You are on page 1of 7

July 17 2023

Title: ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING HANDA


Theme: Ang utos na MAGBANTAY sa Pagbabalik ng Panginoon
Text:

Marcos 13:32-37
Magandang Balita Biblia

Walang Nakakaalam ng Araw o Oras

32 
“Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak
man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 33 Mag-ingat kayo at maging handa dahil hindi ninyo
alam kung kailan ito mangyayari. 34 Ang katulad nito'y isang taong maglalakbay sa malayo. Iniwan
niya ang kanyang tahanan sa pamamahala ng kanyang mga alipin. Binigyan niya ang bawat isa ng
kanya-kanyang gawain, at inutusan niya ang tanod na magbantay. 35 Gayundin naman, magbantay
kayong lagi dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng sambahayan. Ito'y
maaaring sa takipsilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga. 36 Baka siya'y biglang
dumating at maratnan kayong natutulog. 37 Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging
handa kayo!”

NLT
32 
“However, no one knows the day or hour when these things will happen, not even the angels in
heaven or the Son himself. Only the Father knows. 33 And since you don’t know when that time will
come, be on guard! Stay alert ![a]

34 
“The coming of the Son of Man can be illustrated by the story of a man going on a long trip. When
he left home, he gave each of his slaves instructions about the work they were to do, and he told the
gatekeeper to watch for his return. 35 You, too, must keep watch! For you don’t know when the
master of the household will return—in the evening, at midnight, before dawn, or at
daybreak. 36 Don’t let him find you sleeping when he arrives without warning. 37 I say to you what I say
to everyone: Watch for him!”

INTRODUCTION:
Maging handa, maging alerto sa lahat ng Oras, maging mapagbantay, ito ay mga paalala ng
Ating Panginoon para sa atin.Para sa Pagbabalik ng Ating Panginoong Hesus.

Bridging approach:
Noong 21 days of prayer ito ay naibahagi ni Pastor Isaias, at meron siyang ibinahagi patungkol
sa pagbabantay.
3 points
1. Bantayan ang mga Palatandaan
Ano ba ng mga palatandaan na mga ito. V3-8 At Mateo 24:30

Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sa may tapat ng Templo, palihim siyang tinanong
nina Pedro, Santiago, Juan at Andres, 4 “Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito, at ano po ba
ang palatandaan na ang lahat ng mga ito'y malapit nang maganap?”


Sinabi sa kanila ni Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman. 6 Maraming darating
at gagamitin ang aking pangalan. Sila ay magpapanggap na sila ang Cristo, at ililigaw nila ang
marami. 7 Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga usap-usapan
tungkol sa digmaan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 8 Sapagkat
maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon
ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng
isang nanganganak.

2. Bantayan ang mga Paglilingkod


Bakit kailangan pong Bantayan ang ating paglilingkod, upang saganoon po, madatnan
tayo ng Diyos na naglilingkod ng tapat sa Kanya, at hindi ung walang ginagawa.
3. Bantayan ang mga Priyoridad
Bakit? Dahil upang madatnan tayo ng Diyos na siya ang inuuna natin sa ating mga buhay.

Propositional statement:
Ngayon po ay titignan natin ang Kontexto ng Salitang ito na maging handa at ayon sa bahaging
ito ng salita ng Diyos kung saan Ilang beses inulit-ulit ng Panginoong Hesus na dapat tayo ay
mag-ingat at maging handa.
1. Mag-ingat upang hindi malinlang
v. 5 
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman.

Maraming darating at gagamitin ang aking pangalan. Sila ay magpapanggap na sila ang Cristo, at
ililigaw nila ang marami. 
2. Mag-ingat sa Pag-uusig

“Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Kataas-taasang Kapulungan ng mga
Judio, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa
inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila
3. Mag-ingat sa mga Bulaang Cristo
23 
Kaya't mag-ingat kayo. Sinasabi ko na sa inyo ang lahat ng bagay bago pa man ito mangyari.”

4. Mag-ingat dahil walang nakakaalam


 33 Mag-ingat kayo at maging handa dahil hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari.
37 
Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging handa kayo!”

Interrogative statement:
TANONG?
GAANO BA KAHALAGA ANG PAGIGING HANDA?
MAKAKAYA BA NATIN? ITO BA AY POSIBLE?
ANO ANG DULOT NG PAGIGING HANDA O PAGIGING MAPAGBANTAY?

Transitional statement:

Main points

I. ANG PAGIGING HANDA AY POSSIBLE

Dahil ang Diyos ibinigay na niya ang Lahat na ating kakailanganin upang tayo ay
ma equipped o maihanda.

A. Salita ng Diyos
31 
Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili
magpakailanman.”

Kawikaan 30: 5 
“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga
nananalig sa kanya. 
Awit 119:105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,
    sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

B. Espiritu Santo
Marcos 13: 11 Kapag kayo'y dinakip nila at nilitis, huwag kayong mabahala kung ano ang
sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sabihin ninyo ang mga salitang ibibigay sa inyo, sapagkat
hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
John 14: 16 Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na
magiging kasama ninyo magpakailanman. 17 Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi
matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit
nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili  sa inyo.
[c]

 Mga Gawa 1:8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu


Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at
hanggang sa dulo ng daigdig.”
C. Pagiingat ng Diyos na Sumasaatin.
Marcos 13:27 
Susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig upang
tipunin ng mga ito ang mga hinirang ng Diyos.”
Awit 91: 9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
    at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
10 
Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
    kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11 
Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
    saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

II. ANG PAGIGINGHANDA AY WAG IPAGWALANG BAHALA

Isang Trahedya at nakakalungkot para sa isang Kristiyano na hanggang Ngayon ay


Hindi handa o tiyak ang sa kanyang Buhay pagkatapos niya dito sa Lupa.

Kung tatanungin kita ngayon handa kana ba sa pagdating ng ating Panginoon?


Kasi ang Utos na ito na pagiging Handa Ay sa Pagdating ng Ating Panginoong
Hesus na Dadagitin niya tayo Habang siya ay nasa himpapawid?

Handa ka na ba?

Wag mong ipagwalang bahala ito, dahil napakasiryoso ng Diyos Patungkol sa


kanyang muling pagbabalik. Dapat mo itong pagtuonan ng pansin at panahon.

Marcos 13 :33 
Kayo ay mag-ingat, magpuyat at manalangin, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang
panahon. 34 Ito ay tulad ng isang taong naglakbay at lumabas sa lupain. Iniwan niya ang kaniyang
bahay at ibinigay ang kapamahalaan sa kaniyang mga alipin. Binigyan niya ang bawat isa ng sariling
gawain. Inutusan din niya ang tanod-pinto na magbantay.

35 
Magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay. Maaari
siyang dumating sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga. 36 Maaaring sa bigla
niyang pagdating ay masumpungan kang natutulog
Mateo 24

Dapat Palaging Maging Handa

45 
“Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang
magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan
siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo,
gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung
masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik
ng aking panginoon.’ 49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at
makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa
araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang panginoon
ng matinding parusa,  at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at
[c]

magngangalit ang ngipin.”

Ilan sa dapat nating paghahandaan mga kapatid,


Una , ung buhay natin na kahit mamatay tayo mamaya o bukas alam natin kung
saan tayo pupunta.
Pangalawa, habang bu’hay pa tayo ay maglilingkod tayo ng tapat sa Diyos.

III. ANG PAGIGING HANDA AY NAGDUDULOT NG WALANG HANGGANG


KALUWALHATIAN
Marcos 13:   13 
Kayo ay kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. Subalit siya
na magtitiis hanggang wakas ay maliligtas.

Juan 14
Magandang Balita Biblia

Si Jesus ang Daan

14 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din
kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa
inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag
naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang
kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 

Mga larawan ng Pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.


 Ito Ay maliwanag, malakas at maingay at makikita lang lahat ng tao, ang pagdating niya ay
hindi tahimik, kaya dapat maging handa ng Hindi tao magugulat.

Mateo 24: 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa
silangan hanggang sa kanluran.

Marcos 13: 24 Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kahirapang iyon,

ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.

25 
Ang mga bituin ng langit ay malalaglag. Ang mga kapangyarihan na nasa mga langit ay mayayanig.

26 
Sa oras ding iyon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating, na nasa mga ulap, na may dakilang
kapangyarihan at kaluwalhatian. 

Climax:

2 PEDRO 3: 9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng


ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak,
kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

10 
Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang
kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan
at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala.  11 At dahil ganito ang
[a]

magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong
maging maka-Diyos 12 habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos . Magsikap
kayong mabuti upang dumating agad ang araw na ang kalangitan ay matutupok at ang mga bagay
na naroroon ay matutunaw sa matinding init. 13 Subalit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo
ng bagong langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran.

14 
Kaya nga, mga minamahal, habang naghihintay kayo, sikapin ninyong
kayo'y madatnang namumuhay nang mapayapa, walang dungis at
walang kapintasan. 15 Isipin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng
pagkakataong maligtas. Iyan ang isinulat sa inyo ng kapatid nating si Pablo, taglay ang karunungang
kaloob sa kanya ng Diyos. 

Conclusion:
I. Ang Pagiging Handa ay Posible
II. Ang Pagiging Handa ay wag ipawalang bahala
III. Ang pagiging handa ay nagdudulot ng wagas na Kaluwalhatian
Prayer :

You might also like