You are on page 1of 17

ARALIN 7:

MGA ORGANISASYON
NG NEGOSYO
PRESENTED BY:

DAPHNE MAE TACBAD


GERLYN FRIZZEL TACSAY
PRECIOUS KEITH TIABA
MARCO ALESSANDRO YUSON
ANO NGA BA ANG NEGOSYO?
- ANG NEGOSYO AY
TUMUTUKOY SA
ANUMANG GAWAING
PANG-EKONOMIYA NA
MAY LAYUNING
KUMITA O TUMUBO.
APAT NA URI NG ORGANISASYON
NG NEGOSYO

1) SOLE PROPRIETORSHIP
2) PARTNERSHIP
3) CORPORATION
4) COOPERATIVE
SOLE PROPRIETORSHIP
- NEGOSYO NA PAG-AARI
AT PINAMAMAHALAAN NG
ISANG TAO.
- ANG MAY – ARI AY
TINATAWAG NA SOLE
PROPRIETOR O SOLE
TRADER
- ANG LAHAT NG KITA AT
PAGKALUGI AY TANGING
SA KANIYA LAMANG
SOLE PROPRIETORSHIP
- ANG KAKAYAHAN NG
MALILIIT NA NEGOSYO NA
UMUUNLAD AY
NAKADEPENDE SA
KAKAYAHAN NG SOLE
PROPRIETOR
- ANG PAPEL NG SOLE
PROPRIETOR AY ANG
MAGBIGAY NG HANAPBUHAY
SA MGA MAMAMAYAN SA
PAMAMAGITAN NG MALILIIT
NA NEGOSYO NA
MATATAGPUAN SA MGA
PAMAYANAN
PARTNERSHIP
- ISANG ORGANISASYONG
BINUBUO NG DALAWA O HIGIT
PANG INDIBIDWAL NA
NAGKASUNDO AT SUMASANG-
AYONG PAGHATIAN ANG MGA
KITA AT PAGKALUGI SA
PAGTATAYO NG ISANG
NEGOSYO.
- ANG MGA KASAPI SA ISANG
PARTNERSHIP AY TINATAWAG
NA PARTNERS
- MAY DALAWANG URI NG
MAG-PARTNER: GENERAL
PARTNER AT LIMITED PARTNER
GENERAL PARTNERS
- SA UNANG URI, ANG MGA
PARTNER AY PANTAY-PANTAY
NA PINANGANGASIWAAN ANG
ISANG NEGOSYO
SAMANTALANG ANG MGA
KASAPI AY MAYROON DING
PANTAY-PANTAY NA
PANANAGUTAN SA MGA
MAAARING MAGING
PAGKAKAUTANG AT
PAGKALUGI.
LIMITED PARTNERS
- ANG MGA PARTNER AY
MAAARING MAMUHUNAN
SUBALIT WALA SILANG
TUWIRANG PAKIKILAHOK SA
PANGANGASIWA
- MAGING SA PUHUNAN, ANG
TANGING PANANAGUTAN NG
LIMITED PARTNERS AY
NAKATUON LAMANG SA
HALAGA NA KANILANG
IBINIGAY NA PUHUNAN SA
NEGOSYO.
CORPORATION
- ANG PINAKAMASALIMUOT
NA ORGANISASYON NG
NEGOSYO
- KADALASAN, ITO ANG MAY
PINAKAMARAMING BILANG
NG MGA NAGMAMAY-ARI
- ITO AY MAY MGA LEGAL NA
KATAUHAN NA HIWALAY SA
KATAUHAN NG MGA TAONG
NAGMAMAY-ARI,
KUMOKONTROL, AT
NAGPAPATAKBO NG
KORPORASYON.
CORPORATION
- ITO AY MAAARING BUMILI
AT MAGBENTA NG MGA ARI-
ARIAN, PUMASOK SA MGA
KONTRATA, MAGSAMPA NG
KASO, AT NARARAPAT NA
MAGBAYAD NG BUWIS
- LIMITADO ANG
PANANAGUTAN NG MGA MAY-
ARI AT ANG PAGBIBIGAY NG
MGA BAHAGI O SHARES SA
ANYO NG MGA STOCKS AT
ANG PANANATILI NITO AY
ISANG MAHALAGANG BAGAY.
INCORPORATION
- ANG PROSESO NG PAGIGING
ISANG KORPORASYON AY
TINATAWAG NA INCORPORATION.
ITO AY NAGBIBIGAY SA
KOMPANAYA NG KATAYUANG
LEGAL NA HIWALAY SA
NAGMAMAY-ARI.
- NAGBIBIGYANG PROTEKSIYON
NITO ANG MGA NAGMAMAY-ARI
MULA SA MGA PANANAGUTAN.
- ANG KONDISYONG ITO AY
TINATAWAG NA LIMITADONG
PANANAGUTAN (LIMITED
LIABILITY
INCORPORATION
- SA PAMAMAGITAN NG
INCORPORATION, ANG MGA
MAY-ARI NG KORPORASYON AY
WALANG PANANAGUTAN SA
UTANG NG KOMPANYA.
- KUNG ANG KOMPANYA AY
MALUGI, ANG TANGING
MAWAWALA SA MAY-ARI AY
ANG SALAPI NA KANILANG
PINUHUNAN BILANG COMMON
STOCK
COOPERATIVE
- ISANG URI NG SAMAHAN NG MGA
NEGOSYANTE KUNG SAAN ANG
KOOPERATIBA NA BINUBUO NG
MGA KASAPI NA KARANIWAN NA
HINDI BABABASA 15 ANG
MIYEMBRO NA KABAHAGI SA
PUHUNAN AT TUBO
- PANGUNAHING LAYUNIN NITO
ANG MAKAPAGBILI O
MAKAPAGBIGAY NG MGA
PRODUKTO AT SERBISYO SA MGA
KASAPI SA PINAKAMABABANG
HALAGA
COOPERATIVE
- SA ISANG KOOPERATIBA,
KABAHAGI ANG MGA KASAPI SA
PAGTATATAG AT PAMAMALAKAD
NG SAMAHAN KAYA INTERESADO
SILANG MAGTULONG-TUONG SA
IKATATAGUMPAY NG KANILANG
SAMAHAN
- NAGAGANYAK DIN SILANG
MAGTIPON NG KARAGDAGANG
PUHUNAN SA PAGNANAIS NA
LUMAGO ANG NEGOSYO.
- HIGIT SA LAHAT, HINAHATI-HATI
NG PANTAY ANG
KAPAKINABANGAN NG SAMAHAN.
COOPERATIVE
- SA KABILANG DAKO, MALIIT ANG
TUBONG NATATANGGAP NG MGA
KASAPI SA SAPING-PUHUNANG
IPINASOK SA KOOPERATIBA DAHIL
NA RIN SA HINDI PANGUNAHING
LAYUNIN NITO ANG MAGKAROON
NG MALAKING TUBO.
- KULANG SA KAPITAL ANG ISANG
KOOPERATIBA.
- MALIIT LAMANG ANG SAPING
PUHUNAN NA INILALAGAY RITO
KUNG IHAHAMBING SA ISANG
KORPORASYON.
MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG!!!

You might also like