You are on page 1of 31

baybayin

Ako ay isang malawak na anyong tubig na bahagyang napaliligiran


ng kalupaan. Nakakonekta ako sa karagatan.
dalampasigan
Ako ay lupa sa gilid ng malaking lawas ng tubig.
Puno ako ng buhangin at maliliit na bato.
kanyon
Nabuo ako sa pamamagitan ng umaagos na ilog na walang buhangin
o dumi. Napalilibutan ako ng matataas na mga bato.
kweba
Hungkag ako na lugar sa gilid ng burol o bangin.
Maaari rin akong nasa ilalim ng lupa.
bangin
Ako ay makitid na lambak na may matarik na gilid, karaniwang
bunga ng pag-agnas ng rumaragasang tubig
sabangan
Nabuo ako sa pamamagitan ng mga inipong putik at buhangin.
Matatagpuan ako sa bunganga ng ilog. Ako ay hugis tatsulok.
disyerto
Ako ay isang lugar na hindi nakararanas ng ulan nang halos buong
taon.
burol
Mas mababa ako kaysa sa bundok. Medyo mabilog ang aking hitsura.
pulo o isla
Ako ay anyong lupang napalilibutan ng katubigan.
istmo
Ako ay makitid na anyong lupang naghihiwalay sa dalawang anyong
tubig. Ipinagdurugtong ko rin ang dalawang malalaking anyong lupa
gubat
Ako ay isang malawak na lupang puno ng kakahuyan o punongkahoy
at karaniwang pinaninirahan ng mga halaman at hayop.
lawa
Ako ay anyong tubig na napaliligiran ng kalupaan.
bundok
Ako ang pinakamataas na anyong lupa. Higit na mas mataas ako
kaysa sa burol.

“Mt Apo” by WayPH.com is licensed under CC BY 2.0.


karagatan
Ako ang pinakamalaking anyong tubig. Maraming mga halaman at
hayop-dagat na nakatira sa akin. Napalilibutan ko ang 71% ng buong
mundo.
talampas
Ako ay isang patag na lupa sa mataas na lugar o bangin.
tangway
Ang malaking bahagi ng aking kalupaan ay nakausli at napaliligiran
ng katubigan.
kapatagan
Ako ay isang patag na kalupaang natatakpan ng kadamuhan.
sapa
Ako ay isang maliit na tubig-tabang. Mas maliit ako kaysa sa lawa.
ilog
Tubig-tabang akong umaagos na maaaring patungo sa karagatan,
lawa, sapa, o ibang ilog.
sand dune
Isa akong burol na gawa sa buhangin. Maaari akong makita sa
dalampasigan o disyerto.
kipot
Makitid akong anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang
malalaking anyong tubig.
lambak
Ako ay patag na mababang lupa sa pagitan ng dalawang bundok.
bulkan
Ako ay isang bundok na minsan ay nagbubuga ng lava at apoy.
talon
Ako ay isang anyong tubig na umaagos pababa mula sa mataas na
lugar tulad ng bangin.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI anyong
tubig?

a b

talon ilog

c d

karagatan kapatagan
Alin sa mga sumusunod ang anyong lupa?

a b

lawa sapa

c d

bundok ilog
Alin sa mga sumusunod ang nagbubuga ng
lava?

a b

bulkan bundok

c d

burol sabangan
Maikling Sagot:
Paano nagkakatulad ang bundok
at burol?
Maikling Sagot:
Paano nagkakatulad ang sapa at
lawa?

You might also like