You are on page 1of 7

Pamagat: Ang Tinig ng

Ligaw na Gansa

Aralin 1.6
Boud
• Isa sa mga uri ng panitikan na matatagpuan sa Egypt ay Ang
Tinig ng Ligaw na Gansa. Ito ay isang liriko na tula tungkol sa
mga Egyptian, na itinakda sa kanilang kanayunan. Ang
sinaunang tula na ito ay nagpapaalala sa atin ng malalim na
pagnanais ng mga Egyptian para sa isang mas simple, mas
mapayapang pamumuhay sa harap ng lumalaking
kumplikado at modernisasyon ng sibilisasyon. Isa itong
makapangyarihang halimbawa kung gaano kalalim ang
pagpapahalaga ng mga Egyptian sa buhay ng tao.
Uri ng Tula: :

• Tulang Pastoral na may sampung


talodtud at dalawang saknong
Ang Tinig ng Ligaw na
Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitagl
sapagka't sa pag-ibig mo'y
nabihag.
Tungkol saan ang tulang ito:

• Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na ipinapahayag sa


pamamaraan ng isang tula. Ito ay tungkol sa hindi inaasahang
pagmamahal sa isang tao sa hindi sinasadyang panahon at
pagkakataon. Ipinakita nito ang komplikasyon dulot ng hindi
sinasadyang pag-iibigan. Ipinapahayag nito na ang pag-iibigan gaano
man kadalisay ang hangarin ay mananatili itong ligaw kapag naganap
o naibigay sa maling tao, maling panahon at maling pagkakataon.
Magmistula lamang itong pag-ibig sa hangin kung saan gustung-gusto
mong iparamdam ngunit alam mo sa iyong sarili na mayroong ibang
maaapektuhan dahil hindi pa tama ang panahon.
Ano ang gintong aral na iyong natutunan sa tulang
“Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”

Ang "Tinig ng Ligaw na Gansa" ay akdang mula sa Ehipto. Ang


gintong aral na mapupulot mula sa akda ay tungkol sa tunay
na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay handang
masaktan para sa minamahal. Handa itong magbigay hanggat
kaya at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng
minamahal. Kung minsan ang pagmamahal ay nakakasakit din
sa ibang tao sapagkat dumarating tayo sa puntong wala na
tayong pakialam sa ibang tao. Lagi na lang na ang ating iniisip
ay ang ating sarili at wala ng iba. Nawawalan na tayo ng
koneksyon sa labas ng mundo kung kaya't kahit ang ating
pamilya ay napapabayaan na natin.
Nilikha ng: Pangkat 5

Pangkat 5 Miyembro:
• Louryje Lou Joy Taponggot
• Rianne Brylle N. Ingking
• Dunhill Derek M. Cuabo
• Denise May B. Oyao

You might also like