You are on page 1of 25

ARALIN 8- PAGTITIMPI,

PINAHAHALAGAHANG UGALI

Layunin:Nakapagsasagawa nang may


mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan/pamantayan sa
pagtuklas sa katotohanan
DAY 1
Alamin Natin
m o bang
ara n asan u ks o ng
N
in o man aral?
h
tuksu mo mag-a
a
kapuw

a n ay
a w n a m so n g
u n g ik nutuk o
K
g in g ti kalaro g
pal g mga i ka ban
a
iyon ,madal ampo?
a klase magt
k nis o
m a i

u s ing
m as aing
n ng gaw o.
ka roo
m ga ing it
g a al
Ma suri s sa ar
u y
Pgs talaka
tina
Alamin Natin
SALLY, Batang Mapagtimpi
Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay
naghahanda ng isang palatuntunan upang ipakita
kung paano maipagmamalaki ang sariling wika.
Isang umaga,ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa
kaniyang mga mag-aaral na pangkat Rosas
angtungkol sa gaganaping dula-dulaan. “Mga
bata, magkakaroon tayo ng palatuntunan tungkol
sa pagpapahalaga sa sariling wika. Tayo ay
Magpapakita ng isang dula-dulaan.Pipili
Ako ng mga gaganap,” wika ng guro.
Tuwang-tuwa ang mga bata.Sabay-sabay
silang nagsabi ng kanilang interes para gumanap
Sa dula-dulaan. “Pwede po ba ako , Ma’am?
Maganda po ang boses ko. Maaari po akong
kumanta,”ang sabi ni Romeo. “ Ako po ay
marunong sumayaw,” sabi naman ni Haydee.
“Ma’am, sanay po akong sumulat ng script,” ang
Buong pagmamalaking sabi ni Roy. “ Lalo po ako,
nakababasa nang may damdamin,” dagdag ni
Rommel. Bb. Cruz, magaling po ako sa drama,”ang
sabi ni Sally.
Biglang may nagsalita na kaklase mula
Sa bandang likuran. “Ma’am,huwag po ninyong
piliin si Sally. Hindi po siya sanay magsalita
Ng Filipino.” Sabay-sabay na nagsipagsalita
Ang mga bata, “ Inglisera,Inglisera!!”
Sustung-gusto nang magalit ni Sally at
magbitiw ng masasakit na salita ngunit naalala niya
ang palaging tagubilin ng kaniyang mga
magulang.”Huwag kang maiiinis o magagalit kapag
ikaw ay tinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para
wala kang kaaway.” Kaya napag-isip-isip ni Sally na
dapat niyang gawin ang tamang bilin ng kaniyang
magulang.
Hindi nakatiis si bb. Cruz. Pinarangalan
niya ang mga mag-aaral. Sinabi niya na dapat
Pamarisan si Sally sapagkat siya ay naging
mapagtimpi. Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay
tuksuhin ng mga kamag-aral.
Saguti ang sumusunod:
1. Isa-isahin ang mga kaganapan s paaralan kung
bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa kwento.
2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa
kwento? Bakit?
3. Ano ang reaksyon ng mga kaklase sa naisin ni
Sally?
4. Papaano tinanggap ni Sally ang
pangyayari? Bakit?
5. Patunayan ang malaking tulong ng
nanay ni Sally sa kaniyang pag-uugali.
6. Ano ang ipinangaral ni bb. Cruz sa
kaniyang mga kamag-aaral?
7. Kung ikaw si Sally, ano ang iyong
gagawin kung tinutukso ka ng iyong
kaklase?
DAY 2
Isagawa Natin
Isagawa Natin
Gawain 1
Ibigay at ipahayag ang iyong reaksyon
Sa sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng
pagsulat ng sagot sa kwaderno:
1. Naglalaro ng holen sina Rudolf at Rey. Natalo si
Rey kaya siya ay nagsalita ng masama. Kung
ikaw si Rudolf, ano ang ang gagawin mo?
2. Pingbilinan ka ng iyong ina na huwag kang
makipagkaibigan sa batang mahilig makipag-
away. Ano ang iyong gagawin? Bakit?
3. Mayroon kayong ginagawang proyekto sa
MAPEH. Ang isa sa iyong kaklase na kasali sa
inyong pangkat ay hindi nakikiisa sa inyong
gawain.Nagkataon na ikaw ang lider ng
pangkat.Paano mo maipapakita ang iyong
pagtitimpi?
Isagawa Natin
Gawain 2
• Basahin at unawain ang
kasabihang

“Ang batang marunong magtimpi ay palaging


masaya at palangiti”
Pangkatang Gawain

Pangkat I Gagawa ng isang Mosaic Slogan ang


mgamag-aaral tungkol sa nasabing kasabihan
Pangkat II Gagawa ang mga mag-aaral ng isang
maikling debate tungkol sa isang pagiging
mapagtimpi
Pangkat III Magpapakita ng munting skit tungkol
sa batang marunong magtimpi.
Day 3
Isapuso Natin
Sa iyong kwaderno gumuhit ng kung palaging
ginagawa, kung minsan lang ginagawa at kung
hindi ginagawa ang ugaling pagiging mapagtimpi sa
sumusunod na sitwasyon:
_____1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob
ng silid-aralan.
_____2. Siningilan ka sa pila ng iyong kaklase
sa kantina.
_____3. Itinulak ka ng isa mong kalaro
dahil gusto niyang mauna sa pagkuha
ng tubig sa gripo/
_____4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong
kaklase.
____5.Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo.
Kompletuhin ang mga salitang makikita sa
kahon sa ibaba
Nasasaktan ako kasi
__________________________________
__________________________________
_______________________________
Nasisiyahan ako kasi
__________________________________
__________________________________
_______________________________
Nakapagtitimpi ako kasi
__________________________________
________________________________
Tandaan Natin
Ang Pagiging mapagtimpi
ay isang pinapahahalagahan
ugali na dapat isabuhay. Gaya ng ating mga
magulang, sila ay nagpapakita ng pagiging
mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Sa ating mga guro ay ganoon dn. Sa kabila ng mga
kaguluhan ,kakulitan, at pagiging pasaway ng mga
mag-aaral, iniiwasan nilang magalit. Nagtitimpi sila
dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral na
kailangan ang ugaling ito para sa magandang
Pakikisalamuha at pakikipagkapuwa-tao.
Naipakikita sa ugaling mapag-
Timpi ang pagmamahal na dapat sa isang tao.
Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa
pakikipag-away. Dahil hindi siya madaling magalit o
mainis,kinagigiliwan siya ng maram: sa
pamilya,paaralan o pamayanan.
Sa lahat ng pagkakataon,kailangan natin ang
magtimpi. Sa ganito, magiging positibo ang
pakikisalamuha natin sa kapuwa saan man tayo
tumungo.
Day 4
Isabuhay Natin
Ako
nila ito b
lan ilan
D g n g is
ma iyos a gin ang
ipa , pa awa
ma lalab ano ng
pag a k
miy tim s ang o
em pi s a
mb a b king
pam ro ng awat
ilya akin
? g
Ina
Ama

Lola at
Nakatatan- Lolo
dang
Kapatid
Nakababatang
Kapatid

Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Para sa


kanila ay kakayanin kong magtimpi sa abot ng
aking makakaya.
Day 5
Subukin Natin
Subukin Natin
Iguhit ang masayang mukha
kung ikaw ay kayang magtimpi at malungkot na
mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____1. Sunud-sunod ang utos ng aking ina. Kahit
madami akong ginagawa ay nasunod ako sa utos
niya.
_____2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat
na laruan s kwarto ng nakababata kong kapatid,
muli niyang itinapon ang mga ito sa aking harapan.
_____3. Naisasaayos ko ang mga gamit
Na naiwan ni ate sa loob ng silid
Tanggapan kahit may utos pa sa akin si Ama na
pakainin ang aming aso.
_____4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay
hindi ko siya iniintindi sapagkat marami akong
ginagawang takdang-aralin.
_____5. Punung-puno na ang aming
basurahan,inutusan ko ang aking nakababatang
kapatid para itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis
at tinakbuhan.
Ngayon natutuhan mo na
ang pagiging mapagtimpi.
Dapat mo itong ipagmalaki
at huwag ikahiya.Kaya mong
maging isang mapagtimping
mag-aaral. MAHUSAY KA!!!!
Ngayon maaari ka nang
tumungo sa susunod na
aralin…..

You might also like