You are on page 1of 81

Aralin 7

KONSEPTO AT ANYO
NG GLOBALISASYON
NILALAMAN
1. KONSEPTO NG GLOBALISASYON
2. MGA PERSPEKTIBO AT PANANAW SA
GLOBALISASYON
3. ANYO NG GLOBALISASYON:
A. GLOBALISASYONG EKONOMIKO
B. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL
AT SOSYO-KULTURAL
C. GLOBALISASYONG PULITIKAL
4. HAMON NG GLOBALISASYON
KONSEPTO
NG
GLOBALISASYON
GLOBALISASYON
Ito ay proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig
ng daigdig (Ritzer, 2011).
GLOBALISASYON
Sinasalamin nito ang
makabagong mekanismo
upang higit na mapabilis ng
tao ang ugnayan sa bawat
isa.
GLOBALISASYON
Itinuturing din ito bilang
proseso ng interaksyon at
integrasyon sa pagitan ng
mga tao, kompanya, bansa
o
GLOBALISASYON
o maging ng mga samahang
pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya at impormasyon.
Kung ihahambing sa nagdaang
panahon, ang globalisasyon sa
kasalukuyan ayon kay
Friedman (2006) ay higit na
malawak, mabilis, mura, at
malalim
Higit na pinabilis ng pag-unlad
ng teknolohiya at mga
polisiyang ipinatupad sa
nagdaang mga taon ang
palitan ng mga kalakal at
serbisyo, pamumuhunan at
maging ng migrasyon.
MGA KATANUNGAN NA
MAKATUTULONG UPANG HIGIT NA
MAUNAWAAN ANG GLOBALISASYON
1. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na
dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets,
makina o produktong agrikultural
2. Sino-sinong tao ang tinutukoy rito?
Manggagawa ba tulad ng skilled workers at
propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o
caregiver
3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang
dumadaloy? Balita, scientific findings and
breakthroughs, entertainment o opinyon
4. Paano dumadaloy ang mga ito?
Kalakalan, Media o iba pang paraan?
5. Saan madalas nagmumula at saan
patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa
mauunlad na bansa patungong mahihirap
na bansa o ang kabaligtaran nito?
6. Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang
ito? Sino? United States, China, Germany,
Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas?
Sa kabuuan, ang globalisasyon ay
tinitingnan bilang isang pangmalawakang
intergrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang
prosesong pandaigdig. Ngunit hindi
nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon
sapagkat may mga pangyayaring
nakapagpapabagal dito tulad ng terorismo.
Gawain 1: Window Shopping
Pumili at maglista ng sampu (10) sa
mga produkto o serbisyong na
makikita sa isang sari-sari store,
grocery store o sa canteen na sa
iyong palagay ay makikita o
ipinagbibili rin sa ibang bansa. Isulat
ang mga ito sa talahanayan na
makikita sa susunod na slide.
Gawain 1: Window Shopping
PAGPAPAHALAGA

1. Maituturing nga bang isyu at


hamong panlipunan ang
globalisasyon? Ipaliwanag ang
iyong kasagutan.
2. Magbigay ng isang pangyayari o
pagkakataon na ang iyong
pamilya ay binabago ng
globalisasyon.
5 PERSPEKTIBO O
PANANAW TUNGKOL SA
KASAYSAYAN AT SIMULA
NG GLOBALISASYON
5 PERSPEKTIBO O
PANANAW TUNGKOL SA
KASAYSAYAN AT SIMULA
NG GLOBALISASYON
1. Ang globalisasyon ay nakaugat sa
bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda
(2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kanyang
makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at
maging adbenturero o manlalakbay.
2. Ang globalisasyon ay isang
mahabang cycle ng pagbabago. Ayon
kay Scholte (2005), maraming
globalisasyon ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang
kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring
magtapos sa hinaharap.
3. Ang globalisasyon ay
naniniwalang may anim na
wave o epoch o panahon na
siyang binigyang-diin ni Therborn
(2005).
4. Ang simula ng globalisasyon ay
mauugat sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa
kasaysayan. Sa katunayan,
posibleng maraming pinag-ugatan ang
globalisasyon.
5. Ang huling pananaw o perspektibo ay
nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng
ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong
naganap sa panahong ito ang sinasabing
may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon.
a. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang
global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
b. Paglitaw ng mga multinational at
transnational corporations
c. Pagbagsak ng Soviet Union at ang
pagtatapos ng Cold War
Gawain 2: Poster Making
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang
poster na nagpapakita ng malaking
pagbabago sa buhay ng mga Pilipino
bunga ng globalisasyon. Ang gawain ay
bibigyan ng marka batay sa sumusunod na
rubrik ng pagmamarka.

1. Kaugnayan sa Paksa - 10
2. Mensahe - 6
3. Pagkamalikhain – 4
KABUUAN: 20 puntos
PAGPAPAHALAGA

Mula sa mga pangyayaring


binanggit, sa iyong palagay ano
ang naging dahilan ng
pagsisimula ng globalisasyon?
Pangatuwiranan?
ANYO NG GLOBALISASYON:
GLOBALISASYONG
EKONOMIKO
QUOTATION ANALYSIS

“Ang globalisasyon ang


pinakamalaking pangyayari sa
ekonomiya sa ating
kapanahunan. Nagbibigay ito
ngayon ng walang-kaparis na
mga oportunidad sa bilyun-
bilyong tao sa buong mundo”

--- MARTIN WOLF


MANIPESTASYON NG
GLOBALISASYON
MULTINATIONAL COMPANIES (MNCs)
Ang MNC ay ang pangkalahatang
katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang
bansa ngunit ang mga produkto o
serbisyong ipinagbibili ay hindi
nakabatay sa pangangailangang lokal
ng pamilihan.
MULTINATIONAL COMPANIES (MNCs)
Halimbawa: Unilever, Proctor &
Gamble, Mc Donald’s, Coca-
Cola, Google, UBER,
Starbucks, Seven-Eleven,
Toyota Motor, Dutch Shell, at
iba pa.
TRANSNATIONAL COMPANIES (TNCs)
Ang TNC ay tumutukoy sa mga
kompanya o negosyong
nagtatatag ng pasilidad sa
ibang bansa. Ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay
sa pangangailangang lokal..
TRANSNATIONAL COMPANIES (TNCs)
Binibigyang kalayaan na
magdesisyon, magsaliksik, at
magbenta ang mga yunit na ito ayon
na rin sa hinihingi ng kanilang
pamilihang lokal. Halimbawa: Shell,
Accenture, TELUS International Phils.,
Glaxo-Smith Klein (halimbawang
produkto ay sensodyne) at Nestle.
Ang kinita ng 10 pinakamalalaking
korporasyon sa buong mundo sa
taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng
180 bansa. Tinukoy din sa nasabing
ulat na ang yaman ng nangungunang
8 bilyonaryo ay katumbas ng
pinagsama-samang yaman ng 3.6
bilyong tao sa daigdig! (Oxfam
International, 2017)
Ayon sa International Monetary Fund (IMF)
Kompanya Kita Bansa GDP
Yahoo $6.32 billion Mongolia $6.13 billion
Visa $8.07 billion Zimbabwe $7.47 billion
eBay's $9.16 billion Madagascar $8.35 billion
Nike $19.16 billion Paraguay $18.48 billion
McDonald $24.07 billion Latvia $24.05 billion
Amazon $32.16 billion Kenya $32.16 billion
Pepsi $57.83 billion Oman $55.62 billion
Ford $128.95 billion Morocco $103.48 billion
GE $151.63 billion New Zealand $140.43 billion
Walmart $482 billion Norway $414.46 billion
Ilan sa mga MNCs at TNCs sa
Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-
aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee,
Universal Robina Corp., Unilab,
International Container Terminal
Services Inc. at San Miguel Corp.

Top Filipino firms building Asean empires in


Philippine Daily Inquirer (Pebrero 9, 2017)
OUTSOURCING
Tumutukoy ito sa pagkuha ng
isang kompanya ng serbisyo
mula sa isang kompanya na
may kaukulang bayad.
OUTSOURCING
Pangunahing layunin nito na
mapagaan ang gawain ng isang
kompanya upang mapagtuunan
nila ng pansin ang higit na
mahalagang bagay
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
IBINIBIGAY NA SERBISYO
 Business Process Outsourcing
(BPO)
tumutugon sa prosesong
pangnegosyo ng isang kompanya.
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
IBINIBIGAY NA SERBISYO
.
 Knowledge Process Outsourcing
(KPO)
nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng
kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik,
pagsusuri ng impormasyon at serbisyong
legal.
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
LAYO O DISTANSYA
 Offshoring - Pagkuha ng
serbisyo ng isang kompanya
mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang
bayad
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
LAYO O DISTANSYA
Nearshoring - Tumutukoy sa
pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na
bansa.
URI NG OUTSOURCING BATAY SA
LAYO O DISTANSYA
 Onshoring - Tinatawag ding
domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula
din sa loob ng bansa na nagbubunga
ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.
Top 100 Outsourcing Destinations for
2016

Manila (2nd) Iloilo City (90th


Cebu City (7th) Dumaguete City (93rd)
Davao City (66th) Baguio City (94th)
Sta. Rosa City (81st) Metro Clark (97th)
Bacolod City (85th)
OFW BILANG MANIPESTASYON
NG GLOBALISASYON
Ang mga Overseas Filipino
Workers (OFW) ay mga
manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan upang
magtrabaho o maghanapbuhay
OFW BILANG MANIPESTASYON
NG GLOBALISASYON
Sa katunayan, malaking bahagdan ng
manggagawang Pilipino ay
matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
daigdig partikular sa Timog-kanlurang
Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia,
United Arab Emirates at Silangang
Asya tulad ng South Korea,Japan,
Taiwan, Hongkong at China.
ANYO NG GLOBALISASYON:
GLOBALISASYONG
TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
Balik Aral
Venn Diagram
MNCs at TNCs
Mabilis na tinangkilik ng mga
mamamayan sa developing
countries ang pagggamit ng
cellular phones o mobile phone na
nagsimula sa mauunlad na bansa.
Partikular dito ang mga bansa
tulad ng Pilipinas, Bangladesh at
India.
MGA MABUBUTING EPEKTO NG TEKNOLOHIYA
SA PAMUMUHAY NG MGA TAO

1. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa


pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.
2. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi
ng tulong sa panahon ng
pangangailangan tulad ng kalamidad.
3. Mabilis na transaksiyon sa pagitan ng
mga tao.
MGA MABUBUTING EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO

4. Bunga ng computer at internet,


Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga
kompanya, pag-alam sa resulta ng
pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan,
pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili
ng produkto at serbisyo na mas kilala sa
tawag na e-commerce.
MGA PAGBABAGO SA PAMUMUHAY NG MGA
TAO BUNGA NG TEKNOLOHIYA

5. Mabilis na pagdaloy ng mga ideya at


konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng
mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized
form.
6. Mabilis na pagtangkilik sa mga ideyang
nagmumula sa ibang bansa partikular ang
mga nagmumula sa Korea, Japan at United
States.
MGA MABUBUTING EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO
7. Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga
social networking sites tulad ng facebook,
twitter, instagram at Myspace ay ang
pagbibigay kakanyahan sa mga
ordinaryong mamamayan na ipahayag ang
kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o
usapin.
MGA MABUBUTING EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO
8. Aktibo nang nakikibahagi ang mga
netizen sa mga usaping lubos na
nakakaapekto sa kanila.
9. Bunga ng internet, ginagamit ng marami
ang mga ito upang maipakita nila ang
talento at talino sa paglikha ng mga music
videos, documentaries at iba’t ibang digital
art forms.
MGA MABUBUTING EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO
10. Sa kasalukuyan, maituturing ng
prosumers ang mga tao na
nangangahulugan ng pagkonsumo ng isang
bagay o ideya habang nagpo-produce ng
bagong ideya.
MGA MASASAMANG EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO
1. Kaakibat din nito ay mga suliraning
may kinalaman sa pagkalat ng iba’t
ibang uri ng computer viruses at
spam na sumisira ng electronic files
at minsan ay nagiging sanhi ng
pagkalugi ng mga namumuhunan.
MGA MASASAMANG EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO

2. Bukod dito nagkakaroon din ng


mga pagkakataon na makagawa
ng intellectual dishonesty dahil sa
madaling pag-copy and paste ng
mga impormasyon mula sa
internet.
MGA MASASAMANG EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA SA PAMUMUHAY NG MGA TAO
3. Umusbong ang isyu ng
pambansang seguridad. Ginagamit ng
ilang mga terorista at masasamang
loob ang internet bilang kasangkapan
sa pagpapalaganap ng takot at
karahasan sa mga target nito.
ANYO NG GLOBALISASYON:
GLOBALISASYONG PULITIKAL
GLOBALISYONG PULITIKAL
Globalisasyong politikal na maituturing
ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng
mga bansa, samahang rehiyunal at
maging ng pandaigdigang
organisasyon na kinakatawan ng kani-
kanilang pamahalaan.
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
1.Ang mga kasunduang
bilateral at multilateral sa
pagitan ng mga bansa ay
nagbigay daan sa epektibo at
episyenteng ugnayan ng mga
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
. bansa na nagdulot naman ng

mabilis na palitan ng mga


produkto, ideya, kahusayang
teknikal at maging ng
migrasyon ng kani-kanilang
mamamayan
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
2. Ang ugnayang diplomatiko ng
Pilipinas sa Australia, China,
Japan, South Korea, Thailand, US
at iba pang mga bansa ay nagdala
ng mga oportunidad pang-
ekonomiko at pangkultural sa
magkabilang panig.
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
3. Kasalukuyang pinaghahandaan
ng mga bansang kaanib nito ang
ASEAN Integration sa taong 2030
na naglalayong mapaigting ang
koordinasyon ng bawat isa upang
higit na maging
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
maayos ang pamumuhunan,
kalakalan, at pagtutulungang
politikal. Kaugnay sa
globalisasyong politikal ay ang
gampanin ng mga pandaigdigang
institusyon sa pamamahala ng
mga bansa.
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
4. May magandang dulot ang
globalisasyong politikal kung ang
layunin nito ay tulungan ang mga
bansa upang higit na
maisakatuparan ang mga
programa at proyektong
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
mag-aangat sa pamumuhay ng
mga mamamayan nito ngunit
maaari rin itong maging sagabal sa
pag-unlad ng isang bansa kung
ang kanilang interes ang bibigyang
pansin.
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
5. Naitatag ang mga samahang
pandaigdig tulad ng United Nations
(UN) (1945), World Health
Organization (WHO) (1948),
Organization of Petroleum
Exporting Countries (OPEC)
(1960),
EPEKTO NG
GLOBALISYONG PULITIKAL
Association of South-East Asian
Nations (ASEAN) (1967),
European Union (EU) (1993),
World Trade Organization (WTO)
(1995) at Asia-Pacific Economic
Cooperation (APEC) (1995).
Gawain 6: TIMBANGIN MO!
Timbangin ang kabuuang epekto ng
globalisyong pulitikal sa ating bansa.
Isulat ito sa loob ng kahon sa ibaba.

MABUTI MASAMA
HAMON NG
GLOBALISASYON
GUARDED GLOBALIZATION
Pakikialam ng pamahalaan sa
kalakalang panlabas na naglalayong
hikayatin ang mga lokal na
namumuhunan at bigyang-proteksiyon
ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking
dayuhang negosyante.
GUARDED GLOBALIZATION
Halimbawang polisiya:
a. Pagpataw ng taripa o buwis sa
lahat ng produkto at serbisyong
nagmumula sa ibang bansa.
b. Pagbibigay ng subsidiya(subsidies)
sa mga namumuhunang lokal.
PATAS O PANTAY NA
KALAKALAN (FAIR TRADE)
Ito ay tumutukoy sa pangangalaga
sa panlipunan, pang-ekonomiko at
pampolitikal na kalagayan ng
maliliit na namumuhunan.
Nangangahulugan din ng higit na
moral at patas na pang-
ekonomiyang sistema sa daigdig.
PATAS O PANTAY NA
KALAKALAN (FAIR TRADE)
Layunin nito na mapanatili ang
tamang presyo ng mga
produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na
negosasyon sa pagitan ng mga
bumibili at nagbibili.
BOTTOM BILLION
Binigyang-diin ni Collier (2007) na
kung mayroon mang dapat bigyang-
pansin sa suliraning pang-
ekonomiyang kinahaharap ang
daigdig, ito ay ang isang bilyong
pinakamahihirap mula sa mga bansa
sa Asya lalo’t higit sa Africa. May
mahalagang papel ang mauunlad na
bansa sa pag-alalay sa tinaguriang
bottom billion.
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Ito ay ang pagtugon sa
mga pangangailangan
ng mga tao sa
kasalukuyan sa
paraang hindi
malalagay sa panganib
ang kalagayan at
pangangailangan ng
mga susunod pang
henerasyon.
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Nakapaloob dito ang 2 konsepto:
 Ang mga pangangailangan ng tao, lalo
na ang mga mahihirap, ang dapat
bigyan ng prayoridad
 Ang kalagayan ng ating lipunan at
kalikasan sa ngayon at kung matugunan
ng mga ito ang pangangailangan ng tao
sa kasalukuyan at sa hinaharap.
DI-MABUTING DULOT NG GLOBALISAYOND
Gawain 7: DECISION DIAGRAM
MABUTING DULOT NG GLOBALISAYON

You might also like