You are on page 1of 9

TUNGKULIN KO SA BAYAN,

GAGAMPANAN KO
Ang lipunan ay isang sambayanan
na nagka kaisa sa isang layunin,
paniniwala, pagpapahalaga, interes,
tradisyon at kaugalian.
Sa pamamagitan ng lipunan,
napauunlad ng tao ang kaniyang talento
at talino. Ito ang dahilan kung bakit
mahalagang matukoy ng tao ang
kaniyang tungkulin sa lipunan.
Bawat isang mamamayan ay may tungkuling
dapat gampanan sa lipunan. Ang pakikiisa ng
mga tao sa iba pang kasapi ng lipunan ay
daan sa pagtatamo ng kanilang kaganapan
bilang tao.
“Huwag mong itanong kung ano
ang nagagawa ng bayan para sa iyo
kundi kung ano ang nagagawa mo
para sa bayan.”
TUNGKULIN NATIN bilang mamamayang
Pilipino na kilalanin, unawain, at gamitin ang
katuwirang. lto ay maipakikita sa
pamamapagitan ng paglahok sa mga gawaing
pampamayanan na nangangalaga sa dignidad
ng tao.
KARAPATAN NATIN bilang
mamamayang Pilipino na mabuhay
nang may dignidad. Ito ay
pinangangalagaan sa pamamagitan
ng Konstitusyon at batas.
Katarungan
Ito ay tumutukoy sa tungkulin ng mamamayan na
ipagkaloob sa bayan ang nararapat para sa ibayong
kaunlaran at kaayusan. Nasasabalikat ng bawat isang
Pilipino ang katiyakan sa kaunlaran ng bansa.

 
.
Pagmamahal sa kapuwa
Ang pagmamahal sa bayan ay naipamamalas sa pamamagitan ng
pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa at sa kahandaan sa paglilingkod.
Ang pagkakaroon ng ganitong virtue ang pinakamahalagang gawin ng bawat
Pilipino. Sa pamamagitan nito, natitiyak ang pagkakaroon ng mapayapang
lipunan.Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa lipunan. Subalit
kung nasa puso ng bawat mamamayan ang pagmamahal, sila rin ang gagawa
ng paraan upang mapanatili ang disiplina at kaayusan ng bansa.

You might also like