You are on page 1of 10

Balik Aral

Basahin ang mga pangungusap sa loob ng bandila.

• Makiisa sa pagdiriwang ng “Araw ng


Kalayaan “ sa inyong bayan.

• Mabuhay ang ating bansang Malaya!

• Isinuko ng Espana ang Pilipinas sa United


States , sa 1898 Kasunduan sa Paris.

• Kailan idiniklara ni Emilio Aguinaldo ang “


Kalayaan ng Pilipinas?”
• Ang pangungusap ay may ibat-ibang uri
ayon sa gamit. Ting nan at suriin ang mga
salitang ginamit.
• Ilang pangungusap mayroon sa watawat?
• Ilang uri ng pangungusap ang nabasa
nyo?
• Tulad ng nasabi natin sa taas o unahan,
anong uri ng pangungusap ang
nababatay sa gamit nito?
Layunin

Ngayong araw na ito pag-aralan natin


ang mga uri na pangungusap ayon sa
gamit nito.
Apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:
1. Pasalaysay – Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman.
Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Isinuko ng bansang Espana ang Pilipinas sa
America sa 1898 Treaty of Paris.
2. Patanong – Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan.
Nagtatapos sa tandang pananong (?)
Halimbawa:Alam mo ba ang kasaysayan ng pagdiriwang ng
ating Araw ng Kalayaan?
3. Pautos – Nag-uutos o nakikiusap ito. Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Makiisa sa pagdiriwang ng ating kalayaan.
4. Padamdam – Nagsasaad ito ng matingding damdamin tulad
ng tuwa, lungkot, pagkagulat, at iba pa. Nagtatapos sa
tandang pandamdam (!)
Halimbawa: Mabuhay ang ating bansang malaya!
Pagpapangkat-pangkat:
Paglalahat
Ang apat na uri ng pangungusap ay
ang pasalaysay, patanong, pautos, at
padamdam. Ano ba ang kahulugan
ng mga ito at sa anong bantas ito
nagtatapos?
Ipahayag sa ibat ibang paraan ang mga
pangungusap.

Pasalaysay: Magandang mamasyal sa ibang


bansa.
Patanong: Maganda bang mamasyal sa
ibang bansa?
Padamdam: Wow! Ang gandang mamasyal
sa ibang bansa.
Pautos: Mamasyal tayo sa ibang bansa.
Pagtataya
Isulat kung ang pangungusap ay pasalaysay, patanong,
pautos o padamdam.
_________1. Ang yaman ng PIlipinas ay nasa kabataang
nagsisikap mag aral upang ang bayan ay mapaunlad.
_________2. Tumulong ka sa iyong mga magulang.
_________3. May maganda ba tayong bukas kung tayoy
mag-aaral?
_________4. Tigil! Bawal dumaan diyan!
Takdang Aralin
Sumulat ng tig-dadalawang pangungusap
base sa apat na uri ng pangungusap;
Pasalaysay, Patanong, Pautos, at
Padamdam.

You might also like