You are on page 1of 16

Session 2

 Mula sa kawalan ay nilikha ng Diyos ang


mundo.

 Inilalarawan sa unang kabanata ng aklat ng


Genesis kung papaano nilikha ang sanlibutan
sa pamamagitan ng Kanyang wika/salita.

 Nilikha ng Diyos ang mundo sa loob ng anim


(6) na araw at sa ika-pito (7), Siya ay
namahinga
 Kumuha ang Diyos ng alabok at Kanya itong
hiningahan. Ang tao ay nilalang ayon sa larawan
at pagkahalintulad sa Diyos.

 Ang tao ay mayroong


◦ kaluluwa (soul)
◦ katalinuhan (intellect)
◦ sariling kapasyahan (will).

 Ang tao ay kaisahan ng katawan at kaluluwa. Ang


layunin ng tao sa mundo ay makilala at mahalin
ang Diyos.
 Ang kasalanan ng unang mga magulang ay
pagsuway. Tinalikuran nila ang utos ng Diyos.
Tinalikuran nila ang pagmamahal ng Diyos. Ang
kasalanang ito ay nag-uugat sa kayabangan (pride) o
ang kagustuhang maging tulad o humigit pa sa
Diyos. Ang kasalanan o pagsuway sa Diyos ay ang
pagtanggi sa iniaalok na kalayaan at buhay na walang
hanggan kapiling ang Diyos. Sinisira ng kasalanan
ang ating pakikipag-ugnayan sa Kanya.

 Ang unang kasalanan nila Adan at Eba ay naipapasa


sa bawat salinlahi. Ang tawag dito ay kasalanang
mana o original sin. Kaya mayroong binyag upang
ang tao ay malinis mula sa kasalanang mana.
Panginoon, maawa ka
Panginoon, maawa ka

Kristo, maawa ka
Kristo, maawa ka sa amin.

Panginoon, maawa ka
Panginoon, maawa ka
Koro

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Verse 1

At sa lupa’y kapayapaan,
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi sa namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Koro

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Verse 2

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa ka, maawa ka, sa amin.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin
Koro

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Verse 3

Sapagkat ikaw lamang ang banal


at ang kataas-taasan
Ikaw lamang O Hesukristo
ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa
kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!
Ng Diyos Ama, Amen!
Koro

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Session 2

You might also like