You are on page 1of 11

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA 2O
James Michael Pabillar
10-Planck
TALASALITAAN
● Angaw-Angaw - Lumang tagalog ng Milyon

Pangungusap : Binigyan ng angaw-angaw na ideya ang asawa sa kung paano nila ipagdaraos ang
nalalapit nitong kaarawan

● Asunto - kaso

Pangungusap : Napagdesisyunan nang Korte Supremo ang asuntong kumuha sa atensyon ng


mamamayan

● Mariwasa - pamumuhay ng masagana

Pangungusap : Nasanay sa mariwasang buhay si Don Leandro kaya sobra ang kaniyang paghihinagpis
nang malaman na maninirahan na sila sa probinsiya at sisimulan ang trabahong naiwan

● Ayuntamiyento - lugar pulungan o opisina ng munisipalidad

Pangungisp : Nagtungo si Don Santiago sa ayuntamiyento upang kausapin si Don Rodano sa nabalitang
desisyon ng kanyang proyekto
● Serenata - awitin o harana na iniaalay upang magbigay dangal sa inaawitan

Pangungusap : Narinig na sa buong baryo ang isinagawang serenata ng tanyag na


Don Juan sa iniibig nitong si Teresa Cruz

● Balok - malambot, manipis at panloob na balat ng itlog o bungang kahoy


● Sumambulat - kumalat o sumabog

Pangungusap : Sumambulat ang bali-balitang ipahihinto ang itinayong bahay ni Don


Sarmiento dahil sa kakulangan ng salapi

● Inihasik - ikinalat o itinanim

Pangungusap : Nagbunga na ang inihasik ng mga binhi ni Mang Pedro sa kanyang


bakuran
● Abito - kasuotan na nagsisilbing unipormeng damit na
pagkakakilanlan ng isang taong nabibilang sa simbahan

Pangungusap : Pinuri ng mga maharlika ang kay gandang abito na suot ni


Padre Comorro

● Kartapasyo - kuwadernong o papeles

Pangungusap : Nahanap na ni Sanchez ang nawawala niyang kartapasyo


TAUHANG NABANGGIT SA KABANATA
Don Custodio (a.k.a Buena Tinta) - Si Don Custodio ay isang mapagmataas na tao.
Hindi naniniwala sa Diyos o kahit anong Santo at mapagyabang.

URI NG TAUHAN
Protagonista dahil ang pagpapakilala sa kanya ang ginawa sa buong kabanata.

SINO KA SA TAUHAN AT BAKIT?


Wala, dahil ayaw kong maitulad kay Don Custodio na puro yabang lamang ngunit
wala naman palang saysay ang ginagawa nito.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
● Si Don Custodio ang may ari ng akademya ng mga Espanyol dito sa
Pilipinas
● Nagtungo siya sa Madrid ngunit walang pumapansin sa kanya dahil
nga naman kinulang siya sa pag-aaral
● Pagkabalik niya rito sa Pinas ay nagyabang siya sa magandang
karanasan sa Madrid
● Naniniwalang ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan
TUNGGALIAN

Tao laban sa Lipunan - dahil sinasaliwa nito (Don Custodio)


ang tunay na tungkulin ng mga Pilipino

Makikita rin kung gaano siya minaliit sa Madrid dahil sa


pagkukulang niya sa pag-aaral.
KANSER NG LIPUNAN
● Mapagyabang
● Mataas na tingin sa sarili.

- Mataas ang tingin ni Don Custodio sa kaniyang sarili at


itinuturing niya ang mga Indio bilang mga taong dapat lamang
maging alipin. Kaya nang mapunta siya sa Madrid at maranasan
niya na hindi siya ganoon kahalaga roon ay hindi man lamang siya
nagtagal nang isang taon. Naranasan niyang hindi pahalagahan
katulad nang ginawa niya sa mga Indio.
ARAL SA KABANATA
- Sa kabanatang ito matatagpuan ang aral na huwag maging
mapagmataas. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay titingalain ka ng
mga tao. Hindi ka nila hahangaan hanggang sa hukay mo kung
ang bakas na iniwan mo sa kanila ay pagmamalupit. Kahit gaano
ka man kagaling, babagsak at babagsak ka rin. Tulad na lamang
nang mapagtanto ni Don Custodio na walang silbi ang pagiging
masipag niya sa Madrid dahil hindi naman siya tanyag doon. Hindi
tama na manghusga ng kapwa dahil sa kaniyang katayuan sa
buhay.
SIMBOLISMONG NABANGGIT

Sinisimbolo ni Don Custodio ang mga taong matataas ang tingin


sa sarili, sa ibang salita'y mayabang. Laganap ang mga ganitong
klase ng tao noon hanggang ngayon. Sila ang mga taong
hahamakin ang lahat, masalba lamang ang imaheng kanilang
pinoprotektahan. Sinisimbolo niya rin ang mga taong kinalimutan
ang kanilang nakaraan dahil lamang nakaahon sa hirap.
Kinalimutan ang mga masalimuot na karanasan sa buhay at
ginawa pa ito sa iba.
URI NG TEORYANG PAMPANITIKAN NA
MAAARING IUGNAY

● MARXISMO AT MORALISMO

You might also like