You are on page 1of 2

uod ng Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isa sa mga uri ng panitikan na matatagpuan sa bansang Ehipto. Ito ay isang tulang lirikong pastoral ng
mga taga-Egypt o Ehipto. Ibinabahagi ng tula ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa
gitna ng lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang malaking patunay ang tula na taos-puso ang
pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao.

Narito ang buong tula:

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa

nahuli sa pain, umiyak

Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,

hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,

subalit kay ina'y anong masasabi?

Sa araw-araw ako'y umuuwi,

karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Aral ng tula
Maging mapanuri sa pag ibig
Maghintay sa pagdating ng tamang pag ibig

Tauhan sa tula
Gansa

Ang akdang ito ay isang tula na tumutukoy sa isang gansang nasasakal sa pag-ibig. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw
sa pag-ibig at nang makakita ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang pag-ibig pala ay
pinagsamang sarap at hirap.

Ang pangunahing punto ng may-akda ay kung tayo ay magmamahal, siguraduhin natin na wala tayong naaapakan at nasasaktan. May
iba kasi na nagpapaka-martyr sa pag-ibig kahit alam niyang mali ito para lang matugunan ang kanyang mga pangangailangan. May iba
naman na sinasakripisyo ang kaligayahan upang maging maligaya ang isang tao kahit hindi niya gusto ngunit napilitan lang.

Dito sa akdang ito, pinupunto ng may-akda na huwag natin ipilit o isakal ang isang taong ayaw sa iyo. Dahil sa huli, ikaw pa din ang
masasaktan.

Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na ipinapahayag sa pamamaraan ng isang tula. Ito ay tungkol sa hindi inaasahang
pagmamahal ng isang tao sa hindi sinasadyang panahon at pagkakataon. Ipinakita nito ang komplikasyon dulot ng pag-iibigan sa
maling panahon at pagkakataon.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang uri ng panitikan mula sa mga taga-Ehipto. Ito ay isang tulang lirikong pastoral ng mga taga-
Egypt o Ehipto. Ibinabahagi ng tula ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa gitna ng
lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang malaking patunay ang tula na taos-puso ang
pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao

Ano ang nilalaman ng Ang tinig ng ligaw na gansa at ano ang sukat ,tugma at talinghada ng Ang tinig ng ligaw na gansa Kilala ang
mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami higit nilang pinahahalagahan ang
buhay, kaya maging sa kamatayan ay nais nila itong ipagpatuloy. Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang mga sinaunang tulang
nakuha sa mga kuweba ng Egypt. Ang paksa at tema ng mga ito ay pawang tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa karaniwang
pamumuhay ng mga tao.
Ang tulang ito ay nagpapakita kung paano naghahangad ng simpleng uri ng pamumuhay ang mga taga Egypt na namumuhay sa
sopistikadong henerasyon.

Tugma:

a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)

Sa aking lupain doon nagmumula

Lahat ng pagkain nitong ating bansa

Ang lahat ng tao, mayaman o dukha

Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

Sukat:

Lalabindalawahing pantig

Ako’y magsasakang bayani ng bukid

Sandata’y araro matapang sa init

Hindi natatakot kahit na sa lamig

Talinghaga :

Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon

kay A. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa

ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong

kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay

o matalinghagang mga pahayag.

Halimbawa:

Nahuli sa pain, umiyak

Ako’y hawak ng iyong pag-ibig

Hindi ako makaalpas

Sa buong maghapon gumagawang pilit.

talinghaga

You might also like