You are on page 1of 19

KARTILYA

NG
KATIPUNAN
By Emilio Jacinto

GROUP 3
EMILIO JACINTO
- Born December 15,1875 in
Trozo, Manila
- Studied at Kolehiyo San
Juan de Letran and
University of Sto. Tomas
- At the age of 19, he joined
the Katipunan
- He was called the “Brains
of the Katipunan”
- He died April 16,1899
KARTILYA NG KATIPUNAN
- CIRCA 1892
- It was written mainly for the Katipuneros
- The purpose of this is to present a concept of or
virtuous living lessons for self reflection also an
ideology embodying moral and nationalistic
principles
- The Kartilya consisted of thirteen "teachings"
which the members
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang
malaki at banal na kadahilanan ay kahoy
na walang lilim,
kundi man damong makamandag.

(Life which is not consecrated to a lofty and sacred cause is


like a tree without a shadow, if not a poisonous weed.)
2.Ang gawang magaling na nagbubuhat sa
pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang
gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

(A good deed that springs from a desire for personal profit


and not a desire to do good is not kindness.)
3. Ang tunay na kabanalan ay ang
pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa
at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
pangungusap sa talagang Katuwiran.

(True greatness consists in being charitable, in loving one’s


fellow men and in adjusting every movement, deed and
word to true Reason.)
4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat,
lahat ng tao’y magkakapantay;
mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa
yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa
pagkatao.
(All men are equal, be the color of their skin black or white.
One may be superior to another in knowledge, wealth, and
beauty but cannot be superior in being.)
5. Ang may mataas na kalooban, inuuna
ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang
may hamak na kalooban, inuuna ang
pagpipita sa sarili kaysa puri.

(He who is noble prefers honor to personal gains; he who


is mean prefers personal profit to honor.)
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

(To a man with a sense of shame, his word is inviolate.)


7. Huwag mong sayangin ang panahon;
ang yamang nawala’y mangyayaring
magbalik; ngunit panahong nagdaan
na’y di na muli pang magdadaan.

(Don’t waste away time; lost riches may be recovered,


but time lost will never come again.)
8. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin
ang umaapi.

(Defend the oppressed and fight the oppressor.)


9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat
sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim
ang dapat ipaglihim.

(An intelligent man is he who is cautious in speech and


knows how to keep the secrets that must be guarded.)
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay
siyang patnugot ng asawa’t at mga anak; kung
ang umaakay ay tungo sa sama, ang
patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

(In a challenging path of life, the man leads the way and his
wife and children follow. If the leader goes the way of evil, so
do the followers.)
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang
bagay na libangan lamang, kundi isang
katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong
kabuhayan; gamitin mo nang buong
pagpipitagan ang kanyang kahinaan at
alalahanin ang inang pinagbuhata’t nag-iwi sa
iyong kasanggulan.
(Think not of woman as a object merely to while away time
but as a helper and partner in the hardships of life. Respect her
in her weakness, and remember the mother who brought you
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak
at kapatid, ay huwag mong gagawin sa
asawa, anak at kapatid ng iba.

(What you do not want done to your wife, daughter and


sister, do not do to the wife, daughter and sister of another.)
13.Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa
tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring
kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat
ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-
gubat at walang nababatid kundi sariling wika; yaong
may magandang asal, may isang pangungusap, may
dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong
marunong magdamdam at marunong lumingap sa
bayang tinubuan.
(The nobility of a man does not consist in being a king, nor in the highness of nose
and the whiteness of the skin, nor in being the priest representing God, nor in the
exalted position on this earth, but pure and truly noble is he who, through born in the
woods, is possessed of an upright character; who is true to his word; who had dignity
and honor; who does not oppress and does not help those who oppress; who knows
Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na
sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaaba-
abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang
liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid
ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na
buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang
natumbasan.
(When these doctrines spread and the Sun of beloved liberty shines
with brilliant effulgence in these unhappy isles and sheds its soft rays
upon the united people and brothers in everlasting happiness, the lives,
labors, and suffering of those who are gone shall be more than
recompensed.)

You might also like