You are on page 1of 64

MIGRASYON

MIGRASYON
 ITOAY ANG PAGLIPAT
NG TAO MULA SA ISANG
POOK PATUNGO SA
IBANG POOK UPANG
DOON MANIRAHAN
NANG PANADALIAN O
PANGMATAGALAN
 AYON SA COMMISSION ON FILIPINOS
OVERSEAS/DIASPORA, MAY TINATAYANG 10.2
MILYONG MGA PILIPINO NOONG 2013 ANG
NANIRAHAN SA IBA’T- IBANG BANSA.

 SALOOB NAMAN NG PILIPINAS,


NAKATATANGGAP NG PINAKAMARAMING
MIGRANTENG PILIPINO ANG MALAKING
LUNGSOD, LALO NA SA KALAKHANG MAYNILA.
ANO ANG MGA DAHILAN KUNG
BAKIT MARAMING PILIPINO ANG
NANGINGIBANG POOK AT BANSA?
HANAPBUHAY NA
MAKAPAGBIBIGAY
NG MALAKING KITA
NA INAASAHANG
MAGHAHATID NG
MASAGANANG
PAMUMUHAY
PAGHAHANAP
NG LIGTAS NA
TIRAHAN
KALAMIDAD
PANGHIHIKAYAT
NG MGA
KAPAMILYA O
KAMAG-ANAK NA
MATAGAL NANG
NANINIRAHAN SA
IBANG BANSA
PAG-AARAL O
PAGKUHA NG MGA
TEKNIKAL NA
KAALAMAN
PARTIKULAR SA
MGA BANSANG
INDUSTRIYALISADO
FLOW
-AY TUMUTUKOY SA DAMI O BILANG NG MGA
NANDARAYUHANG PUMAPASOK SA ISANG
BANSA SA ISANG TAKDANG PANAHON NA
KADALASAN AY KADA TAON. MADALAS
DITONG GAMITIN ANG MGA SALITANG
INFLOW, ENTRIES OR IMMIGRATION.
-KASAMA DIN DITO ANG BILANG NG MGA
TAONG UMAALIS O LUMALABAS NG BANSA
NA MADALAS TUKUYIN BILANG EMIGRATION,
DEPARTURES OR OUTFLOWS.
-KAPAG IBINAWAS ANG BILANG NG UMALIS
SA BILANG NG PUMASOK NAKUKUHA ANG
TINATAWAG NA NET MIGRATION
STOCK
-AY ANG BILANG NG
NANDAYUHAN NA NANINIRAHAN
O NANANATILI SA BANSANG
NILIPATAN.
-MAHALAGA ANG FLOW SA PAG-
UNAWA SA TREND O DALOY NG
PAGLIPAT O MOBILITY NG MGA
TAO HABANG ANG STOCK NAMAN
AY MAKATUTULONG SA PAGSUSURI
SA MATAGALANG EPEKTO NG
MIGRASYON SA ISANG
POPULASYON.
ALAM MO BA NA …..
 ANG ARMM AY ISA SA MGA
PINAKAMAHIRAP NA REHIYON
SA BUONG PILIPINAS.
 ITO
RIN ANG NAKAKARANAS
NG MARAMING TAONG
LUMILIPAT NG TIRAHAN
UPANG MAKAHANAP NG
PANUSTOS SA PANG ARAW-
ARAW NA
PANGANGAILANGAN.
Mga datos at impormasyon na nailahad tungkol
sa naging pandarayuhan ng mga
manggagawa sa buong mundo.

• Tinatayang 232 milyong katao ang


nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang
3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
 • Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay
kababaihan na halos dumarami pa para
maghanapbuhay.
• Karamihan ng mga nandarayuhan ay
naghahanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90
porsiyento ay mga manggagawa kasama ang
kanilang mga pamilya.
 • Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang
pinaka malaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa.
 • Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa
edad 15 - 24.
EPEKTO NG MIGRASYONG PANLOOB SA
PILIPINAS
MABUTI DI MABUTI
 NAGKAKAROON NG  LABIS NA DAMI NG TAO SA IISANG
PANUSTOS SA PANG ARAW- LUGAR AT NAGSISISKIP ANG MGA
ARAW NA TAO SA LUNGSOD.
PANGANGAILANGAN ANG  NAHIHIRAPAN ANG GOBYERNO
ISANG TAONG NA MAGBIGAY NG SERBISYO SA
MAKAHAHANAP NG DUMARAMING BILANG NG TAO SA
LUNGSOD
HANAPBUHAY SA KANYANG
PAGLIPAT NG LUGAR  KAKULANGAN NG SAPAT NA
TRABAHO
EPEKTO NG MIGRASYON SA EKONOMIYA

AYON SA BANGKO SENTRAL NG


PILIPINAS, MALAKI ANG NAITUTULONG
NG REMITTANCES
NG OFWS SA PAGLAGO NG
EKONOMIYA NG BANSA
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARAPATANG
PANTAO

 PAGSASAKRIPISYO NG MGA FILIPINO OFW


 PANG-ABUSO NG MGA RECRUITMENT AGENCY
 ILLEGAL RECRUITER
 NAGIGING BIKTIMA NG INTERNATIONAL
SYNDICATE O ORGANIZED CRIME SYNDICATE
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARAPATANG
PANTAO

PAGSASAKRIPISYO
NG MGA FILIPINO
OFW
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARAPATANG
PANTAO

PANG-ABUSO NG
MGA
RECRUITMENT
AGENCY
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARAPATANG
PANTAO

ILLEGAL
RECRUITER
EPEKTO NG MIGRASYON SA KARAPATANG
PANTAO

NAGIGING
BIKTIMA NG
INTERNATIONAL
SYNDICATE O
ORGANIZED
CRIME SYNDICATE
EPEKTO NG MIGRASYON SA EDUKASYON

MALAKING DEMAND PARA SA MGA


SKILLED WORKERS AT MGA PROPESYUNAL.
MARAMING KABATAANG ANG
NAHIHIKAYAT NA KUMUHA NG KURSO
TULAD NG ENGINEERING, MARINE
TRANSPORTATION, MARINE ENGINEERING
ATBP. DAHIL MATAAS ANG DEMAND.
EPEKTO NG MIGRASYON SA POLITIKA
POEA – Philippine Overseas Employment
Administration
R.A. NO. 9189 O ABSENTEE VOTING ACT OF
2003
R.A. NO. 8042 O MIGRANT WORKER AND
OTHER FILIPINOS ACT OF 1995 UPANG
LALONG MAPROTEKTAHAN ANG MGA
MIGRANTENG OFW
MIGRASYON: PERSPEKTIBO AT
PANANAW
GLOBALISASYON NG MIGRASYON
>Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at
naaapektuhan ng migrasyon.

>Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad


ng Australia, New Zealand, Canada, Saudi Arabia, UAE,
Italy, United Kingdom, Singapore at United States ay
patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito.

>Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga


bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON

>Ang kapal o dami ng mga


nandarayuhan ay patuloy ang
pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng
daigdig.

>Malaki ang implikasiyon nito sa


mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong
bansa
PAGKAKAIBA-IBA NG URI NG MIGRASYON

>Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang


nararanasan ng halos lahat ng mga bansang
nakapaloob sa usaping ito.

>May mga bansang nakararanas ng labour


migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.

>Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na


irregular, temporary at permanent migrants.
IRREGULAR MIGRANTS

AY ANG MGA
MAMAMAYAN NA
NAGTUNGO SA IBANG
BANSA NA HINDI
DOKUMENTADO,
WALANG PERMIT PARA
MAGTRABAHO AT
SINASABING
OVERSTAYING SA
BANSANG PINUNTAHAN
TEMPORARY MIGRANTS
TAWAG SA MGA MAMAMAYAN
NA NAGTUNGO SA IBANG BANSA
NA MAY KAUKULANG PERMISO AT
PAPELES UPANG MAGTRABAHO
AT MANIRAHAN NANG MAY
TAKDANG PANAHON.. ANG ILAN
SA HALIMBAWA NITO AY MGA
FOREIGN STUDENTS NA NAG
AARAL SA BANSA AT MGA
NEGOSYANTE NA MAAARI
LAMANG MANIRAHAN
PANSAMANTALA NG ANIM (6) NA
BUWAN.
PERMANENT MIGRANTS
AY MGA OVERSEAS FILIPINOS
NA ANG LAYUNIN SA
PAGTUNGO SA IBANG BANSA
AY HINDI LAMANG TRABAHO
KUNDI ANG PERMANENTENG
PANINIRAHAN SA PINILING
BANSA KAYA NAMAN
KALAKIP DITO ANG
PAGPAPALIT NG
PAGKAMAMAMAYAN O
CITIZENSHIP.
PAGTURING SA MIGRASYON BILANG ISYUNG
POLITIKAL

>Malaki ang naging implikasyong politikal ng


migrasyon sa mga bansang nakararanas nito.

>Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang


bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya
tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
PAGLAGANAP NG ‘MIGRATION TRANSITION’

>Ang migration transition ay nagaganap kapag ang


nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng
mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang
bansa.

> Partikular dito ang nararanasan ng South Korea,


Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Republic at Turkey.
PEMINISASYON NG MIGRASYON
>Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang
labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga
lalaki.

>Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang


ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng
Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya
at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito
PEMINISASYON NG MIGRASYON
>Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng
konseptong “house husband” kung saan
inaako na ng lalaki ang lahat ng
responsibilidad sa tahanan pati ang gawain
ng isang ina (kung ang ina ang nangibang
bayan o bansa) upang mapangalagaan
ang buong pamilya lalo na ang mga anak.

>Hindi ito marahil nakakaapekto sa


kalagayang panlipunan ng mga lalaki at
unti unti nang natanggap ng lipunan sa
kadahilanan na mas tinatanggap na
dahilan ay upang mapaunlad at maiangat
ang katayuan ng kani-kanilang pamilya
 Mahalagang banggitin na maraming bansa ang
nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga
kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng
bansa na nais nilang puntahan. Halimbawa na lang
ang bansang Bangladesh na nagpanukala ng tamang
edad ng mga babaeng manggagawa, pagbabawal sa
pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang
maiwasan ang mga undocumented workers na laganap
sa ibat ibang panig ng mundo. Sa bansang Nepal
nagkaroon din ng panukala na ang lahat ng
employer o recruitment agency ay dapat na
magkaroon ng approval permit mula sa kanilang
embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker
upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan
at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang
bansa.
AYON SA TALA NG INTERNATIONAL LABOR
ORGANIZATION:
 - HALOS 21 MILYONG TAO ANG BIKTIMA NG FORCED LABOR, 11.4
MILYON DITO AY MGA KABABAIHAN AT 9.5 MILYON NAMAN AY
MGA KALALAKIHAN
 - UMABOT SA 19 NA MILYON ANG BIKTIMA NG EKSPLOYTASYON
NG PRIBADONG INDIBIDUWAL AT MGA KOMPANYA AT LAGPAS SA
DALAWANG MILYON NAMAN NG MGA REBELDENG GRUPO
 - SA MGA BIKTIMA NG EKSPLOYTASYON, 4.5 MILYON AY BIKTIMA
NG EKSPLOYTASYONG SEKSWAL
 - NAKALILIKHA NG US$ 150 BILYONG ILLEGAL NA KITA ANG
FORCED LABOR TAON-TAON
 - MALIMIT NA MGA MIGRANT WORKERS AT INDIGENOUS PEOPLES
ANG NAGIGING BIKTIMA NG FORCED LABOR
Pag-angkop sa pamantayang internasyunal
 AngBologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula
sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na
University of Bologna kung saan nilagdaan ng
mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga
bansa sa Europe ang isang kasunduan na
naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang
bansa ay madaling matatanggap sa mga
bansang nakalagda rito kung siya man ay
nagnanais na lumipat dito.
 Ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989
ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng
mga international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
 Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering
courses sa bansang hindi accredited ay hindi
makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito
tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei,
Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New
Zealand, Singapore, South Africa, United Kingdom at
USA.
 Samakatuwid, ang engineering graduates sa
Pilipinas ay hindi itinuring na engineer sa mga
bansang nabanggit. Dahil sa mga kasunduang ito,
maraming mga Pilipinong propesyunal sa ibang
bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma
sa kanilang tinapos.
 Isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng
bilang ng taon sa basic education kaya naman
second class professionals ang tingin sa maraming
mga Pilipino. Kung ihahambing sa maraming
bansa, isa na lang ang Pilipinas sa may
pinakamaikling bilang ng taon ng basic education.
Bilang tugon ng pamahalaan ay
ipinatupad ang K to12 Kurikulum na
naglalayong iakma ang sistema ng
edukasyon sa ibang bansa. Inaasahan ng
repormang ito na maiangat ang
mababang kalidad ng edukasyon sa
bansa at matugunan ang suliranin sa
kawalan ng trabaho sa bansa.
ISIPIN AT TANDAAN

 MAYROONG MGA SALIK NG MIGRASYON NA TUMUTULAK AT


HUMIHILA; ANG MGA ITO AY MAKIKITA SA ASPEKTO NG EKONOMIYA,
LIPUNAN AT KAPALIGIRAN
 MARAMING MABUTI AT DI MABUTING EPEKTO ANG MIGRASYON SA
LIPUNAN, POLITIKA, AT KABUHAYAN NG ISANG BANSA.
 NAAPEKTUHAN NG MIGRASYON ANG UGNAYANG PANLABAS NG
PILIPINAS.
 MARAMING HAMON NA KINAKAHARAP NG MGA MIGRANTENG
PILIPINONG NAGTATRABAHO SA IBANG BANSA. KABILANG DITO ANG
MAPROTEKTAHAN ANG KANILANG KARAPATANG PANTAO. MAGING
LIGTAS SA ANUMANG GULO AT MABIGYAN NG SAPAT NA TULONG SA
MGA NASASAKDAL.
GLOSARYO
 Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon
 Iskemang Subcontracting - Ito ay pagkuha ng isang kompanya
sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
 Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula
sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging
ito man ay pansamantala o permanente.
 MNC- multinational corporations
 Mura at Flexible Labor - Ito ay paraan ng mga mamumuhunan
na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan
ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
 Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong
nakikilahok sa usaping panlipunan maging ito man ay politikal,
ekonomikal o sosyo-kultural gamit ang internet bilang midyum ng
pagpapahayag
 Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa
ibang kompanya na ang pangunahing dahilan ay mapagaan
ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na
magpapalaki ng kanilang kita.
 Perennial institutions - matatandang institusyong nananatili pa rin
sa kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at
paaralan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan
 PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng
Department of Labor and Employment o DOLE upang ilatag ang
mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa
nakalipas at sa mga susunod pa na mga taon.
 Prosumers - tawag sa taong kumokunsumo ng isang
produkto o serbisyo maging ito man ay bagay o ideya
habang nagpo-produce ng bagong ideya
 Subsidiya- tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng
lipunan sa anyong pinansyal at serbisyo.
 Self employed without any paid employee – tumutukoy sa
trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable
employment.
 TNC- transnational corporations
 Unpaid family labor – uri ng paggawa na nagaganap sa
pagitan ng mga miyembro na hindi palagian ang sahod o
sweldo (DOLE)

You might also like