You are on page 1of 21

EPP

Week 1 Day 2
Panimulang
Pagtatasa
A. Piliin sa hanay B kung anong hanap-buhay ang naaangkop sa mga
interes,
kahusayan at oportunidad na nasa hanay A.

__1. Maraming isda sa inyong lugar a. magmaneho ng dyipni


__2. Matutong magmaneho ng sasakyan b. magmaneho ng “iskul bus”
__3. Bumili ng sasakyang c. magtinda ng isda
makapagsasakay ng d. mag-alok ng serbisyong
maraming pasahero repleksolohiya
__ 4. Matutong magmasahe
__ 5. Maraming taong mahilig e. magtayo ng isang panaderya
sa pan de sal
Pagganyak
Basahin at pag-aralan ang sumusunod
na mga sitwasyon.
1. Dating manggagawa sa isang
vulcanizing shop sa Bulacan si Arturo.
Habang siya ay nagtatrabaho pa, siya
ay nag-impok. Kamakailan lamang ay
nag-asawa si Arturo at gusto niyang
magkaroon ng panahon para sa
kanyang asawa. Gusto niyang mag-
impok upang makabili ng kanilang
sariling bahay.
2. Si Randy ay 23 taong gulang.
Gusto niya ay magsiguro para
sa kanyang
kinabukasan bago siya mag-
asawa. Pumunta siya sa Bulacan
at Quezon upang
makakuha ng suppliers para sa
iba’t ibang bagay sa kanyang
bubuksang tindahang sari-sari.
Ang bawat sitwasyong isinaad ay
nagpapakita ng iba’t ibang
prayoridad at pangangailangan.
Pag-balik-aralan ang mga
halimbawa at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sino sa dalawa ang hindi
masyadong mapipilitang
magtrabaho? Bakit?
2. Sino sa dalawa ang higit na
kailangang kumita ng pera? Bakit?
Paglalahad
Ang pagtatayo ng sariling negosyo
ay nangangailangan ng masusing
pag-aaral. Bago tumingin sa ibang
bagay, tumingin ka muna sa iyong
sarili. Ano ang gusto mo? Ano ang
bagay na nagbibigay interes sa iyo?
Kung ikaw ay may interes,
Magkakaroon ka ng pagganyak. Ito
ay magiging sangkap sa iyong
tagumpay.
Pagpapalali
m ng
Kaalaman
Katulad ng nakararaming gustong
magtayo ng kanilang sariling
negosyo,maaaring maliit lamang ang
inyong pera o di-kaya ay talagang wala
upang makapag-umpisa.
Subalit kung susuriin mo ang iyong mga
kahusayan at kagalingan, maaari mong
magamit ang mga ito maging ikaw ay
may maliit na kapital o wala. Ang mga
sumusunod na negosyo ay maaaring
itayo nang may maliit na kapital
lamang.
• Klinikang Pangrepleksolohiya o
Masahe
• Serbisyong Manikyur at Pedikyur
• Pagmamaneho
• Serbisyong Paglalabada
• Serbisyong Buy and Sell
• Laundry Shop
• Vulcanizing Shop
• Karinderya
• Animal Husbandry o Pagpaparami

ng mga Hayop
• Car Wash
Paglalahat
• Ang mga prayoridad ay iba’t ibang
bagay o gawain na mahalaga sa atin at
nangangailangan ng ating dagliang
atensiyon.
• Ang kaalaman ng iyong mga interes ay
siyang makapaghihimok sa iyo hindi
lamang sa pagtatayo ng isang negosyo
kundi maging sa pagtitiyaga kapag
naitatag mo na ang negosyong nais mo.
• Ang pagsusuri sa iyong mga kahusayan o
kagalingan ay maaaring maging susi sa
pagtatatag mo ng isang negosyo nang may
maliit o walang kapital.
Pagtataya
A. Basahin ang mga
pangungusap . Isulat ang titik T
kung tama at titik M kung Mali.
Isulat ang sagot sa kwaderno.
__1. Ang isang negosyo ay hindi
dapat pinag-iisipan o pinaplano.
__2. Lahat ng mamimili ay dapat
komportable at nasisisyahan sa
serbisyo.
__3. Kailangan sa negosyo ang
pagbibigay ng serbisyong mabilis at
nasa tamang oras.
__4. Matulungin, nagsasabi ng totoo,
mapagkakatiwalaan at mabilis na
serbisyo ang inaasahan sa mga
empleyadong nasa negosyong
panserbisyo.
__5. Kailangan ng malaking capital
bago magbukas ng isang ninanais
na negosyo.
B. Paghambingin ang Hanay A at B. Pagtapatin
ang magkatugma. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa kwaderno.
Hanay A Hanay B

1. Vulcanizing Shop a. Pag-ayos ng bahay

2. Home Carpentry b. Pag-ayos ng gulong

3. Tahian ni Aling Sabel c. Pag-ayos ng sirang gamit


sa bahay
4. School Bus Services d. Pananahi ng damit

5. Electrical Shop e. Pagsundo at paghatid ng


mga bata sa eskwelahan
Pagpapayam
an ng
Gawain
Magtala ng mga lugar na
maaring pagtayuan ng
negosyo at ano ang maaring
pagkakitaan dito?
(halimbawa: malapit sa
dagat-pangingisda)

You might also like