You are on page 1of 29

Ako si KARAGATAN.

Ako
ang pinakamalaking
anyong tubig.
DAGAT naman ang tawag sa
akin. Isa rin akong malaking
anyong tubig. Maraming yamang
dagat ang nakukuha sa
kailaliman ko.
Ako si LOOK. Malapit ako sa
baybayin ng dagat. Kung tawagin
nila ako ay bisig o karugtong ng
karagatan. Maganda akong himpilan
ng mga sasakyang-pandagat.
Ako si ILOG.Bahagi ako
ng malaking lawa na
umaagos o dumadaloy.
LAWA ang tawag sa akin. Ako
ay maliit na anyong tubig ng
napaliligiran ng lupa.
Matabang ang aking tubig.
TALON ang tawag sa akin.
Ako’y tubig na bumabagsak
mula sa mataas na lugar
tulad ng bundok.
Ako si BUKAL. Nanggagaling ako sa
ilalim ng lupa. Kalimitang mainit na
tubig ang nagmumula sa akin.
Maraming katulad ko ang
matatagpuan sa lalawigan ng Laguna.
SAPA kung ako ay
tawagin. Mas maliit ako
kaysa ilog.
Isulat ang anyong tubig na tinutukoy sa
bawat bilang.
Paano natin maalagaan
at mapapanatiling
malinis ang mga
anyong tubig?
Anu-ano ang mga
halimbawa ng anyong
tubig?

Ilarawan ang mga ito.


Piliit ang letra ng tamang sagot.
1. Anyong tubig na napapaligiran ng
lupa.
2. Anyong tubig na nagmumula sa ilalim
ng lupa.
3. Ito ang pinakamalawak at
pinakamalalim na anyong tubig.
4. Ang tubig nito ay bumabagsak mula sa
mataas na lugar.
5. Ito ay anyong lupa na napapaligiran
ng tubig.
Takdang Aralin:
Gumuhit o magdikit ng
larawan ng iba’t-ibang
anyong tubig sa inyong
kuwaderno.

You might also like