You are on page 1of 25

Pagpapala Mula Sa Ating

Pagpalya
Awit 73:25-28
v25Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang,
At maging sa lupa'y aking kailangan?
v26Puso't kalul'wa ko kung nanghihina
man, Ang Diyos ang lakas kong tanging
kailangan.
v27Yaong hihiwalay sa 'yo'y mamamatay,
At ang nagtataksil wawasaking tunay.
v28Ngunit sa sarili ay ang hangarin ko, Sa
piling ng Diyos ay doon madako!
Sa piling ni Yahweh, ako'y mapanatag, Ang
kanyang ginawa'y aking ihahayag.
Asaph-
isa sa mga lingkod sa templo sa panahon ni
Haring David, isang manunugtog at mang-
aawit mula sa angkan ng mga Levita.
v1Kay buti ng Diyos sa taong matuwid,
Sa lahat ng taong ang puso'y malinis;
• Naranasan niya ang magdamdam sa Diyos,
panghinaan ng loob at halos bumaligtad
ang kanyang mundo.
a. Matapat niyang inihayag ang kanyang
pagkakamali.
v2Ngunit ang sarili'y halos madupilas,
Nang ako'y matapak sa lupang madulas!
b. Masusi niyang pinag-aralan ang kanyang
naging tugon.
vv15Kung ang mga ito'y aking sasabihin, Sa
mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
v16Kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,
Mahirap-hirap mang ito'y unawain;
c. Sinikap pa rin niyang gampanan ang
kanyang tungkulin sa Diyos.
v17Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,
Na ang masasama ay mapapahamak;
Ang mga mahahalagang
katotohanan upang maranasan pa
rin natin ang pagpapala mula sa
ating pagpalya o pagbagsak.
I.Ibuhos mo sa Diyos ang laman
ng iyong puso.
a. Anuman ang iyong kabigatan,
pinagdadaanan, nararamdaman at
hinanakit ay maaari mong sabihin sa
Diyos.
b. In fact, God offers this invitation.

Isaiah 43:26: "Take Me to court; let us argue our


case together. State your [case], so that you may
be vindicated."
Psalm 145:18 …"the Lord is near to all who call
on Him, to all who call on Him in truth." (ESV)
c. God is big enough to take your anger, your
pain, and your questions.
II. Piliin mo pa rin na gawin ang
tama.
a. Mas piliin mo pa rin gawin ang tama sa
kabila ng iyong mga hinanakit.
b. Sa halip na sa tao ka magbuhos ng sama
ng loob, sa Diyos mo sabihin upang wala
nang ibang madamay o mahawa sa iyong
hinanakit.
c. Ipagpatuloy mo pa rin ang pagsamba sa
Diyos.
III. Tiyakin mong muli ang iyong
kaugnayan sa Diyos.
a. Kilalanin mo ang iyong pangangailangan
sa Diyos.

v25Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, At


maging sa lupa'y aking kailangan?
b. Siya tangi nating kalakasan.
 
v26Puso't kalul'wa ko kung nanghihina man,
Ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
c. Manumbalik ka sa piling Niya.
v28Ngunit sa sarili ay ang hangarin ko, Sa
piling ng Diyos ay doon madako!
Sa piling ni Yahweh, ako'y mapanatag, Ang
kanyang ginawa'y aking ihahayag.
v26 My flesh and my heart may fail,
but God is the strength of my heart
and my portion forever.

You might also like