You are on page 1of 62

Idyoma

Idioma
Ang pag-aaral ng mga Idioma(idioms
o idiomatic expressions) ay kaugnay
ng kaalamang pangretorika. Ito ay
nagpapabisa, nagpapakulay at
nagpapakahulugan sa
pagpapahayag.
Ang mga Idioma ay di-tuwiran o di-
tahasang pagpapahayag ng gustong
sabihin na may kahulugang
patalinhanga.
Ang kahulugan ng Idioma ay malayo
sa literal o denotativong kahulugan ng
salita.
Ang mga Idioma ay tintawag ding
idyomatikog pahayag o sawikain sa
ating wika.
Upang maging mabisa ang paggamit
ng mga idioma sa pagpapahayag ,
kailangang batid ng isang
nagpapahayag ang iba’t ibang
halimbawa nito, ang kahulugan ng
bawat isa at kung paano gagamitin
ang mga iyon sa pangungusap.
Ilang halimbawa ng Idioma sa
ating wika:
Mababaw ang luha- madaling umiyak
Maglubid ng buhangin-
magsinungaling
Magbatak ng buto- magtrabaho
Magbilang ng poste- walang
mahanap na trabaho
Kayod kalabaw- halos walang tigil sa
pagtratrabaho
nagtaingang kawali- nagbingibingihan
Walang itulak kabigin-parehong-
pareho sa katangian
Pabalat-bunga- hindi tapat sa loob na
paanyaya
Anak pawis- manggagawa
Hawak sa tainga- taong sunod-
sunuran sa isang tao
merong
May utak- matalino
Kalatog pinggan- taong nagaabang
sa kainan o handaan
Papatay-patay- mahiyain,
babagalbagal
Bukas palad- galante, handang
tumulong
Sanga-sangang dila- sinungaling
Kapit-tuko- mahigpit ang kapit
Pumuputok ang butse- galit na galit
Amoy lupa- malapit ng mamatay,
matanda na
May gatas pa sa labi- bata pa
Hindi kakapitan ng alikabok- bihis na
bihis, pusturang-pustura
Hagisan ng twalya- tapos na ang
labanan dahil natalo na ang isa
Humukay ng sariling libingan- siya
ang nagdala sa kanyang sarili sa
kapahamakan
Itulak sa bangin- ibinuyo, ibinulid sa
kapahamakan
Laman ng lansangan- palaboy
Balat kalabaw- hindi marunong
mahiya
Nagsusunog ng kilay- nagsisikap sa
pagaaral
Magdildil ng asin- maghirap
Nakahiga sa pera- mayaman,
mariwasa
Dugong bughaw- mayamang angkan

You might also like