You are on page 1of 22

AWIT

 - is a form of Filipino poetry. It’s literal translation into English is


“song”, although in the context of poetry, it is closer to the
narrative.
 - Awit (song) has measures of twelve (dodecasyllabic) and
slowly sung to the accompaniment of a guitar or banduria.
An example of the awit is Florante at Laura by Francisco
Balagtas.
 The awits are fabricated stories from writer’s
imagination although the setting and character are
European.

 The awit refers to chanting.


o Chanting means to say( a word or a phrase) many
times in a rhythmic way usually loudly and with
other people.

 Both corrido and awit are referred to narrative


poetry.
FLORANTE AT LAURA
BY: FRANCISCO BALAGTAS

NASAAN SI LAURA “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya


(An excerpt from the whole Awit) Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa
Higit na malaking hirap at dalita
Kung siya mong ibig na ako’y magdusa Parusa nang taong lilo’t walang awa.
Langit na mataas aking mababata
Isagi mo lamang sa puso ni Laura Sa pagkatapos ko’y kung gunigunihin
Ako’y minsan-minsang mapag-alala. Malamig mang bangkay akong nahimbing
At tinatangisan sa sula ko’t giliw
At dito sa laot ng dusa’t hinagpis Ang pagkabuhay ko’y walang hanggan mandin.
Malawak na lubhang aking tinatawid
Gunita ni Laura sa naabang ibig Kung apuhapin ko sa sariling isip
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib. Ang suyuan naming ng pili kong ibig
Ang pagluha niya kung ako’y may hapis
Nagiging ligaya yaring madlang sakit.
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
 Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim
na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog
Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang
nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga
gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si
Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na
kalagayan ng bayan niyang mahal.

 Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na
nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali
niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa
lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na
hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa
muling lumakas.
 Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si
Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.
Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si
Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring
lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang
magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng
liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

 Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro,


pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga
tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura
sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang
bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang
kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin
ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
 Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng
relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran
ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

 Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na


nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at
Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin
si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay
nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya
ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
 Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda
ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay
niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa
gubat.

 Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-


kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina
Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya
at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan
at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
CORRIDO
 It is an octosyllabic verse.
 They are usually on legends or stories from European
countries like France, Spain, Italy, and Greece.
 It refers to narration.
 Both corrido and awit are referred to as narrative
poetry.
 An example of the Corrido is Ibong Adarna.
SUMMARY OF IBONG ADARNA
Noong unang panahon sa Berbanyang kaharian,
masayang nakatira si Don Fernando na reyno at ang
kanyang kabiyak ng puso na si Donya Valeriana.
Doo’y pinalaki nila ang kanilang mahal na tatlong
anak na sina Don Pedro na panganay, na sinundan ni
Don Diegong malumanay at ng bunsong si Don Juan
na may pusong may pagsuyo.
Isang gabing ang hari’y naiidlip, siya’y nanaginip na
ang bunsong minamahal na Don Juan ay nililo at
pinatay ng dalawang tampalasan.
Nang ang hari’y magising di na siya napahimlay sa laki ng
kalumbayan. Di naglaon sakit ng hari’y lumubha. Maraning
mga manggagamot ang tumingin ngunit walang resultang
makita. Sa awa ng Diyos, sila’y may nakuhang manggagamot
ito ang nakatalo sa sakit ng haring bantog.
May isang ibong maganda na ang pangalan ay Adarna.
Ito’y lunas sa sakit pagnarinig mong kumanta. Ito’y
matatagpuan sa Tabor na kabundukan sa puno ng Piedras
Platas naninirahan. Kung araw ay wala roon at gabi kung
umuwi at humumlay sa kahoy na kanyang bahay.
Unang inutusan ang anak na panganay. Don Pedro’y
naglakbay sakay ng kanyang kabayo. Tatlong buwan binagtas
ang kaparangan at kabundukan, di naglao’y narating din ang
paroroonang Tabor na kabundukan. Ngunit kanyang kabayo’y
namatay pagsapit sa ibabaw. Doo’y nakita ang Piedras Platas
na makinang. Siya’y naghintay at doon muna lumagi upang
ang pagod ay mapawi. Habang nagninilay, kanyang
napagtanto punong hinimlayan ay sa ibon ay ulila. Doon naisip
ang puno pala’y Adarnang marikit.
Sa paghihintay sa ibon, Don Pedro’y namahinga ng
mainam. Tila isang tukso ang kasawian ni Don Pedro,
sapagkat ang Adarnang may engkanto dumating ng di
naino. Ibo’y lumapag sa sanga ng Piedras Platas. Ito’y
umawit ng pitong beses at nagpalit ng kulay ng pitong
beses. Pagkatapos ay nagbawas at napatakan sio Don
Pedrong nahimlay. Siya’y nagging bato ng di inaasahan.
Don Diego’y inatasan na hanapin ibon at kapatid na
hindi bumalik. Ang prinsepe’y hindi sumuway at noon din
nagpaalam.
Kanyang nilakbay parang, gubat, bundok at ilog. Sakay ng
kanyang kabayo siya’y naglakbay ng limang buwan ngunit
kabayong sinakyan nahapo at namatay. Siya’y nagpatuloy
hanggang marating Tabor na kabundukan. Ngunit sa
kasamaang palad Don Diego’y natulad sa kapatid na Don
Pedro. Siya’y nagging bato dahil sa Adarnang may engkanto.
Tatlong taon ang lumipas, Berbanya’y naghintay ngunit dahil
sa tagal, sakit ng hari’y lumumbha. Gayon na lamang ang
hinagpis ni Don Juan sa sinapit ng amang hirang. Siya’y di
nakatiis sa ama’y nagpaalam na siya naman ang utusang
hanapin ang lunas sa sakit at mga kapatid.
Ang hari’t reyna ay nagdadalawang isip ngunit ibinigay pa rin
ang bendisyon. Don Juan ay naglakbay baon lamang limang
tinapay. Tuwing makaisang buwan nang paglalakbay sa parang
saka lamang naiisipan kainin ang isang tinapay.
Sa kanyang paglalakbay Don Juan ay tumawag sa Birheng
mahal. Humingi ng patnubay na gutom ay di kamatayan at
hirap ay mapagtiisan sa pag-ibig sa magulang.
Sa baong limang tinapay ang natira’y isa na lamang. Landas
na sasalungahin inakyat nang walang lagim. Sa ibabaw nang
dumating katuwaa’y sapin-sapin.
Doo’y kanyang natagpuan matandang leproso na sugatan
na’y parang lumpo. Ito’y humingi nang pagkain upang gutom ay
pawiin. Ibinigay ni Don Juan ang kanyang natitirang baon sa
matandang gutom. Ang matanda’y nagtanong kung ano ang
pakay ng Ginoo at Don Jua’y sumagot na siya’y naghahanap ng
lunas sa mang may sakit at upang hanapin kapatid na unang
nautusan. Sa katuwaan ng matanda sa kabutihang taglay ni Don
Juan, ito’y binigyan niya ng payo na magpunta sa isang taong
nakatira sa dampa malapit sa punong tinitirhan ng Adarna at siya
ang magbibigay ng tulong sa Ginoo.
Matapos noon ay binalak sana ng matanda na isauli ang
tinapay sapagkat malyo pa ang lalakbayin ni Don Juan ngunit
ito’y tinanggihan nito at sinabing hindi kaaya-aya ang
biyayang naipagkawanggawa na bawiin. Noon din ito’y
nagpasalamt muli at nagpatuloy na sa paglalakbay.
Narating ni Don Juan ang Tabor na kabundukan.
Natambad sa kanyang mata ang tahanan ng Adarna. Siya’y
nabighani sa ganda ngunit kanyang naalala ang sabi ng
matanda.siya’y pumaroon at nakita ang ermitanyong mabait.
Siya’y pinakai’t pinainom at laking pagtataka na tinapay na
ibinigay ay naroroon.
Siya’y binigyan ng ermitanyo ng payo at tulong matapos
kumain. Binigyan siya ng sintas na pantali sa Adarna, labaha at
pitong dayap upang hindi siya matalo ng Engkantada at
banga na dapat punuin ng tubig at ibuhos sa dalawang bato
at mabuhay ang kapatid niyang mahal. Pitong kanta kasabay
ng pitong pagpapalit ng kulay ng Adarna. Sa bawat kanta
sugat sa palad ang natatamo at pinipigaan ng isang dayap
upang malabanan ang gandang tinig na pampatulog ng
Adarna. Ang ibon ay nagbawas at ito’y nailagan niya.
Dahan-dahang umakyat si Don Juan at di naglaon ibon
ay nahuli. Kanya ng ibinuhos ang mahiwagang tubig at
nabuhay na muli kapatid na iniibig.
Sa kanilang pagsasaya kanilang naalala amng
naghihintay sa lunas niya. Nagmadali silang pumunta sa
ermitanya sa dampa at sila’y pinakain upang may lakas sa
paglalakbay pauwi sa tahanan at kaharian ng Berbanya.
Matapos yaon sila’y nagpaalam na at naglakbay nag muli
pauwi dala ang Adarnang lunas sa amang mahal nila.
“CAHATOLAN”
(SA PAGLAGAY SA ESTADO)

ISANG SACERDOTE CAY URBANA

Urbana: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailangan nang mga


cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacremento nang Matrimonia.
Minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang manga
santong hatol na sinipi co sa isang libro. Dito sinaysay ang manga bagay na
quinacailangan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran at
pagcacasundo ng esposo,t, esposa.
Ang unang-una, i cailangan na ang esposo,t, esposa,t, magcaparis nang uri at
caugalian. Ana icalaua, i, ang pagiibigan. Ang itcatlo, i, ang pagibig ay malagay
sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. Ang icalima, i,
ang babae ay hoag mapacalubha nang yaman sa lalaqui. Ang icaanim, ang
edad ay magcaparis. Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin
ay caiguihan lamang at huwag lumabis. Ang icaualo, i, capoua mauilihan sa
catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag
maibiguin sa sugal na baual at malakas. Ang icasampo ay huag maramot at huag
naman sambulat. Ang icalabing isa, i, capua banal at may takot sa Diyos. Ang
ikalabing dalaua, i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang ikalabing
tatlo, i, matanguihin sa pagmamariquit. Ang ikalabing apat ay loob na timtiman at
mapagmatiis nang hirap.

You might also like