You are on page 1of 33

Summative Test

in FILIPINO
Punan ang bawat
patlang. Piliin ang letra
nang wastong sagot.
_______1. Pagkagising sa umaga,
upang maipakita ang pasasalamat sa
Diyos, ako ay_______________.
A. kumakanta C. nagsasayaw
B. nagdadasal D. tumutula
_______2. Binabawalan ako ni
Nanay na maglaro sa ulan upang
ako ay hindi _______________.
A. Mabasa C. magkasakit
B. madulas D. mahulog
_______3. Kumakain ako ng
gulay at prutas dahil gusto kong
maging ______________.
A. Maganda C. malusog
B. Malakas D. mapayat
_______4. Pag-uwi ko sa bahay ay
natanaw ko agad si Lolo kaya ako ay
lumapit sa kanya at __________.
A. Nagkuwento C. nagmano
B. naglambing D. nagsayaw
_______5. Maraming dala si Nanay
nang umuwi siya galing sa palengke,
sasalubungin ko siya at ________.
A. hihingan ng pasalubong
B. masayang kakawayan
C. tutulungan siyang magbitbit
D. yayakapin nang mahigpit
6. Isang hapon, nagsabi ang nanay na aalis siya sandali para bumili
ng ulam sa palengke kaya inutusan niya si Ben na bantayan ang
kanyang nilulutong sinaing. Maya maya tinawag ng kalaro si Ben at
nakalimutan
niya ang bilin ng kanyang ina dahil dito nasunog ang sinaing. Galit
na galit ang nanay ni Ben sa nangyari.
A. Nagalit ang nanay dahil walang kalaro si Ben.
B. Nagalit ang nanay dahil may nakaaway siya sa palengke.
C. Nagalit ang nanay ni Ben dahil maaaring masunog ang kanilang
bahay.
D. Nagalit ang nanay ni Ben dahil naglalaro si Ben nang umuwi ang
nanay.
7. Masayang naglilinis ang magkakapitbahay sa kanilang paligid
nang dumating si Kapitana Paola. May nagwawalis, naghahakot
ng basura at nagtatabas ng damo. Mabilis nilang natapos ang
gawain kaya natuwa si Kapitana Paola at binigyan sila ng
meryenda.
A. May oras ng kasiyahan.
B. May libreng meryenda kapag nagtrabaho.
C. Magagawa ang gawain kung may nakabantay.
D. Nagiging madali at magaan ang gawain kung nagtutulungan.
8. Nagkukuwentuhan habang bumibili ng meryenda sa
kantina ang magkaklaseng sina Ana at Kass. Naalala ni
Kass ang sabi ng nanay niya na kumain ng
masustansiyang pagkain kaya bumili siya ng nilagang
saging at nilagang itlog.
A. Kumain ng junk foods.
B. Kumain ng mga kendi.
C. Kumain ng imported na pagkain.
D. Kumain ng masustansiyang pagkain.
9. Ikapito ng gabi, tapos nang kumain ng hapunan ang
Pamilya Dinglasan. Inaantok na si Nikki ngunit nais pa ng
kapatid niya na manood ng telebisyon. Naalala ni Nikki
ang paalala ng guro na mag-aral ng leksiyon
dahil mayroon silang pagsusulit.
A. Makipaglaro sa kapatid.
B. Makipagkuwentuhan sa pamilya.
C. Basahin at pag-aralan ang mga aralin.
D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
10. Pagkatapos kumain, si Roda ang naatasan na
magligpit ng pinagkainan dahil maglalaba pa ang nanay
niya ng mga damit. Nais mo sanang lumabas para
mamasyal sa parke kasama ang iyong mga
kaibigan.
A. Makipagtulungan sa mga kaibigan.
B. Maghain ng mga pagkain sa lamesa.
C. Itapon sa basurahan ang pinagkainan.
D. Linisin ang lamesa at hugasan ang mga plato.
Sundin ang panuto
sa bawat bilang.
11. Gumuhit ng isang araw, sa
ibaba ay gumuhit ng isang
buwan na may kasamang
bituin.
12. Gumuhit ng isang bilog at
tatsulok. Lagyan ito ng guhit
sa ilalim.
13. Gumuhit ng larawan ng
isang babae at lalaki. Kulayan
ito ng itim.
14. Isulat ang salitang tama at
gumuhit ng tsek ✓ sa tabi nito.
Sa ibaba ay isulat ang salitang
mali at sa tabi ay iguhit ang
ekis 🗴
15. Gumuhit ng isang bilog.
Lagyan ito ng tuldok sa loob.
Lagyan ng tsek (/) kung ito ay
isa sa mga dapat gawin upang
makasunod sa nakasulat o
nabasang panuto at ekis (X)
kung hindi.
_______16. Basahing mabuti ang
panuto.
_______17. Gawin ang panuto kahit
hindi pa ito nababasa ng buo.
_______18. Sundin lamang ang unahan
ng panuto.
_______19. Unawaing mabuti
ang nabasang panuto.
_______20. Sundin ang panuto
ayon sa hakbang ng
pagkakasunod-sunod nito.
Piliin sa loob ng panaklong ang
salitang-ugat na makikita sa
mahabang salita. Isulat ang tamang
sagot.
21. mabilisan (abil,
bilis, malis)
22. natahimik
(atam, tahim,
tahimik)
23. madalian (dali,
mada, alian)
24. kahusayan
(sayan, kahuy,
husay)
25. kalikasan
(kali, likas, kasan)
Isulat ang salitang
WASTO kung tama ang
pahayag at DI-WASTO
kung mali.
26. Ang dulo ng
pangungusap ay
laging nagsisimula sa
malaking titik.
27. Ang tiyak na ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar,
at pangyayari ay dapat na
nagsisimula sa malaking
letra.
28. Ang hulihan ng
pangungusap ay laging
nagtatapos sa tamang
bantas.
29. Ginagamit ang bantas
na padamdam (!) tuwing
pansamantalang hihinto.
30. Ginagamit ang bantas
na tandang pananong(?)
tuwing nagtatanong.

You might also like