You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
PERIODICAL TEST SA FILIPINO 2

Pangalan : ____________________________________________ Iskor : _______


Baitang at Seksyon : _____________________________

I. Panuto : Basahin at unawain ang maikling teksto. Pagkatapos ay piliin ang tiitk ng tamang
sagot sa bawat tanong tungkol sa binasang teksto, Isulat ito sa patlang.

Mahusay na Kamay
 Akda ni Cristina T. Fangon

Hilig ni Jowen ang gumuhit. Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano pang
nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya. Sa mga paligsahan siya ay
laging nangunguna. Gayunman, lagi niyang sinasanay ang kaniyang kakayahan dahil lagi
niyang naaalala ang sinasabi ng kaniyang ina, “Kung hindi mo pauunlarin ang iyong talento
ay mawawala iyan sa iyo.” Sa tuwing naiisip niya, lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang
ginagawa.

_____1. Ano ang hilig gawin ni Jowen?


     A. pagkulay     B. pagpinta   C. pagguhit

____ 2. Ano ang iba pang tawag sa pagguhit?


     A. pagkulay     B. pagpinta   C. pag-drawing

II. Panuto :  Ano ang sasabihin mo s amga sumuusnod na sitwasyon? Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
                                                        
______3. Isang hapon, pagkagaling sa paaralan ay nakita mo sa labas ng inyong bahay ang
iyong ina. 

A. Hi ! B. Magandang hapon Inay. C. Andito na ako

_____4. Natalisod sa paa mo ang iyong kapatid. 

A. Sorry B. Buti nga sayo C. Wag kang iiyak!

_____5. Nagpasalamat ang iyong kaibigan sa ibinigay mong regalo. 

A. Paumanhin B. Welcome C. Okay


_____ 6. Galing ka sa bahay ng iyong kaibigan,  hapon na kaya gusto mong magpaalam sa
kanyang ina. 

A. Alis na ako
B. Maaari na po ba akong umuwi?
C. Kayo na ang bahala dyan, uuwi na ako

______ 7. Gusto mong kunin ang aklat sa sala, pero sa kinalalagyan ng aklat ay naroon ang
nanay at tita mo na nag-uusap. 

A. Padaan
B. Makikiraan po
C. Tabi kayo dyan

______8. Nasalubong mo ang iyong guro pagpasok sa eskwela.

A. Magandang gabi po
B. Magandang tanghali po
C. Magandang umaga po

III. Panuto : Basahin ang maikling kuwento at ibigay ang mensaheng nais ipabatid. Piliin ang
letra ng tamang sagot. 
 
______9. Isang hapon, nagsabi ang nanay na aalis siya sandali para bumili ng ulam sa
palengke kaya inutusan niya si Ben na bantayan ang kanyang nilulutong sinaing. Maya maya
tinawag ng kalaro si Ben at nakalimutan niya ang bilin ng kanyang ina dahil dito nasunog ang
sinaing.Galit na galit ang nanay ni Ben sa nangyari. 

A.Nagalit ang nanay ni Ben dahil naglalaro si Ben nang umuwi ang nanay. 
B.Nagalit ang nanay ni Ben dahil maaaring masunog ang kanilang bahay. 
C.Nagalit ang nanay dahil may nakaaway siya sa palengke. 
 
_____10. Masayang naglilinis ang magkakapitbahay sa kanilang paligid nang dumating si
Kapitana Paola. May nagwawalis, naghahakot ng basura at nagtatabas ng damo. Mabilis
nilang natapos ang gawain kaya natuwa si Kapitana Paola at binigyan sila ng meryenda. 

A.Nagiging madali at magaan ang gawain kung nagtutulungan. 


B.May libreng meryenda kapag nagtrabaho. 
C.May oras ng kasiyahan. 

______11. Nagkukuwentuhan habang bumibili ng meryenda sa kantina ang magkaklaseng


sina Ana at Kass. Naalala ni Kass ang sabi ng nanay niya na kumain ng masustansiyang
pagkain kaya bumili siya ng nilagang saging at nilagang itlog. 

A. Kumain ng junk foods. 


B. Kumain ng mga kendi. 
C. Kumain ng masustansiyang pagkain. 

______12. . Ikapito ng gabi, tapos nang kumain ng hapunan ang Pamilya Dinglasan. Inaantok
na si Nikki ngunit nais pa ng kapatid niya na manood ng telebisyon. Naalala ni Nikki ang
paalala ng guro na mag-aral ng leksiyon dahil mayroon silang pagsusulit. 
A. Makipaglaro sa kapatid. 
B. Basahin at pag-aralan ang mga aralin. 
C. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi

IV. Panuto : Basahin ang sumusunod na kwento. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

 
13. Ano ang pamagat ng kuwento? ______________________________
14. Sino ang kaisa isang anak sa alamat? _________________________
 15. Magbigay ng isang katangian ni Ben. ___________________
 16. Ano ang ginawa sa puso ni Ben ? _________________________

V. Panuto: Isagawa ang sumuusnod na panuto:

17. Gumuhit ng parihaba.


18. Isulat sa gitna ng parihaba ang iyong buong pangalan
19. Gumuhit ng araw at ulap sa taas nito
20. Kulayan ang araw at ulap
21. Gumuhit ng puso sa baba ng pangalan.
Batayan sa Pagmamarka:

Pamantayan 5 3 2

Pagsasagawa Nasunod ng tama May 2 na hindi Marami ang hindi


ang lahat ng panuto nasunod sa panuto. nasunod sa panuto

VI. Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay matatagpuan sa salitang KASIYAHAN.

______22. Siya ______23. Tumahan ________24. Kaya

VII. Panuto:  Tingnan ang bawat larawan. Bilugan ang salitang-ugat na mga salita.

25
2

26
2

27
2

VIII. Panuto : Bilugan ang salita na hindi wasto ang paggamit ng malaki at maliit na titik.

28
2

IX. Panuto:  Isulat ang PA kung ang sumusunod ay pangungusap at PR kung pairala.

______ 29. Ang pandemya ay mahigit isang taon na.


______30. sa gitna ng daan

Answer Key
1. C.
2. C.
3. B
4. A
5. B
6. B
7. B
8. C
9. B
10. A
11. C
12. B
13. Ang Alamat ng Mangga
14. Ben
15 mabait/matulungin
16. hiningi ang puso at ibinaon sa bundok 
17-21 – Rubriks
22. √
23. x
24. √
25. araw
26. isda
27. bahay
28. Doktor
29. PA
30. PR
 

You might also like