You are on page 1of 16

Aralin 2: Ang Dalawang

Approach sa Pagtugon sa mga


Hamong Pangkapaligiran
Tatalakayin sa Araling ito ang paghahanda para sa
mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran at
tungkuling ginagampanan ng pamahalaan at ng
bawat isa sa mga panahon ng kalamidad.
Layunin
O Naipaliliwanag ang mga ginagawang
hakbang ng pamahalaan sa mga banta g
kalamidad.
O Naipaliliwanag ang epekto ng mha
kalamidad sa kalikasan, buhay at ari-arian
ng tao.
O Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng Top-down
at Bottom-up Approach.
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna, subalit
maaaring mapaghandaan ang mga epekto nito. Ang tawag sa
paghahanda ng pamahalaan para sa sakuna ay DISASTER
RISK REDUCTION MANAGEMENT o DRRM
Ang DRRM any isinasagawa sa lokal, rehiyunal,
pambansa at pandaigdigang saklaw.
Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Act of 2010
O Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad.
O Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
Ang mga na banggit na layunin ay kasama sa mga
batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Framework
National Disaster Risk Reduction
and Management Framework
O Binibigyaang diin nito ang pagiging handa ng bansa at
ng mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at
hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at
ari-arian ay maaring mapababa o maiwasan.
O Isinusulong ang kaisipan na ang lahat ay may tungkulin
sa paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran at hindi lamang ng ating pamahalaan.
Pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng
pamahalaan, private sectors, business sectors, at higit
sa lahat ang mamamayang naninirahan sa partikular na
kumonidad.
Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community-Based
Disaster and Risk Management.
Disaster Management Plan
O Isinusulong ng NDRRMC and Community-
Based Disaster and Risk Management
Approach sa pagbuo ng mga plano at
polisiya sa pagharap sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran
Community-Based Disaster and
Risk Management Approach
O Ay isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay at pagtataya ng mga risk na maari
nilang maranasan.
O Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad
at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at
ari-arian. –Abarquez at Zubair (2004)
O Isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at
kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao.
Binibigyan nito ang tao ng kapangyarihan na alamin
at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at
kalamidad sa kanilang pamayanan. –Shah at Kenji
(2004)
Kahalagahan ng CBDRM
Approach

1. Ang pinaka sentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partisipasyon


ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa
pagbuo ng DRRM plan.
2. Ito ay makakatulong sa paglutas ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang
sektor ng lipunan.
Dalawang Approach sa pagtugon
sa mga hamong pangkapaligiran
1. Bottom-up Approach
-Ito ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa
pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang pamayanan.
-Ang konsepto nito ay ginagamit sa CBDRRM.
-Binibigyang pansin dito ang maliliit na
detalye na may kaugnayan sa hazard,
kalamidad at pangangailangan ng pamayan.
Katangian ng Bottom-up Approach
a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at
panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.
b. Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na
pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs
nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots
development ang pamumuno ng lokal na
mamamayan.
c. Ang malawak na partisipasyon ng mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa
pagbuo ng desisyon para sa matagumpay na bottom-
up strategy.
d. Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal
ay kailangan.
Katangian ng Bottom-up Approach

e. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng


matagumpay na bottom-up approach ay ang
pagkilala sa pamayanan na may maayos na
pagpapatupad nito.
f. Ang responsibilidad ng pagbabago ay nasa
kamay ng mamamayang naninirahan sa
pamayanan.
g. Ang iba’t ibang grupo sa pamayanan ay
maaaring may magkaibang pananaw sa mga
banta at vulnerabilities na nararansan sa
kanilang lugar.
Dalawang Approach sa pagtugon
sa mga hamong pangkapaligiran
2. Top-down Approach
-tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng
gawain mula sa pagpapaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad
ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o
ahensya ng pamahalaan.
-maisaalang-alang ang pananaw ng mga
namumuna sa pamahalaan sa pagbuo ng plano
dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang
ipinatutupad ng disaster risk management.
National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDRRMC)
O Layunin ng programang ito na maturuan ang
mga lokal na pinuno sa pagbuo Community-
Based Disaster Risk Management Plan.
Mahalaga ang proyektong ito sapagkat
binibigyan nito ng sapat na kaalaman at
hiahasa ang kakayahan ng lokal na pinuno
kung paano isasama ang CBDRM Plan sa
mga plano at programa ng lokal na
pamahalaan.
Gawain: Magdugtungan Tayo
Gawain: Magdugtungan Tayo
Gawain: KKK Chart

You might also like