1. The document provides guidance on being a critical thinker when consuming news and information from various sources like radio, newspapers, and the internet.
2. It emphasizes the importance of critically analyzing facts and truths, and recognizing what is beneficial or harmful. Examples are given of how to thoughtfully question sources and consider multiple perspectives before making judgments.
3. Readers are prompted to evaluate the credibility of ads, news stories, and videos based on their content, and to discuss their understanding and any doubts with others.
1. The document provides guidance on being a critical thinker when consuming news and information from various sources like radio, newspapers, and the internet.
2. It emphasizes the importance of critically analyzing facts and truths, and recognizing what is beneficial or harmful. Examples are given of how to thoughtfully question sources and consider multiple perspectives before making judgments.
3. Readers are prompted to evaluate the credibility of ads, news stories, and videos based on their content, and to discuss their understanding and any doubts with others.
1. The document provides guidance on being a critical thinker when consuming news and information from various sources like radio, newspapers, and the internet.
2. It emphasizes the importance of critically analyzing facts and truths, and recognizing what is beneficial or harmful. Examples are given of how to thoughtfully question sources and consider multiple perspectives before making judgments.
3. Readers are prompted to evaluate the credibility of ads, news stories, and videos based on their content, and to discuss their understanding and any doubts with others.
1. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? 2. Pinaniniwalaan mo ba ang lahat ng nababasa o naririnig mo sa mga balita? Nanunuod kaba ng patalastas o ikaw ba ay may alam na patalastas? O napapanood o nababasa na mga balita? Ano ito? Maaari kabang magbigay? “Ano ang kahalagahan ng pagiging mapanuring tagapakinig/tagapanuod/mambabasa ng balita at mga impormasyon mula sa internet?”
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangiang
dapat taglayin ng bawat isa sa atin. Nakatutulong ito upang makapagsuri ng mga babasahin, patalastas at mga programa sa radyo man o telebisyon. Kabilang na rito ang makapagsuri sa katotohanan at makilala ang mga bagay kung ito ay nakabubuti o nakasasama man sa atin. • Ang mapanuring pag-iisip ay naipapakita sa pamamagitan ng masusing pagtatanong habang tayo ay nakikipag-usap o nakikipag-ugnayan sa ating kapwa
• Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga
ideya at lumutas ng mga suliranin. Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng pagtatanong, pagsusuring mabuti sa mga posibleng kasagutan at pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit ano. Kabilang dito ang pagsusuri sa katotohanan, mabuti man ito o masama. Tignan ang isang halimbawa ng patalastas. Ano ang produktong kanilang binebenta? Ano daw ang masasabi mo kapag ikaw ay nakakain nito? Bibili kaba nito? Bakit? Paano ang wastong pagsusuri sa isang balitang napakinggan? Basahing mabuti ang balitang ito. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang natutuhan mo sa balitang iyong napakinggan? 2. Nagkaroon ka ba ng pagkakataong hindi naniwala sa balitang iyong narinig sa radyo, nabasa sa pahayagan o sa internet? Ipaliwanag ang dahilan.
3. Paano mo masasabing ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang
naririnig mo sa radyo, nababasa sa pahayagan o internet? 4. Naranasan mo na bang tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa. 5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong ate ukol sa balita na kanyang napakinggan? Panuorin ang isang bidyo ng patalastas. Ano ang masasabi sa patalastas? Kapani-paniwala ba ito? Paano mo masasabi ang napanuod mo ay totoo? O hindi totoo? Ang magandang balita ay ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mababatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig at nanonood. Samantalang ang mapanghamong balita naman ay tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, sekswal na hindi angkop sa mga batang nanonood o nakikinig. Bumuo at isulat ang pangako mo tungkol sa dapat mong gawin o baguhin bilang isang mahusay na tagapanuri ng katotohanan kaugnay sa mga balita, impormasyon, at patalastas mula sa mga pahayagan, narinig na balita sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet. Isulat ito sa isang malinis na papel. Ano ang mapanuring pag-iisip? Paano ka magiging mapanuri? Tandaan Natin: Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang naririnig sa radyo, nababasa sa pahayagan o internet. Ang pagiging mapanuri sa narinig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pagiisip. Lagyan ng tsek (√) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ___1. Eksakto at wasto ang ibinahaging balita ni Bobby sa kanyang pamilya tungkol sa paparating na bagyo kaya maaga silang nakapaghanda. ___2. Nagkaroon ng pangamba at takot sa mga mamamayan ng barangay San Isidro tungkol sa ibinahaging impormasyon ni Gabby tungkol sa COVID-19. ___ 3. Nagbabahaginan ng opinyon at saloobin ang magkapatid tungkol sa kanilang nabasang impormasyon sa internet. ___ 4. Galit na galit si G. Regino sa isang pulitiko na naakusahan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan mula sa balita sa pahayagan gayong wala pang ebidensiyang nagtuturo rito. ___ 5. Binasang mabuti ni Edmon ang patalastas na nakapaskil sa pader ng paaralan bago niya ito ibinahagi sa kanyang mga kaklase. ___ 6. Nagkulang ng isang impormasyon si Erika tungkol sa patalastas na ibinahagi niya sa kanyang mga kaibigan kaya nagkaroon ng kalituhan. ___ 7. Kumpleto ang detalye ng balita na ibinahagi ni Mylene sa kanyang mga kapitbahay kaya laking pasasalamat ng mga ito sa kanya. ___ 8. Agad na hinusgahan ni Tess ang mga nanunungkulan sa ating bansa kaugnay sa mabilis at malawak na paglaganap ng droga sa ating bansa. ___ 9. Mabilis na kumalat sa internet ang pagkamatay ng isang kilalang artista gayong di pa ito kinukumpirma ng mga kamag- anak nito. Agad itong ibinalita ni Michella sa kanyang mga kakilala. ___ 10. Binasa ni Fredo ang balita nang may pag-unawa bago niya ito ibinahagi sa iba. Basahin at unawain ang isinasaad sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. __ 1. Nabasa mo sa My Makati page na marami na ang kaso ng Covid 19 sa inyong barangay na tinitirhan. Ano ang gagawin mo sampu ng iyong kapamilya? A. Agad kong ibabalita sa aking kapamilya upang makapag-ingat. B. Ililihim sa magulang ang natuklasang datos sa My Makati page. C. Ipagsasawalang-bahala ang nabasang anunsyo sa My Makati page. D. Magboboluntaryo ako na maging isang frontliner. 2. Napakinggan ni Reyma sa radyo na may paparating na malakas na bagyo sa kanilang lugar. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Agad na ibalita sa mga kapitbahay kahit hindi kumpleto ang
impormasyon upang makapaghanda na agad sila. B. Hindi na kailangang makinig pa sa radyo sapagkat malakas ang konsumo nito sa kuryente. C. Ipagsasawalang bahala ang napakinggang balita. D. Pakinggan at unawaing mabuti ang mga detalye ng balita bago ibahagi sa pamilya at kapitbahay. 3. Patuloy na ibinabalita sa telebisyon ang isyu tungkol sa dumaraming bilang ng nahahawaan ng virus dulot ng COVID-19. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagwalang-bahala ang palaging paalala ng ating gobyerno.
B. Lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga kapitbahay. C. Magbigay agad ng opinyon kaugnay sa isyu na huwag maniwala sa balita. D. Makinig sa paalala ng mga magulang at palagiang maghugas ng kamay . 4. Napansin mong ilang oras ng naglalaro ng Mobile Legend ang iyong nakababatang kapatid. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi pakikialaman ang kapatid sapagkat karapatan nitong
gawin ang kanyang nais. B. Magpapaturo sa kapatid ng mga techniques sa paglalaro. C. Papayuhan at sasawayin ang kapatid sa maling gawi. D. Sasabihin sa kapatid na gagalingan pa ang paglalaro. 5. Mag-isa kang nanonood ng telebisyon at napalipat ang channel sa katatakutang palabas. Ano ang gagawin mo? A. Ililipat ang channel at manonood ng mga palabas na angkop sa edad ko. B. Ipagpapatuloy ang panonood at ipagmalaki sa mga kaibigan na naging matapang ako sa panonood ng katatakutan. C. Gisingin ang mga nakababatang kapatid at magpasama sa panonood. D. Uunawain ang palabas upang makakuha ng ideya sa pananakot sa kapwa.