You are on page 1of 26

Mga anyong Lupa at

Tubig
By:CZEBASTIAN XCL R. ANIZ
Submitted to:Claudette Nicole Gardoce
Bundok-
Ang bundok ay kalupaan na mataas ang
elebasyon kumpara sa mga nakapalibot dito.
Kadalasang magkakarugtong ang mga bundok
sa isang hanay sa iang hanay at tinataag itong
kabundukan.
Bulkan-
Ang bulkan naman ay nagsisilbing
lagusan ng kalupaan kung saan
dumadaloy ang lava, abo, at gas.
Kalaunan, ang patuloy na pagbuga
ng bulkan ng mga bato at iba pang
materyal ang nagiging dahilan ng
pagtaas ng elebasyon nito
kumpara sa kanyang paligid
Talampas-
Ang talampas ay malawak na
lupain na may mataas na
elebasyon at patag na ibabaw.
May dalawang uri ng talampas:
ang dissected plateau na resulta
ng pagbanggaan ng mga tectonic
plate at ang volcanic plateau na
bunga ng malawak na pagdaloy ng
lava sa isang lupain na kalaunan
ay naging patag tulad ng
talampas ng Tibet na may sukat
ng 2.5 milyong kilometro
kuwadrado.
Burol
Ang burol ay anyong lupa
nabahagyang mataas kaysa sa
kapaligiran nito ngunit hindi
kasingtarik ng bundok. Kadalasang
nagiging atraksyon ng mga turista
ang isang burol dahil mula sa itaas
nito ay masisilayan ang kaaya
ayang tanawin sa paligid
Kapatagan
Ang kapatagan ay malawak at
patag na lupain. Ang kapatagan
ay sumasaklaw sa mahigit
sangtatlong bahagi ng mundo.
Lambak
Ito ay malalim na bahagi ng
kapatagan na napapagitnaan ng
kabundokan at kadalasan ay
dinadaluyan ng ilog o batis.
Pulo/Kapuluan
Ang isang maliit na kapuluan na
napalilibutan ng katubigan. Ito
ay maaring nagmula sa ilalim ng
karagatan. Dahil sa bulkanismo,
nagbubuga ng lava ang bulkan
na nasa ilalim ng karagatan.
Tangway
Ito ay lupaing napapaligiran ng
katubigan maliban sa isang
bahaging nag uugnay rito sa
mas malaking kalupaan.
Nabubuo ito sa paggalaw pataas
o palayo ng tectonic plate.
Dalahikan
Ito ay isang makitid na piraso ng
lupa na nagdurugtong dalawang
mas malalaking kalupaan.
Nabubuo ang dalahikan mula sa
mga tinambak na lava ng bulkan
na humarang sa daanan ng
katubigan at nagdugtong sa
dalawang mas malaking kalupaan.
Mga anyong lupa na nabuo
sa pamamagitan ng
prosesong exogenic
Karst
Ito ay kakaibang uri ng anyong
lupa na nabuu sa pagkatunaw
ng mga batong apog(limestone)
at dolomite dahil sa pwersa ng
tubig sa ilalim ng lupa. Makikita
ang karst sa mga kweba,mga
subteranyong ilog (underground
rivers), at sinkhole.
Canyon
Ito ay makitid at malalim na
lambak na napagigitnaan ng
matarik na bangin. Ang pagkilos
ng mga ilog, pagkadurog at
erosion ng lupa, gayundin ang
pwersang tectonic ang mga
dahilan ng pagkakabuo ng
canyon.
Sand dune
Ito ay maliit na burol o bunton
ng buhangin na binuo ng
pagkilos ng hangin o tubig na
matatagpuan sa dalampasigan
o disyerto.
Delta
Ito ay anyong lupa na nabuo sa
bunganga ng isang ilog kung
saan naipon ang mga latak na
tinangay ng tubig na hindi naka
daloy palabas sa dagat, lawa, o
ibang ilog.
Glacier
Ito ay malawak at malaking
masa ng yellow na nabuo sa
lupa at may mabagal na
pagkilos pababa dahil sa
grabidad.
Mga anyong Tubig
Karagatan
Ito ay malawak na katubigan
alat na pumapalibot sa mga
kontinente.
Dagat
Ito ay anyong tubig na
karugtong ng karagatan at
malapit ito sa karagatan.
Golpo
Ito ay malawak na katubigan
ng bahagyang napapaligiran ng
lupa.
Look
Tinuturing na mas maliit sa
golpo, ito ay napalilibutan ng
kalupaan ngunit karugtong
parin ng dagat.
Kipot
Ito ay makitid na katubigan na
nagdurogtong sa dalawang mas
malaking anyong tubig at
napapagitnaan ng dalawang
kalupaan o dalawang anyong
tubig.
Mga anyong katubigang-
alat
Ilog
Ito ay natural na lagusan ng
tubig mula sa maliliit na bukal
o batis na dumadaloy pababa
patungi sa mga lawa o talon o
kaya palabas patungo sa
katubigang alat.
Talon
Ito ay bahagi ng ilog kung saan
ang tubig ay dumadaloy at
bumabagsak pababa upang
umagos patungo sa mas
mababang lugar.
Talon
Ito ay malaking katubigan na
mabagal an pag agos at
napalilibutan ng kalupaan.

You might also like