You are on page 1of 6

Ang pangunahing hanapbuhay sa

Gitnang Luzon ay pagsasaka sapagkat


sagana ito sa mga produktong
agrikultural.
May malawak na kapatagan ang
rehiyong ito na pinanggagalingan
ng malaking produksyon ng bigas
kaya tinagurian itong Kamalig ng
Bigas ng Pilipinas.
Ang Gitnang Luzon ay
nagtataglay ng mga pangunahing
anyong tubig. Sa hilaga dumadaloy
ang Ilog Tarlac na malapit sa
Bulkang Pinatubo sa Zambales.
Ang Ilog Angat na nagmumula sa
Kabundukan ng Sierra Madre ay
dumadaloy sa mga bahagi ng
lalawigan ng Bulacan at nagtatapos
sa Look ng Maynila.
Sa Nueva Ecija matatagpuan ang
Lawa ng Pantabangan na
nagtutustos sa patubig sa mga
sakahan. Ito ay isa sa mga
pinakamalawak na lawa sa Timog-
Silangang Asya.
• 1.Pagsasaka
• 2.Kamalig ng Bigas ng Pilipinas
• 3. Gitnang Luzon
• 4. Sierra Madre
• 5. Nueva Ecija

You might also like