You are on page 1of 19

Una at ikalawang araw

Layunin:

1. Pagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari.
2. Pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti
ito.
3. Paggamit ng impormasyon.
RITE MED COMMERCIAL
TALAKAYAN:

1.Tungkol saan ang TV commercial?


2.Ano ang habilin ni Gng. Roces?
3.Bilang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gng.
Roces?
4.Ano-ano ba ang gamit ng impormasyon mula sa ibat
ibang source o pinanggagalingan nito?
5.Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa
impormasyong nabasa, napanood at narinig?
Basahin ang artikulo sa ibaba at saguntin ang mga
tanong tungkol dito .
Dapat na bang gawing legal ang marijuana bilang gamot?
Published October 18, 2014 6:22pm
Patuloy ang debate sa Kongreso tungkol sa panukalang
batas para gawing legal ang paggamit sa marijuana bilang
gamot sa ilang sakit at disorder tulad ng epilepsy. Pero
pangamba ng ilan, baka maubuso ito at lalo pang
makadagdag sa problema ng kriminalidad.
Sa isang ulat ni Kara David sa GMA News, ipinakita
niya ang dalawang-taong-gulang na si Julia Cunanan.
Palangiti umano si Julia pero sa isang iglap ay naglalaho ang
sigla nito sa mukha at titirik ang mga mata, maninigas ang
buong katawan.
Ipinanganak kasi si Julia na taglay ang karamdaman na partial
seizure disorder.
Sa isang araw, inaabot umano ng 50 ang pag-atake ng
epileptic seizures ng bata. At sa bawat seizure, may brain cells
sa kaniyang namamatay.
Pag-amin ni Dra. Donnabel Cunanan, ina ni Julia,
napapaiyak na lang siya kapag sinusumpong ang anak, at lagi
siyang kinakabahan.
Ilang gamot na raw ang sinubukan ng mga duktor kay Julia
pero walang umubra kahit isa. Kaya naman nang mapanood daw
ni Donnabel sa internet ang kuwento ng isang bata sa Amerika na
gumaling sa parehong sakit, nabuhayan siya ng pag-asa.
Ngunit ang problema, ang gamot na ginamit sa bata,
marijuana extract o katas ng marijuana.
Legal sa Amerika ang paggamit ng marijuana bilang gamot
sa iba't ibang sakit kasama na ang epilepsy at seizure
disorders.
Pero sa Pilipinas, nanatili itong iligal.
Dahil dito, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III, ang
House Bill No. 4477, na naglalayong gawing legal ang paggamit
ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit na wala pang lunas.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/384164/news/ulatfilipino/dapat-na-bang-gawing-


legal-ang-marijuana-bilang-gamot#sthash.plJvs .
SAGUTIN:
1.Ano ang suliranin ng magulang ni Julia?
2.Batay sa nabasa sa internet, papaano gumaling ang isang
bata sa Amerika na may katulad na karamdamang gaya ng
kay Julia?
3.Kung ikaw ay doktor ni Julia, ipapayo mo ba sa mga
magulang ni Julia ang marijuana? Bakit?
4.Balikan ang artikulo, naniniwala ka ba sa isinasaad sa
internet? Bakit?
5.Papaano ka maiingganya o mahihimok gumamit ng isang
produkto?
6.Ano-ano ang dapat isa-alang-alang bago gumamit ng isang
produkto? Bakit?
Ikatlong araw Balik-aral:
1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa impormasyong nabasa, narinig, napanood
tungkol sa isang produkto, artikulo, o pangyayari? Bakit?

Basahin ang teksto:

Cosmetic Advisory

FDA Advisory No. 2016-048-A || Paalala sa Publiko sa Pagbili ng mga Kosmetiko Gamit ang
mga Online Shopping Websites

FDA Advisory No. 2016-048-A

Paalala sa Publiko sa Pagbili ng mga Kosmetiko Gamit ang mga Online


Shopping Websites
Ang online shopping ay isang anyo ng electronic commerce kung saan ang isang
mamimili ay maaaring makabili ng mga produkto o serbisyo gamit ang internet. Mula sa
paglabas ng unang online shopping website ay naging mabilis ang kanilang pagdami
dahil sa labis na pagtangkilik dito ng mga mamimili. Sa kasalukuyan, ibat ibang uri ng
produkto ang maaaring mabili sa mga online shopping websites. Kabilang na rito ay ang
mga kosmetiko.
Ikatlong araw

Upang masigurado ang kaligtasan ng publiko,


pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang
mga mamimili na maging maingat at mapanuri sa pagbili ng
mga kosmetiko gamit ang mga online shopping
websites. Kasama ng advisory na ito ay ang consumer
manual at infographic tungkol sa online shopping na
matatagpuan sa FDA website. Ang consumer
manual at infographic ay nagbibigay ng ilang mga paalala
upang maprotektahan ng mga mamimili ang kanilang mga
sarili mula sa mga pekeng kosmetiko na maaaring magdulot
ng kapamahakan.
Ikatlong araw

Bukod pa rito, ang publiko ay hinihikayat na tumulong


sa FDA na magbantay ng mga kahina-hinalang aktibidad o
kosmetiko sa merkado. Para sa karagdagang impormasyon
o mga katanungan, huwag mag-atubiling pumunta sa
FDA website (www.fda.gov.ph), magpadala ng e-
mail sa info@fda.gov.ph o tumawag sa numero (02)857-
1984.
Ang mga impormasyong nakasaad ay ipinagbibigay-alam
sa publiko.
Ikatlong araw

Itanong:
1.Tungkol saan ang advisory na inyong binasa?
2.Ano-ano ang ipinaaabot ng advisory sa mga konsumer?
3.Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagpapalabas o
paglalathala ng advisory na gaya nito? Bakit?

1.Sa iyong notbuk, isulat ang iyong natutunan sa araling


tinatalakay na maaari mong ibahagi sa iyong pamilya at
mga kapitbahay.
2.Magsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga dapat
tandaan ng isang mamimili o consumer sa pagtangkilik ng
isang produkto.
Ikatlo at ikaapat na araw

Hating ang klase sa anim pangkat.


Ibigay ang sumusunod para sa pangkatang gawain.
Gabay sa pagbibigay ng Pananaw:
Mga dapat isaalang-alang sa pagtangkilik ng isang produkto
(Halimbawa: presyo, epekto, atbpa)

Pangkat Gawain Magbibigay ng Pananaw


Pagtalakay sa artikulo 3
1 at 5 tungkol sa isang shampoo

Paggawa ng isang anunsiyo


o patalastas tungkol sa
2 isang sabong pampaputi 4

Paghahanda ng Panuntuang
dapat isaalang-alang upang
mahikayat ang konsyumer
3 at 4 6
na tangkilikin ang isang
produkto
Ikatlo at ikaapat na araw

1. Magsagawa ng isang pananaliksik


tungkol sa mga dapat tandaan ng
isang mamimili o consumer sa
pagtangkilik ng isang produkto.

Ikalimang araw - PAGTATAYA

You might also like