PAMILYANG PILIPINO ESP 8: Modyul 16 ANO NGA BA ANG MIGRASYON?
• Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang tao
patungo sa isang lugar para humanap ng mga kalakal. • Ang migrasyon ay ang pagiging dayuhan ng mga tao sa isang bansa. PAG-USBONG NG MIGRASYON PAG-USBONG NG MIGRASYON • Ang migrasyon sa pilipinas ay makasaysayan, ang pangangalakal ng tsina sa ating bansa na pinamunuan ni Zulu Royalty Padua Bazaar, ang naitala na pinakaunang migrasyon sa ating bansa noong 1417. • Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang taga baryo patungong lungsod. DAHILAN NG MIGRASYON DAHILAN NG MIGRASYON • Ang karaniwang dahilan ay mataas na antas ng pamumuhay, kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho, at kagustuhang makapagtapos ng pag- aaral ang mga anak. • Iba pang mga dahilan: 1. Mas mataas na sahod (63.3%) 2. Makabili ng lupa (50.0%) DAHILAN NG MIGRASYON 3. Pambayad ng mga utang (31.3%) 4. Para sa pangkapital sa negosyo (29.3%) 5. Makapundar ng mga ari-arian (17.3%) 6. Iba pang pang-ekonomohikal na pangangailangan (22.0%) EPEKTO NG MIGRASYON EPEKTO NG MIGRASYON • Ano-ano nga ba ang epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino? • May kabutihan at kaaya-ayang resulta ang pagtratrabaho at pangingibang bansa sa pamumuhay, na senyales ng pag-unlad ayon kay Jimenez, 1988, • Ayon sa kanya, ang sumusunod ay ang mga naidudulot na kabutihan nito: Pagpapagawa ng mga ng mga bagong bahay, ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga anak, ang mga patuanay ng umaasensong negosyo na naipundar, at ang kakayahang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. EPEKTO NG MIGRASYON • Narito ang mga epekto ng migrasyon na dapat harapin: 1. Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay. 2. Ang mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunan na aspekto ng mga anak. 3. Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at panghihina ng katatagan ng pamilya. 4. Ang makabagong konsepto ukol sa tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya. 5. Ang pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang komunikasyonat atensiyon ng magulang sa anak at anak sa magulang PAGHARAP SA HAMON NG MIGRASYON PAGHARAP SA HAMON NG MIGRASYON • Ang pagharap ng epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay nangangailangan ng mga konkretong hakbang upang maging handa ang mga anak at mga magulang upang mapagtagumpayan ang mga negatibong epekto ng pangingibang bansa. • Ang sumusunod na mga hakbang upang maging handa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino: 1. Pag-oorganisa at pagbuo ng mga counseling centers 2. Patuloy na paghubog ng mga pagpapahalaga at birtud sa mga anak 3. Pag-oorganisa at pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan 4. Pagbibigay ng mga programang pang OCWs tulad ng makabuluhang pamumuhunan sa negosyo at pagsasakatuparan ng R.A 8042 PAGHARAP SA HAMON NG MIGRASYON • Narito pa ang mga karagdagang hakbang upang maging handa sa epekto ng migrasyon: 1. Pagpapanatili at pagpapatatag ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya 2. Ang pagkakaroon ng regular na pang-ispiritwal na counseling sa mag- asawa 3. Ang pagpapaunlad at pagpapatatag sa kultura ng pamilyang Pilipino 4. Mapanatili ang metatag na pagmamahalan, pagtitiwala, at paggalang sa bawat miyembro ng pamilya 5. Pagpapalawak sa kamalayan ng mga kabataan ukol sa pagiging mapanagutan sa mga gampaning pampamilya. END