You are on page 1of 19

Aralin 3

Ako si Jia Li, Isang ABC


“Sa pagsasalubong ng silangan at kanluran
Mga kultura’t tradisyon magkakaiba man
Maraming bagay ang natutuhan
Na sa pananaw at isipan, lalong
magpapayaman.”
ALAM MO BA?
Ang TSINA ay ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong
mundo, Batay sa huling tala ng United Nations noong Hunyo 17,2017,
umaabot na ang populasyon nito sa 1,387,993,964. Ang populasyon sa buong
mundo ay tinatanyang nasa 7.5 bilyon noong Abril 24, 2017. Halos 20% ng
mga tao sa buong mundo ay mga tsino, at nangangahulugang ang isa sa bawat
limang taong nabubuhay sa mundo ay mula sa bandang TSINA.

Maliban sa napakabilis sa paglago ng kanilang popuasyon, noong 1950, ang


kabuoang populasyon ng TSINA ay 563 milyon lamang kompara sa 1,388
bilyon sa taong 12017.

Ang ekonomiya ng TSINA ay naging pinakamabilis ding umunlad sa buong


mundo mula nang magsagawa sila ng mga repormang pang-ekonomiya noong
1978.
Ako si Jia Li, Isang ABC
Ang pahayagan na ito ay tungkol sa isang babae na nangangalan na si Jia
Li, labinlimang taong gulang at isang ABC. Ang ABC ay AMERICAN
BORN CHINESE kung tatawagin, ang karaniwang katawagn sa mga tulad
niyang may magulang na purong TSINO subalit ipinanganak at lumaki sa
America. American-Chinese ang tawag sa mga nakakarami.

Pero, paano nga ba ang buhay ng isang ABC? masasabing mapalad ang
isang batang lumaki sa america dahil nararanasan nila ang kultura ng
dalawang bansa. Pero katulad nalang sa sinabi sa akda na kapag nasa loob
na ng bahay si Jia Li, mandarin Chinese na ang salitang kanilang
ginagamit.
Ang Pamilya Wang sa Los Angeles,
California
Napakahalaga ang pamilya sa mga TSINO, hindi tulad ng
mga Americano (o’ kahit mga ibang lahi pa man) na gustong
mabuhay agad nang mag-isa pagsapit nila sa tamang edad,
ang mga TSINO ay hindi basta basta bumubukod sa aming
magulang kahit pa nga nag-asawa at may mga anak na.
Pangkaraniwan na lang sa mga TSINO na magkakasama sa
isang tirahan ang pamilya hanggang sa ikaapat na
henerasyon.
Si Wai Po at Ako
Maraming kultura at tradisyon ang mga TSINO. Isa sa mga ito ay ang kalagayan ng
kababaihan sa tradisyonal na kulturang TSINO kung saan ang mga lalaki ay
itinuturing na nakatataas kaysa sa mga babae. Tulad ng sinasabi sa aklat na “The
Mother of Mencius,” ang katungkulan ng isang babae ay manatili sa bahay para
magluto, mag-init ng alak, mag-alaga sa kanyang mga biyenan, manahi ng mga
kasuotan, at wala na! Kailangan niya ring sunding ang tatlong pagsunod tulad ng
unang pagsunod: Kapag siya’y bata pa, kailangan niyang sumunod sa mga
magulang; ikalawang pagsunod; kapag siya’y may-asawa na ay dapat siyang
sumunod sa kanyang asawa; at ang ikatlong pagsunod; kapay siya’y nabalo na ay
kailan niyang sumunod sa kanyang anak na lalaki. Dahil daw dito, maraming
kababaihan sa sinaunang TSINA ang ni hindi nakapipili ng kanilang
mapapangasawa dahil ang magulang ang pumipili at nakikipagkasundo sa
mapapangasawa ng kanilang anak na babae.
Ilang Paniniwala at Tradisyong Tsino
Mayaman ang TSINA sa paniniwala at tradisyong nagmula pa noong
unang panahon at patuloy na isinasagawa hanggang sa kasalukuyan.
Sinasabi pa na maraming TSINO ang sumusunod sa mga panuntunan ng
Feng Shui dahil ito raw ay gabay para maisaayos ang pamumuhay nang
naaayon sa limang elemento ng kalikasan; ang kahoy, apoy, lupa, metal,
at tubig. Makatutulong daw ito sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan,
kaligayahan, at kaayusan sa buhay. Maliban dito ay marami pang
pamahiin at paniniwala kaming sinusunod tulad nalang ng posisyon ng
chopstick kapag kumakain. At marami pang ibang paniniwala ang
sinusunod ng mga TSINO sa mga okasyong tulad ng kapag may
ikinakasal, sa mga paglilibing, sa pagdiriwang ng Bagong taon, at iba pa.
Ang Kainan sa Pamilya
Tulad ng pangkaraniwang pamilyang TSINO, sabay-sabay na
kumakain ang lahat. Sa nakaugalian ay dapat una munang pauupuin
ang mga nakakatanda at mga bisita (kung mayroon) bilang
pagpapakita ng paggalang, kasunod ang mga pinakabata. Pagdating
sa mga potahe na nakalatag sa pagkainan hindi nawawalan ng
noodles, wonton soup, lugaw, iba’t ibang uri ng dumplings, kanin, at
mga ulam tulad ng sweet and sour pork, breaded fish fillet, at lumpia
sa aming hapag bagama;t ang mga pagkaing mamantika ay iniluluto
lamang para sa mga bata. Dahil mas gusto ng mga nakakatanda ang
mga pagkaing naka steamed kaysa piniprito o nilalagyan ng
mantika. Sa paghahanda ng pagkain, ang higit na binibigyang pansin
ang lasa, kulay, amoy, at itsura.
Ang Piging sa Aming Pamilya
Sa mga TSINO kapag may ipinagdiriwang sila espesyal
na okasyon tulad ng Chinese New Year, kasalan,
Graduation, kaarawan, o kapag may bisita kami ay
nagiging abala ang lahat sa paghahanda ng mula sampu
hanggang labindalawang putahe. Ang mga okasyong ito
ay espesyal dahil pagkakataon din ito para magkita-kita
at magbalitaan, magkuwentuhan, at magtawanan kaya
naman piging o bangkete ang inihahanda at hindi
pangkaraniwang mga pagkain lang.
Proud ABC
Ang mga dahilan na nabanggit kanina- kung bakit
ipinagmamalaki ni Jia Li na isa siyang ABC o American
Born Chinese. Natuto siyang gumalang at maging higit na
bukas sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi, tanggapin ang
makabubuti at iwaksi ang makasasama. Ipinagmamalaki
niya din na dala-dala niya ang kanyang pagiging episyente,
maunlad, at moderno ng bansang sinilangan niya, ang
Amerika, subalit taglay niya din ang ganda at halina ng
makulay at mahabang tradisyon at kultura ng bansang
sinilangan ng kanyang mga magulang, ang bandang
TSINA.
ANG
SANAYSAY
TATALAKAYIN:
• Ano ang SANAYSAY?
• Dalawang uri ng SANAYSAY
• Bakit mahalaga ang SANAYSAY?
ANG SANAYSAY
ØIsang uri ng panitikang nasusulat sa
anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at
mga bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng impormasyon at aliw
ng mga mambabasa.
ØSa Ingles ay tinatawag itong ESSAY.
PAGKAKAIBA NG DALAWANG URI NG SANAYSAY
ANG
PORMAL DI - PORMAL DALAWANG
PAKSA O Nagbibigay ng Mapang – aliw;
URI NG
TEMA mahahalagang kaisipan sa Nagbibigay lugod sa SANAYSAY
pamamagitan ng pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagtalakay sa mga
pagsasaayos ng paksang pang araw - araw  PORMAL
impormasyon - Tinatawag din itong
GAMIT NG Maingat na pinipili ang Ang pananalita ay parang maanyo sapagkat pinag-
aaralan ng maingat ang
SALITA pananalita. Pormal ang usapan lamang piniling pananalita kaya
salita kaya mahirap ng mga magkakaibigan mabigat basahin.
basahin.
 DI - PORMAL
- Tinatawag din na pamilyar
PANANAW Gumagamit ng ikatlong Ang may – akda ang o personal ay mapang-aliw,
NG panauhan sa paglalahad tagapagsalita, at ang mga nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng
PAGSULAT mambabasa amg ang pagtatalakay sa mga
tagapakinig paksang karaniwan, pang
araw-araw at personal.
PAGKAKAIBA NG DALAWANG URI NG SANAYSAY

PORMAL DI - PORMAL

NILALAMAN Karaniwang nakabatay sa Idinidiin ang mga


pananaliksik at sa karanasan at mga isyung
makatotohanang datos bukod sa kababakasan ng
personalidad ng may –
akda; maaaring maka –
ugnay ang mambabasang
madla
TONO Ito'y seryoso, Palakaibigan ang tono
paintelektuwal, at walang kaya pamilyar ang tono
halong pagbibiro dahil ang panauhang
gamit ay unang panauhan BAKIT
OBHETIBO O Obhetibo o di kumikiling sa Subhetibo ito sapgakat MAHALAGA
SUBHETIBO damdamin ng may - akda pamapanig sa damdamin ANG
at paniniwala ng may –
akda ang pananaw
SANAYSAY?
KAHALAGAHAN

mas mapapalawak pa ang ating kaaalaman


sapagkat marami tayong matututunan sa mga
ipinapahayag ng awtor ng ating binabasa
natututo ang mga mambabasa mula sa inilalahad na
kaalaman ng manunulat
Maipapahayag mo lalo ang gusto mong sabihin sa
pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay
ISAISIP NATIN
Paggamit ng mga Angkop na mga Pahayag sa
Pagbibigay ng sariling Opinyon/Pananaw
(Pahina 229-230)
Tandaan ang mga sumusunod sa
paglalahad ng opinion/pananaw:
◦ Ilahad ang opinion sa paraang maayos kahit salungat ang iyong pananaw sa pananaw ng
iba.

◦ Makinig ng Mabuti sa sinasabi ng kausap.

◦ Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon sa pananaw mo kung may matibay siyang
dahilan para maniwala sa kasalungat ng pananaw.

◦ Maging magalang at Huwag magtaas ng boses .

◦ Gumamit ng mga pahayag na simple para maintindihan ng mga tagapakinig ang opinion
mo.

◦ Gumamit ng “Po” at “Opo”


Mga Angkop na maaring gamitin na
panimula:
◦ Sa aking palagay…
◦ Para sa akin…
◦ Kung ako ang tatanungin…
◦ Ang paniniwala ko ay…
◦ Ayon sa nabasa kong datos…
◦ Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
◦ Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…
◦ Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit
◦ Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?
◦ Maari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?

You might also like