You are on page 1of 15

MGA

ANYONG
LUPA
Ang kapatagan ay
mahaba, patag at malawak
na anyong lupa.
Ang bundok ay
itinuturing na
pinakamataas na
anyong lupa.
Ang lambak ay isang
mababang lugar sa pagitan ng
mga bundok o burol.
Karaniwan ay may ilog na
dumadaloy dito.
Ang burol ay lumalagpas sa taas
ng nakapalibot na kalupaan na
may limitadong sukat. Ito ay mas
maliit sa bundok.
Ang bulkan ay may bunganga o
butas sa tuktok. Kapag aktibo ang
bulkan, ito ay pumuputok at
nagbubuga ng kumukulong putik,
abo, usok, lahar, at malalaking bato.
Ang tangway ay isang
makitid at mahabang anyong
lupa na nakaungos sa dagat o
iba pang bahaging tubig.
MGA
ANYONG
TUBIG
Ang dagat ay malawak na
anyong tubig na karugtong
ng karagatan.
Ang golpo ay bahagi ng
karagatan na karaniwang
nasa bukana ng dagat.
Ang ilog ay mahaba at paliko-
likong anyong tubig na
tumutuloy sa dagat. Ang tubig
dito ay dumadaloy at hindi
maalat.
Ang lawa ay anyong tubig na
napaliligiran ng lupa. Ang
isang halimbawa nito ay ang
Laguna de Bay o Laguna
Lake.
Ang talon ay umaagos
mula sa mataas na lugar
katulad ng bundok.
Ang look ay bahagi ng dagat
na nakapaloob sa baybayin
nito. Dito dumadaong ang
mga barkong pampasahero at
pangkargamento.
Ang bukal ay anyong tubig
na nagmumula sa ilalim ng
lupa na karaniwang mainit
ang temperatura.

You might also like