You are on page 1of 15

MATEO 14:22-33

22 Pinasakay kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa isang


bangka. Pinauna niya sila sa kabilang ibayo, habang pinaaalis niya
ang napakaraming tao. 23 Nang makaalis na ang napakaraming tao,
umahon siyang mag-isa sa bundok upang manalangin. Nang gumabi
na, nag-iisa siya roon. 24 Samantala, ang bangka ay nasa kalagitnaan
na ng lawa na sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin
sa kanila. 25 Sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi, pumaroon si Jesus sa
kanila na naglalakad sa ibabaw ng lawa. 26 Lubhang natakot ang mga
alagad nang makita siya na naglalakad sa ibabaw ng lawa. Sinabi nila:
Multo! At sumigaw sila dahil sa takot. 27 Nagsalita kaagad si Jesus na
sinabi sa kanila: Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag
kayong matakot.
MATEO 14:22-33
28 Sumagot sa kaniya si Pedro:Panginoon, kung ikaw nga, hayaan
mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. 29 Sinabi niya:
Halika. Pagkababa ni Pedro mula sa bangka, lumakad siya sa ibabaw
ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang makita niya ang malakas
na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya na
sinasabi: Panginoon, sagipin mo ako. 31 Kaagad na iniunat ni Jesus
ang kaniyang kamay at hinawakan siya. Sinabi niya sa kaniya: O,
ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?32
Nang makasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin. 33 Kaya ang
mga nasa bangka ay lumapit at sumamba kay Jesus. Sinabi nila:
Totoong ikaw nga ang Anak ng Diyos.
How Do We
Fix?
ANCHOR YOUR LIFE TO GOD
• 18 God did this so that, by two unchangeable things in which it
is impossible for God to lie, we who have fled to take hold of
the hope set before us may be greatly encouraged. 19 We have
this hope as an anchor for the soul, firm and secure. It enters the
inner sanctuary behind the curtain, (NIV)
• 18 Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos
tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at
sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag
ang loob na umaasa sa mga pangako niya. 19 Ang pag-asang ito
ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y
umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa
Dakong Kabanal-banalan. (MBBTAG)
MEDITATE ON GOD’S WORDS &
PROMISES
MEDITATE ON GOD’S WORDS &
PROMISES
• 8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan.
Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat
ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay
ang iyong pamumuhay. (Joshua 1:8)
• But He answered and said, “It is written: ‘Man shall not live on
bread alone, but on every word that comes out of the mouth of
God.’” (Mat 4:4)
• 23 We must hold on to God's promise that we have said we believed.
And we must never let go. He has promised and he will do it. (Heb
10:23)
LET YOUR FAITH INCREASE
• 17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig
naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo. (Romans 10:17)
• 22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan
lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong
sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito
ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos
makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. (James
1:22-24)
• 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri
ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong
pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. (James 1:2-3)

You might also like