You are on page 1of 17

• Naipahahayag ang pangangatuwiran sa napiling

alternatibong solusyon o proposisyon sa


suliraning inilahad sa tekstong binasa. (F8PB-
IIe-f-25)
Layunin:

• Naibibigay ang denotatibo at konotatibong


kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa
akda. (F8PT-IIe-f-25)
Balik Aral
Panuto: Tignan ang mga larawan na ipakikita at hulaan ang salita kapag pinagsama ang mga
nawawalang pantig.

_ba bu_ _sa _tol

Balagtasan
Balik Aral
Panuto: Sipatin ang mga larawan na ipakikita at hulaan ang salita kapag pinagsama ang mga
nawawalang pantig.

_big na_ nga_

Tunay nga
Balik Aral
Panuto: Sipatin ang mga larawan na ipakikita at hulaan ang salita kapag pinagsama ang mga
nawawalang pantig.

_ta _ma

Mali
Balik Aral
Panuto: Sipatin ang mga larawan na ipakikita at hulaan ang salita kapag pinagsama ang mga
nawawalang pantig.

ba_ bu_ ta_ sa_

Totoo nga
Panuto: Pansinin ang pinag-usapan ni Juana at Julia.

Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga anong puso-puso ang
sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng
mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kanyang tibok ay siyang sinusunod, datapwa’t
ngayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayon kung may lalaking nangingibig
ay tinatanggap ng mga mata itinutuloy rito.

Julia: (Hihipuin ang noo) Dito sa isip at dito sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang
paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan,
siya’y nagpapahingalay na…
PANGANGATUWIRAN AT
PAGPAPAKAHULUGAN

Ikalawang Markahan - Modyul 4


Pangangatwiran
• isang pagpapahayag na may layunin na masubukan ang katatagan at katayuan
ng isipan o talinong taglay ng isang tao
• isa sa mga sangkap ng mabisang pangangatuwiran ang proposisyon

• ang proposisyon ay pahayag na maaaring sang-ayunan at maaari ding tutulan


kaya’t dapat talagang mangatwiran.

Halimbawa ng Proposisyon:
Dapat bang pairalin nang mahigpit ang pagbabawal na lumabas ng bahay ngayong
may pandemya?
Pangangatwiran
• ginagamit din ang alternatibong solusyon sa pagbuo ng pangangatuwiran.

• ang alternatibong solusyon ay nagbibigay ng mungkahi o pahiwatig na gawin


ang isang tiyak na hakbang kapalit ng isa pa.

• narito ang mga salita/ parirala na ginagamit sa pagbibigay ng alternatibong


solusyon:
• makabubuti siguro… • una mong dapat gawin…
• higit na mainam… • makabubuting…
• ganito ang dapat gawin… • makatutulong ng malaki…
• kailangan… • dapat ay ganito…
Pangangatwiran
• Halimbawa ng Alternatibong Solusyon:

• Makabubuti siguro na manatili sa bahay sa panahon


upang hindi mahawaan ng virus.

• Una mong dapat gawin ay ugaliing maghugas ng


kamay sa loob ng 15 minuto. Higit na mainam kung
magsuot ng mask.
Pagpapakahulugan
• sa pagpapakahulugan, maaaring gamitin ang denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan

• ang kahulugang denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na


matatagpuan sa diksyunaryo

• habang ang konotatibo ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa


isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat
Pagpapakahulugan
Halimbawa:

Pusang itim
Denotasyon: uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw
Konotasyon: nagbabadya ng kamalasan o kamatayan

Kamay na bakal
Denotasyon: bakal ang kamay
Konotasyon : paghihigpit
Pagpapakahulugan
Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o
magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.

Halimbawa:
maganda- marikit
mabango- masamyo, mahalimuyak
Pagpapakahulugan
Ang kasalungat na kahulugan ay kabaliktaran ng isinasaad ng
salita.

Halimbawa:
maganda- pangit
mabango- mabaho, maamoy, masangsang
Pagsasanay
Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na salita, parirala o pahayag kung ito ba ay
nasa Denotatibo o Konotatibong pagpapakahulugan.
1.Buwaya-ganid, sakim, makasarili 1. Konotatibo
2.Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na 2. Denotatibo
kasangkapan na maaaring iprograma upang
magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga
operasyong aritmetiko o lohiko.
3.Puso-pag-ibig, pagmamahal, damdamin 3. Konotatibo
4.Ibon-kalayaan, kapayapaan 4. Konotatibo
5.Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa 5. Denotatibo
ilang mga layunin.
Pagsasanay
Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na salita, parirala o pahayag kung ito ba ay
nasa Denotatibo o Konotatibong pagpapakahulugan.
6. Rosas- pulang rosas na may berdeng dahon. 6. Denotatibo
7. Krus-ito ay simbolo ng relihiyon 7. Konotatibo
8. Ahas-isang traydor o pekeng kaibigan 8. Konotatibo
9. Papel- ito ay isang bagay na sinusulatan 9. Denotatibo
10. Bituin-artista 10. Konotatibo
MARAMING
SALAMAT!

You might also like