gilalas na katangian sa pamumuno. Isaayos ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na nakalagay sa Epiko ni Prinsipe Bantugan. Lagyan ng A- G at isalaysay sa klase. _____Nanlaban din si Prinsipe Bantugan. Nailigtas ang kaharian. Nawala ang inggit sa puso ni Haring Madali. ______ Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. _____ Nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. _____ Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. ______ Si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. ______ Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. _____ Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Tanong: Bakit kailangang maayos ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa epiko sa kabila ng pagiging di- makatotohanan nito.Ilahad ang sagot. Masasalamin ba ang heograpiya at uri ng pamumuhay ng mga Bisaya sa kanilang epiko? Patunayan. Paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa mabisang paglalahad?