You are on page 1of 1

Ang "Tinig ng Ligaw na Gansa" ay akdang mula sa Ehipto.

Ang
gintong aral na mapupulot mula sa akda ay tungkol sa tunay na
pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay handang masaktan
para sa minamahal. Handa itong magbigay hanggat kaya at
handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal. Kung
minsan ang pagmamahal ay nakakasakit din sa ibang tao
sapagkat dumarating tayo sa puntong wala na tayong pakialam
sa ibang tao. Lagi na lang na ang ating iniisip ay ang ating sarili at
wala ng iba. Nawawalan na tayo ng koneksyon sa labas ng
mundo kung kaya't kahit ang ating pamilya ay napapabayaan na
natin.

Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na ipinapahayag sa


pamamaraan ng isang tula. Ito ay tungkol sa hindi inaasahang
pagmamahal ng isang tao sa hindi sinasadyang panahon at
pagkakataon. Ipinakita nito ang komplikasyon dulot ng pag-iibigan
sa maling panahon at pagkakataon.

Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na isinulat porma ng


isang tulang may malayang taludturan. Ito ay tungkol sa isang
ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito ay nahuli sa
bitag. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at nang
makakita ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng
malaman na ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa mula sa Ehipto, Ito ay Isinalin sa


Filipino ni Vilma C. Ambat, Mula sa Ingles na salin ni William Kelly
Simpson

You might also like