Sanhi
C. Tagatanggap

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
7.Ipinampunas ko ang mga
kasangkapan ng basahang malinis

A. Ganapan
B. Layon
C. Gamit

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.

8.Kumain ng adobo si Rose

A. Aktor
B. Tagatanggap
C. Layon

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
9. Ibinili ko ng bagoong ang pinsan
kong nagbalikbayan

A.Gamit
B. Aktor
C. Tagatanggap

Panuto: Tukuyin anong pokus ng Pandiwa


ito.
10. Pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace Corps
ang Tagaytay

A.Direksyon
B. Ganapan
C. Tagatanggap

Tama

Mali

You might also like